Chapter 4

1.1K 12 0
                                    

CHAPTER 4 (He stays)

     October 17, 2018

           Pag gising ko nandoon parin yung mga tanong sa aking isipan, naguguluhan parin ako dahil kahit alam ko na ang gustong iparating ng kanyang my day ay mas gusto ko paring malaman ang buong istorya at kung bakit bigla nya yun nasabi at bigla na lang syang naging cold sa akin.

Binuksan ko ang aking messenger nagbabakasakaling nagchat na siya ngunit ako ay nabigo hanggang ngayon ay hindi parin siya nag-oonline.

Habang ako ay nakaupo biglang tumunog ang cellphone ko at nang binuksan ko ito,

“Janella, poser ga yun? pakiramdam ko talaga poser yun” ang nakalagay sa message, kala ko kung sino si Naomi lang pala.

Noong nabasa ko ang message niya hindi na ako nanibago pa dahil hindi lang naman siya ang unang nagsabi na poser ang aking kachat, dahil sa ‘too good too be true’ lahat ng ipinakikita niya sa akin, sa amin, pati narin sa aking mga kaklase na nakakachat niya.

Mayamaya ay nagsend si Naomi ng screenshot ng message na sinabi niya kay JakeChris

“…are you for real? Are you a poser?” ang pagdaragdag niya sa kanyang sinabi sa akin.

Kinausap niya ito at ang tangi ko nalang na naireply sa kanya ay

“ikaw kung gusto mong itanong.”

Ilang saglit pa ay nagreply na siya sa akin “Tssk hindi na talaga ako naniniwala na nageexist yan e” ang sabi niya.

Pagkatapos ko siyang replayan ay nagayos na ako para sa aking pagpasok.

Pagpasok ko sa aming classroom “ano gang nangyari sa inyo” ang kanilang tanong sa akin.

Wala akong maisip na isasagot sa kanila dahil kahit mismo ako na lagi niyang kausap ay hindi ko din alam

“hindi ko alam, si Kyra ang huli niyang kausap, kahit ako gusto kong malaman ang nangyari.” ang tangi kong nasabi sa kanila.

Tapos binuksan ko ang aking messenger at tiningnan ko kung ano ang nangyayari sa Group Chat ng aming klase at doon ko nakita na parang may konting away na nangyari na hindi ko inaasahan, dahil sa hindi paniniwala ni Naomi na nag-eexist si JakeChris at dahil doon ay nagkaroon sila nina Kyra at Kenzie ng hindi pagkakaunawaan.

“hindi naman kayo inaano ng tao at saka kayo naman ang nanguna na ichat siya tapos hindi naman pala kayo naniniwala” ang sabi ni Kenzie

“Oo nga” ang reply naman ni Kyra.

Dahil sa nangyari lalo akong nagdadalwang isip kung itutuloy ko pa ito dahil kahit ang mga kaklase ko ay nagkakagalit na dahil sa kanya.

         (Biglang tunog ng bell…)

Pagbalik namin sa aming classroom ay doon nag-usap ng personal sina Naomi at Kenzie at nagpaliwanag para malaman ang both side nila at kung bakit nila yun nasabi.

Habang ang lahat ay inaantay ang pagdating ni Kyra para malaman ang buong pangyayari.

Nang makalipas ang ilang saglit pa ay naliwanagan na parehas ang dalawa at parehas na nag-sorry sa nangyari at parehas silang nabigla.

Habang lahat ay busy sa pagrereview para sa exam hindi parin ako makapagfocus dahil gumugulo parin sa aking isipan ang nangyari kagabi.

Makailang saglit pa ay dumating na si Kyra at ang lahat ay nagtanong

“ano ga ang nangyari?”

Habang sila ay nag-uusap sa aking may bandang likuran tungkol sa nangyari ako naman ay patuloy na nag-babasa at nag-aalala dahil walang pumapasok sa aking isipan

The Unexpected Love Where stories live. Discover now