Chapter 2

1.7K 19 0
                                    

CHAPTER 2 (You’re Always be my 11:11 Wish)
         October 12, 2018

                     Pag-gising ko nabigla ako sa aking sarili at mas inuna akong buksan ang phone ko kaysa sa bumangon at manligo.

      Pagbukas ko sa aking messenger, may iniwan pala syang message noong 12:12 pm na dahil sa magkabaliktad ang aming oras hindi ko na namalayan ang message nya ang tangi nyang sabi ay

“Prendersi cura sempre mio amore, Buonanotte Ti amo You’ll always be my 11:11 wish Sleep well”
 
     kahit hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi intindi ko naman kung ano ang gusto nyang iparating at iparamdam sa akin, kaya umalis ako ng aking kwarto na may ngiti sa aking mga labi.

    Nag-ayos na ako ng aking sarili para maghanda sa pagpasok sa eskwelahan, pagdating ko sa aking school ay parang normal lang ang lahat at parang hindi nangyari ang kahapon, pero nagulo lahat nang iyon ng dumating na si Maria at tinukso ako tungkol sa kanya.
  
    Normal na klase ang nangyari hanggang dumating ang aming break time, pinakita ko kay Kenzie ang huling chat ni JakeChris sa akin at tinanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin nito pero ang sabi niya sa akin ay hindi niya maintindihan lahat, ang naiintindahan lang niya ay ‘Mio Amore’ na ang ibig sabihin ay ‘My love’ at ‘Buonanotte Ti amo’ na ang ibig sabihin ay “Goodnight I love you’ dahil basic Italian lang ang alam niya.

At dahil tinanong ko kay Kenzie ang ibig sabihin ng Italian word na ito ay inuto niya ako kaya dinahilan ko sa kaniya na “ni isang hibla ng buhok niya di ko pa nakikita”
       
          Kinagabihan ay chinat  ulit ako ni JakeChris at nangamusta siya, tinanong din niya ako kung nainlove na ba ko at ang isinagot ko naman ay
“sa mga actor lang ng K-drama”

    at nang sinabi ko yun ay tinanong niya ko kung kailan kaya ako sa kanya maiinlove at ang sinabi ko lang sa kanya ay

“sa tamang panahon”

     at dun niya sinabing aasahan niya yun at dun niya rin ako tinawag na ‘Baby J’, at naguluhan ako sa tinawag niya sa akin at sinabi kong
“hindi naman ako bata”

kaya pinalitan niya ang nickname ko na nakalagay na ‘Baby J’ sa ‘My Lady J’.

     Nagulat na lang ako na may bigla siyang sinend na picture at tinanong ko sa kanya kung sino iyon ang sabi naman niya ay

“Guess who?”

ang sinabi ko na lang ay hindi ko alam at dun niya sinabi na siya yung nasa picture. Naguluhan ako sa pag-send niya sa akin ng picture at bigla kong naalala yung sinabi ko kay Kenzie na “miski isang hibla ng buhok hindi ko pa nakikita”, kaya naisip ko na baka sinabi sa kanya ni Kenzie.

                  Pagkatapos naming mag-chat ay tiningnan ko naman ang Group Chat naman ng aming klase. At doon ko nakita na sinend ni Maddison ang picture ni JakeChris sa aming GC at minention niya pa ako at sinabi na

“@Janella Maxine Bermudez ang gwapo ng Bebe mo”

N tapos sinabi naman ng isa pa naming kaklase na si Francine na

“Boi! Wag mo nang pakawalan”
at ang sinabi ko naman ay “Wala naman akong Bebe” at ang nireply lang ni Maddison ay “Soon” naguguluhan parin ang aking isipan.

     Ito ang unang beses na nangyari ito sa akin na minsan nang may nagkagusto sakin, na minsan nang may magiging ganoon kainteresadong kausap ako.
    
     Hanggang sa unti-unti nang lumalim ang pag-uusap naming dalwa, nalilito ako sa lahat nang nangyayari bukod sa unang beses palang to ay talagang nakapaninibago ang lahat dahil di pa ako kailanman nakaramdam ng ganito.
  
      Iba kasi siya sa lahat, hindi siya gaya ng ibang lalaki na hindi mo mapagkakatiwalaan. Ang haba ng pasensya nya na kahit sobra ko na syang balewalain ay hinihintay nya parin ako at nagagawa pading mag iwan ng messages para sakin, kinakamusta ako at lahat na ata ng sweet messages.
    
     Di ko alam kung bakit ang bilis ng lahat, minsan naiisip ko na maaaring mabilis din syang mawawala sakin dahil mabilis talaga lahat ang pangyayari na halos nakakagulo sa isipan.

   Mahirap man pero ang sarap paniwalaang totoo sya, dahil habang tumatagal ay nakikilala ko kung gaano sya kabuting tao. Minsan na nyang sinabi na “he’s a man and not a boy” para naming pinatutunayan nya ito sakin araw-araw. Sa araw-araw naming pag uusap.  Ang sarap paniwalaang totoo sya pero may kurot padin sa aking puso na maaaring hindi sya tunay, na baka isang araw ay mamulat nalang ako sa katotohanang hindi pala sya nag eexist.

The Unexpected Love Where stories live. Discover now