4: Sinubukan... 'di naging sapat.

3 1 0
                                    

Write a story about losing something or someone that is important to you. Nagsisi ka ba? Anu-ano 'yong mga natutunan mo no'ng nawala sa 'yo 'yong bagay na 'yon o ang taong 'yon?

300-500 words only.

Word Count: 500 words
—-

Sinubukan na ang lahat pero hindi naging sapat
Ni grootygroot

"Raffy, hindi na ba talaga puwede? Hindi na ba natin puwedeng subukan pa ulit?"

"Nalyn, huwag na natin ipilit. Tanggapin na natin. Katulad ng lagi kong sinasabi sa 'yo, mahirap ng magsimula ulit kung may lamat na ang relasyon."

Iyak ang tanging nagawa ni Nalyn. Para sa kanya ay mas masakit marinig ng harapan ang mga salitang binitawan ni Rafael.

"Bakit? Bakit ayaw mo ng sumubok pa ulit? May iba na ba?"

Kinuha niya ang kamay ni Taching at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Walang iba, Nalyn. Alam mong mahal kita."

"Kung ganoon bakit ayaw mong sumubok ulit? Mahal mo ako pero ayaw mong pagbigyan pa ng isa pang pagkakataon ang relasyon na 'to,"

"Napagod ako. Nagsawa ako. Naubos ako. Sa ilang beses mong pagtatangka na makipaghiwalay, lahat iyon ay pinigilan ko. Pero nitong huli ay napagtanto ko na hindi ka paulit-ulit na makikipaghiwalay kung walang problema sa akin. Aminado ako Nalyn na may pagkukulang ako, na may mali akong nagawa. Ayoko ng pahirapan ka. Ayokong palagi kang nakikita na umiiyak ng dahil sa akin. Masakit 'yon para sa akin. Hindi madali sa akin na makita kang nasasaktan,"

"Aminado kang may pagkakamali ka pero bakit hinayaan mo? Bakit wala kang ginawa?"

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam? Baka naman kasi sinadya mong walang gawin para bumitaw ako. Alam mo ng may mali pero hinayaan mo lang na gano'n. Hinayaan mo lang na tuluyang masira 'yong relasyon na mayroon tayo. O baka naman kasi may iba na ngang talaga kaya gano'n? Siya pa rin ba hanggang ngayon?"

"Mahal kita. Walang iba. Nalyn, ang tagal ko ng sinabi sa iyo na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Ni hindi na nga ako apektado sa kanya."

"Kung gano'n bakit hindi mo magawang ipaliwanag ng maayos sa akin?"-

"Nalyn, tanggapin na lang natin."

Hagulgol na lamang ang nagawa ni Nalyn. Ayaw na niyang magsalita pa. Niyakap siya ni Rafael at sinubukan patahanin.

Humiwalay siya sa pagkakayap kay Rafael. Pinunasan ng binata ang mga luha niya. Pinakatitigan niya ang lalaki.

Sa hindi inaasahan ay lumuhod si Nalyn sa harap ni Rafael na siya namang ikinagulat niya.

"Nalyn!"

Sinusubukan ni Rafael na itayo si Nalyn pero hindi nagpapatayo ang dalaga.

"Rafael, please? Subukan natin ulit. Pagbigyan mo ako ulit. Huwag naman natin tuluyang tuldukan 'yong relasyon natin."

"Tumayo ka na Nalyn, please?" Hindi na siya nanlaban ng subukan siya ulit itayo ni Rafael. "Hindi ako paasang tao, Nalyn. Ni minsan hindi ako nagpaasa. Ayokong susubok tayo ulit ng hindi naman talaga bukal sa akin na magsimula ulit."

Ang mga salitang iyon ang naging hudyat kay Nalyn na sumuko na. Na tanggapin na lamang ang desisyon ng lalaki. Sinubukan niya na lahat ng kanyang makakaya. Sinagad na rin niya ang sarili niya.

"Kung iyan na talaga ang desisyon mo, sige tatanggapin ko na. Hindi na ako muling magpupumilit pa," saka siya naglakad papalayo kay Rafael.

Ayon kay Nalyn, napakarami niyang natutunan. Isa ro'n ang, 'hindi mapipilit ang isang tao na manatili, kung gusto talagang umalis... hayaan.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Halo-haloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon