3: Tattoo

6 1 0
                                    

Write a story about something most people see as ugly but which you see as beautiful. 300-500 words only.

Word Count: 452 words
—-

Tattoo
Ni grootygroot

Kasalukuyan kaming nakatayo ni Papa banda sa ilalim ng overpass. Dito kasi 'yong napag-usapan namin na hintayan ni Izzah. Kasama ko ngayon si Papa dahil nagpahatid ako gamit ang motor. Tinatamad kasi akong maglakad.

"'Nak, tingnan mo siya," sabi ni Papa. Ininguso ang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa amin. Sa tantiya ko ay kaedaran ko ang babae. Seventeen years old.

Panay ang tingin niya sa relo niyang pambisig. Napatingin ako sa uniporme niyang suot. Nasa iisang Unibersidad kami, magkaiba nga lang ng kurso.

"Kung katulad ng anak ko ang babaeng naninigarilyo at ang may tattoo na 'yan... hindi ko hahayaan na magdesisyon ang anak ko na gawin 'yan," sabi ni Papa.

"Bakit naman po?"

"Kung halimbawa man na anak ko ang may tattoo, nakakapanghinayang ang ganda at kutis ng anak ko. Mula sa pagkabata hanggang sa tamang edad ay inalagaan namin ng asawa ko at hindi namin hinayaan na masira ang kutis ng anak ko. Sayang naman kung matitintahan lang ng itim. Sabihin na nating para sa iba ay arts na matatawag 'yan. Kung sa iba ay magiging masama ang tingin sa akin dahil tutol ako sa tattoo, hindi nila ako masisisi. Anak ko ang pinag-uusapan dito."

Hindi na lamang ako umimik at muling nilingon ang babaeng naghihintay.

"Hindi rin naman maganda sa babae ang naninigarilyo, lalo na ang bata pa niyan. Sa ngayon, sabihin na nating okay pa ang pangangatawan niya... nasisiguro kong pagdating ng panahon, sisingilin rin siya ng katawan niya."

"Mahirap din daw Papa 'yong second hand smoke."

"Sinabi mo pa. Kaya ikaw kung kaya ay umiwas sa mga naninigarilyo," nakangiting sabi niya. "Oh, ayan na pala si Izzah, eh," dugtong pa ni Papa saka iniabot sa akin ang bag ko.

"Ano sigurado ka ba na riyan mo ipapalagay? Kapag nakita nila Tita 'yan baka ako pa ang pagalitan," sabi ng pinsan ko. Nagpasama kasi ako sa kanya kung saan siya nagpapatattoo. Para makahingi na rin ng discount.

Balak ko kasing magpatattoo ng pangalan ni Mama at Papa banda sa pulsuhan ko. Ilang taon na rin kasi akong malayo sa kanila. Naisip ko na ipalagay sa parteng 'to dahil maliban sa puso ay nasa pulsuhan maririnig ang tibok ng puso.

Alam ko na magagalit sila Papa sa desisyon ko na 'to pero gusto ko lang na sa tuwing mahihirapan o nada-down ako ay nakikita ko ang pangalan nila. Sila ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na lumaban ulit. Na kayanin lahat ng pagsubok.

Dumi man sa iba ang tingin nila sa mga tattoo, para sa amin na mayro'n nito ay isa 'tong art na may mga malalalim na kahulugan. Patungkol man sa sarili namin o sa mga taong may malaking parte sa buhay namin.

Halo-haloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon