CHAPTER 1 (Unexpected Chat)
Janella’s POV
October 11, 2018Isang normal na araw ang aking naranasan, kwentuhan, tawanan, kainan, kantahan, at masasabi kong isang araw na hindi ko malilimutan.
Hanggang dumating ang huli naming break time kinausap ako ng aking kaklase tinanong kung may kilala akong ganoon na pangalan, isang pangalan na tumatak sa aking isipan at pilit na gumugulo sa isip ko na para bang may ibig sabihin.
“Kanina pa kasi nya ako chinachat, wala ka ba talagang kilalang Jake Christopher Villegas”
ang paulit-ulit na tanong nya hanggang sa dumating sa punto na ibinigay ko na ang sarli kong cellphone para patunayan sa kanya na wala talaga akong kilalang ganoon ang pangalan. Pagbukas niya ng messenger ko bigla namang tunog ng notification ko na para bang may natanggap na bagong message at lumabas ito sa message request.
Lahat sila ay masaya, nagtatatalon sa tuwa at ako naman ayun tulala na para bang gulat na gulat at on process parin ang lahat ng nangyari, iniisip parin kung ano yung tinutukoy nila.
Noong nabuksan na ni Kenzie ang message don na sila lalong nagingay na para bang nanalo sila sa lotto, ako tiningnan lang kung ano ang sinabi ni JakeChris at iniisip parin kung sino sya. Kinabahan ako at ang tangi kong nasabi kay Kenzie ay
“hindi ko naman yan kilala eh, bat ko kakausapin?”
Napatingin sya sa akin na para bang may gustong iparating ngunit ang tangi lang niyang nasabi ay
“ayaw mo bang makakilala ng ibang tao?”
At dinugtungan pa ng mga kaklase kong masasabi na may mga sapak sa ulo at halos lahat ng kalokohan ay naggawa na. Kaya wala na akong sinabi pa, wala na ding nagawa kundi ang replyan ang lalaking kanina pa nagchachat.
Nanahimik ang lahat habang inaantay kung ano ang sasabihin ng aking kausap habang nanginginig at nanlalamig parin ang aking mga kamay sa mga nangyayari. Lahat ay nag-aabang sa susunod na mangyayari, sila pa yung mas natutuwa at inaabangan ang sagot kaya noong umilaw ang cellphone ko lahat ay tuwang-tuwa at sila pa yung kilig na kilig sa mga nangyayari.
“Boi! ang tagal ka niyan hinanap at ang tagal na gusto ka niyang makausap” ang sabi ng aking kaklase.
Ako’y napaisip kung sino ba talaga itong kausap ko, ang hirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon kasi marami na ang manloloko.
“Boi! ibinigay ko na yan kay Katherine, eh talagang ikaw talaga yung hinahanap sa akin” ang sabi ni Maddison,
“Oo nga, ka-gwapo naman niyan eh!” ang pagdaragdag ni Katherine.
Pero ayaw ko talaga siyang replyan kaya napagtripan ako ng isa kong kaklase, Si Maria, kinuha niya ang cellphone ko at tinakbo kaya napansin ng iba naming kaklase ang aming ginagawa kaya nireplayan ko na si JakeChris at lalong dumami ang nakaalam tungkol sa pag-uusap na iyon. Binigyan ko ng chance na makausap siya ng aking mga kaklase, kaya binigay ko sa mga kaklase ko ang cellphone ko at sila ang pinag-reply ko sa kanya,
“basta ‘wag kayong gagawa ng kalokohan diyan ha” ang pagpapa-alala ko sa kanila.
Sa mga nangyari, buti na lang hindi dumating ang teacher namin. Hanggang sa naglabasan na kami iyon parin ang kanilang pinaguusapan ang tangi kong naririnig na comment ng ilang hindi pa nakakaalam ay
“suwerte naman!!!”
Dahil sa mga nangyari mas pinili ko nalang na umuwi ng maaga para naman mapagtanto ko na at malinawan na ang isip ko sa mga nangyari. Pag-uwi ko sa bahay ramdam ko ang lamig-lamig pa din at lutang pa din ang aking isip sa mga nangyari.
Nagpalit ako ng aking suot at binuksan ang aking messenger at bumungad sa akin ang message niya. Habang tumatagal ang aming pag-uusap doon ko unti-unting nararamdaman na totoo ‘to at hindi panaginip ngunit nandoon parin ang pagdududa ko, iniisip na baka isa na naman itong prank ng mga kaklase kong mga walang hiya.
Nagpatuloy ang aming pagchachat hanggang gabi, at hanggang gabi nandoon parin yung mga kaklase kong inaabangan ang mga nangyayari. Habang kausap ko siya may sinabi sya na aking ikinagulat at ikinabigla ng damdamin, hindi ko inaasahan na sa una naming pag-uusap sasabihin na agad niya ang mga salitang iyon at magiging ganoon na agad siya ka-komportableng kausap ako.Dahil sa aking pagkabigla hindi ko agad sya nareplayan at makalipas ang ilang saglit ang tangi ko lang nasabi sa kanya ay
“advance mo naman mag-isip kakakilala lang natin ngayon sinabi mo na agad sa akin na ‘you like me’ at ang tawag mo na sa akin ay ‘babe’,”
at dahil doon nag-sorry sya at sinabing nandyan lang sya kapag kailangan ko ng kausap. Dahil feeling ko na lumalala na ang kanyang mga sinasabi mas pinili ko ng sabihin sa kanya na
“16% nalang ang battery ng phone ko”
at agad naman niya itong naintindihan at kahit sa huli nagsabi parin sya ng“ok goodnight bye, I love you.”
Pagkatapos kong makita ang sabi nya nag-goodnight nalang ako at nag-out na para narin maipahinga ko ang aking isip sa mga nangyari, at natanong ko nalang sa sarili ko na kung totoo ba talaga sya at hindi poser lang. Natulog ako ng maayos at umasang sa aking pag-gising ay maayos na ang lahat, at panaganip lamang lahat nang nangyari.
YOU ARE READING
The Unexpected Love
Teen FictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story