2: Dear Future Self

14 1 0
                                    

Write a letter for your future self, 10 years from now. (letter form, hindi na story.) 200-300 words

Word Count: 297 words
——

Dear future self,

Ano na 'te? Balita sa 'yo? Masaya ka na ba ng bongga ngayon? O, baka ngayon e single ka na naman? Hinay-hinay kasi. Masyadong nagmamadali, e. Hindi na natuto, 'te? Ay! Kung hindi pa nga, mukhang mas magandang tumanda ka na lang dalaga. Charot lang!

Yung palagi mong gusto magka-Planner, sa edad mong 'yan naranasan mo na ba? Naplano mo ba ng ayos taon-taon mo? Sana naman kada taon na-enjoy mo.

Nasaan ka na kaya ngayon? Nasa ibang bansa ka pa rin ba? Aba! Kung oo, masyado ka naman yatang natuwa manatili sa ibang bansa. Hinahanap-hanap ka na ng Pilipinas, 'te.

'Yong mga pangarap mo, ninyo ng magulang mo? Natupad mo na ba? Sana! Para worth it naman lahat ng pagod mo sa ibang bansa. Baka puro ka lang na naman gastos sa mga luho mo. Nako, ha!

Sa kabila ng mga tanong ko sa 'yo, alam ko na napatunayan mo na ang sarili mo sa magulang mo.

Sa bawat heartbreaks na napagdaanan mo, alam kong lahat ng 'yon ay may natutunan ka. Single ka man o taken, alam kong masaya ka ngayon. Ikaw pa ba?

Sana kada taon, nagiging maayos naman buong taon mo.

Kung nasa ibang bansa ka pa nga ngayon ay gusto kong malaman mo na proud ako sa 'yo. Kasi sa loob ng maraming taon, kinaya mo ng mag-isa lang.

Alam ko rin na sa mga panahong ito ay natupad na ninyo ng magulang mo mga pangarap niyo. Ikaw kasi 'yong gagawin lahat para lang sa magulang.

Kung ano man natamasa mo ngayon, kung ano ka na ngayon, sana malaman mo na...

Sobrang proud ako sa 'yo.

Sobrang proud kami sa 'yo.

Mahal kita, 'te.

Mahal ka namin.

Your self 10 years ago,
grootygroot

Halo-haloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon