Baka sakali

10 1 0
                                    

Isinulat: February 13, 2018
—-
BAKA SAKALI
Ni grootygroot (former username FaiqaLalaReys)

"Eh, ano ba kasi talagang nangyari sa inyo?" tanong ni Edward kay Adrian.

"Nanawa ako. Napagod. Bigla ko na lang naramdaman na parang gusto ko ng bago," sagot ni Adrian sa kaibigan. Hindi naiwasan ni Adrian na malungkot.

"Gago ka pala, eh," iiling-iling na sagot ni Edward. "Akala ko pa naman ay seryoso ka na talaga sa kanya. Noong pinuntahan niyo ako minsan sa trabaho ko, kitang-kita ko pa naman sa girlfriend mo na mahal na mahal ka niya. Gano'n ka rin naman sa kanya. Akala ko nga aasawahin mo na. Tapos..."

Patuloy lang silang naglalakad papunta sa tinitirhan ni Edward.

"Mahal ko naman talaga siya. Pinakilala ko na nga noon kina Mama nitong Pasko lang. Alam mo ba sa sobrang pagmamahal ko ro'n ay plinano ko ng yayain magpakasal yo'n next year."

"Oh eh anyare nga? Bigla ka na lang nagising isang araw, gusto mo na ng bago. Gano'n ba?"

Tango na lamang ang naisagot ni Adrian.

"Ang labo mo. Oh maiba tayo, buti naman at naisip mong bisitahin ako?"

"Na-miss ko rito, eh. At saka nagbabakasakali lang."

"Nagbabakasali saan?"

Malungkot na ngumiti si Adrian. "Baka sakali na makita ko siya rito."

Nasa iisang lugar lang si Edward at si Trixie. Si Trixie ang girlfriend ni Adrian noon. Nang dahil sa trabaho ay kaya nagkakilala si Adrian at Trixie. Matapos ang ilang buwan ay nailipat si Trixie ng branch kaya nagkalayo ang dalawa. Nagkataon naman na iisang lugar lang si Trixie at ang kaibigan ni Adrian na si Edward. Kaya noong magkaroon ng pagkakataon ay naipakilala ni Adrian si Trixie kay Edward.

Ilang buwan na ldr ang relasyon ng dalawa. Pagkatapos ng trabaho ay magkausap sila. O basta magkaroon ng oras ay magkausap sila. Sa isang buwan ay isang beses lang sila magkita. Kung minsan pa ay hindi nakakapagkita sa loob ng isang buwan. Madalas pang magkaroon ng tampuhan o nang pag-aaway. Kaya nakaramdam ng pananawa at kapaguran ang lalaki.

Nang makarating sila sa bahay ni Edward ay kaagad naupo si Adrian. Hindi maipaliwanag ni Adrian ang nararamdaman. Tila may mabigat itong dinadala sa kalooban.

"May tubig diyan sa ref. Kumuha ka na lang," alok ni Edward habang abala na sa harap ng computer.

"After 3 days mula nung naghiwalay kami, akala ko okay ako. Akala ko kaya ko. Nagsisisi ako, boy. Nakakaloko! Iyong mga 'Good morning, baby. Kumain ka bago pumasok sa work.' 'I love you, baby kong pogi. I miss you so much, baby.' hinahanap-hanap ko tuwing paggising ko. Kada gigising ako kapag titignan ko phone ko, wala na akong natatanggap na mga ganon. Puro mga walang kwentang chat lang nakikita ko."

"Sira ulo mo, eh. Sinayang mo, eh. Oh, ano ka ngayon?"

Pumikit si Adrian saka muling nagsalita. "Kada may pupuntahan ako o kaya may gagawin, putcha siya naaalala ko, eh. Katulad na lang noong kumain ako sa Mcdo. Um-order ako ng sundae kahit hindi naman ako mahilig do'n. Pati kung paano niya kainin 'yong sundae, nagaya ko. Lahat na yata ng gagawin ko, naaalala ko siya."

"Ganyan talaga brader, saka mo lang malalaman halaga niya kung kailan hindi mo na hawak. Tanga ka, eh."

"Mahal na mahal ko siya, 'Dward."

Halo-haloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon