CHAPTER 5 (Aubrey)
October 18, 2018Kinabukasan pagpasok ko sa aming classroom ay parang normal lang at walang nangyari kagabi at walang nangyaring problema noong mga nakaraang-araw.
Habang hindi pa nadating ang aming adviser ay nagkwentuhan muna kami dahil wala pang ganoong nangyayari dahil kakatapos pa lang ng exam namin.
Habang nagkakakukwentuhan kami ni Maria hindi ko alam kung saan nagsimula at napag-usapan namin ang nangyari kagabi kung ano ang nasabi sa akin ni JakeChris at pinanakita ko sa kanya ang ilan sa aming convo habang binabasa niya iyon kita ko sa kanya na kinikilig siya sa kanyang binabasa
“bakit ka namumula?”tanong ko sa kaniya.napatingin siya sa akin na nakangiti.
“kakakilig kaya kayo”ang sagot niya sa tanong ko at narinig iyon ni Kyra at may nasabi siya na tungkol kagabi at tinanong ko kung may nasabi si JakeChris sa kanya at doon nga niya nabanggit ang tungkol kay ‘Aubrey’ .
“Aubrey?” ang tanong ko sa kanya.
“Ganto kasi yun, ang sabi niya sa akin kinuha daw ng mga friends niya ang cellphone nya at nalaman ang tungkol sa inyo at nalaman ito ni Aubrey.” ang pagpapaliwanag samin ni Kyra.
“Sino naman si Aubrey?” ang natanong ko na lang sa kaniya.
“Si Aubrey ay may gusto sa kanya” ang sabi ni Kyra sa amin.
“Maganda ga si Aubrey?” tanong ni Maria.
“Oo, mas maganda pa sa nandito sa Pilipinas na gusto ni JakeChris” ang sagot ni Kyra sabay ub-ob sa kanyang kinauupuan.
Makalipas ang ilang saglit ay dumating na ang aming teacher at doon na natapos ang aming pag-uusap.
Habang kami ay nagkaklase iniisip ko na tungkol doon ang sinasabi sa akin JakeChris kahapon kaya nasabi niyang masama ang pakiramdam niya.
Inantay kong mag 12 pm para makausap siya dahil iyon ang oras na naghahanda na sya para pumasok sa school.
“Good morning, ayus na ang pakiramdam mo?” ang tanong ko sa kanya.
Inantay ko ang reply niya sa akin at nabasa niya lang ito noong 7:10 pm na
“Oo naman my lady” ang sagot niya sa akin.
Sa kanyang sinabi naging maayos na ang aking pakiramdam at hindi na ganoong nag-aalala.
Simula ng araw na ito dito ko naramdaman na parang naging cold na siya sa akin hindi na siya ganoon makipag-usap, hindi na katulad ng dati na siya yung nauunang mag chat sa aming dalawa.
Wala na din siyang iniiwan na message sa akin tuwing gabi at hindi na siya ganoon kadalas mag-online.
'Ano kaya ang nangyari, bakit hindi na niya ako kinakausap?' ang natanong ko na lang sa isip ko.
Hindi ko nalang inisip ang tungkol doon dahil nasakto naman na marami din ang ginagawa noong mga araw na iyon.
Lumipas ang ilang oras kahit isang message ay wala akong natanggap sa kanya kaya hindi ko na siya sinagot noong huli message niya sa akin.
Inisip ko nalang na baka busy siya o kaya ay malapit na ang kanilang exam kaya hindi siya nakakapag-online.
Natulog nalang ako at iniwan ko nalang na bukas ang mobile data ko para if ever na magchat sya magigising ako at makikita ko agad.
Kahit hindi ko siya nakausap noon hindi sumagi sa isip ko yung sinabi ni Kyra na tungkol kay Aubrey.
YOU ARE READING
The Unexpected Love
Teen FictionThis is a story about a girl who found love in an unexpected way. English/Tagalog love story