Naomi
Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa gripo. Kailangan ko maghugas ulit, kung 'di mawawalan ako ng trabaho, sabi ng isip ko. Hinugasan ko ulit ang kamay ko for the 20th time today. Nakalimutan ko bang uminom ng gamot? No. Pag nakalimutan ko na uminom ng gamot mamatay ako. I quickly finished washing my hands when I heard the loud bell from outside.
"Asan na ba yung cashier dito?"
Dinig ko pa na sabi ng costumer. Nakangiti akong lumabas mula sa CR. Pumunta agad ako sa cash register at nakangiting binati siya. "Seven eleven everyday, ano po maitutulong ko?" I asked politely. She scoffed and dropped few items in front of me; Isang cone ng ice-cream, dalawang pack ng gum, at isang bote ng coke na may yupi pa. I can't help but feel uneasy, dun sa yupi. I hesistantly ringed it and smiled at the costumer as she fish out some money from her bag. "65 pesos po ang total," I said, inabot niya sakin ang 100 bill na may apat na punit, at alam ko galing talaga to sa palengke, parang amoy ko pa ang sibuyas na kaka bunot lang sa lupa. Agad ko binuksan ang kaha at nilagay ang pera niya, "Sukli mo po." sabi ko habang nakangiti. She just took it, with much disgusto.
Napatingin ulit ako sa yupi ng coke. pwede lang ba yan? paano kung bigla niya akong pagalitan? Tapos sisigawan niya ako, tsaka hahanapin niya ang manager dito. Ako lang naman mag-isa dito, wala naman siyang manager na mahahanap. I quickly bagged her items, trying to distance myself from the dented coke. Pagkatapos ko ma silid lahat ng items, hinablot niya ang paper bag mula sakin at naglakad papunta sa pinto.
"Teka lang po, Ma'am!" Pigil ko sa kanya. Inis niya ako na tiningnan at tinaasan ng kilay. "Palitan ko po yang coke niyo, m-may yupi po kasi."
"So?" Maldita niyang sagot.
"Baka po kasi expired na?" Sabi ko at mahinang natatawa pa kunyari.
"Aba! Paano kung nadala ko na agad to sa bahay? Tapos expired pala! Gawin mo kasi ng maayos yang trabaho mo, tatanga tanga." Sabi niya habang padabog na lumalapit sa'kin. I just smiled sheepishly and went to change her bottle of coke, one without a dent. I smiled apologetically, umalis na siyang may mga sinabi pa pero hindi ko na narinig, parang putak kasi ng manok yung way ng pagsasalita niya and I was too distracted with the uneven decoration.
Mag de-designe nalang hindi pa pantay. I thought to myself. No, Naomi. Hayaan mo na yan, hindi naman maapektuhan ng hindi pantay na pink hearts yung buhay mo, o baka maapektuhan talaga?
Hindi.
I inhaled sharply, at pumasok ulit sa CR para mag hugas ng kamay. For the 21st time.
---
"Good morning, Naomimi!"
Gulat akong napatingin kay Marie. Bakit siya nandito? Alas 4 ng umaga, tsaka nakasuot pa ng sobrang ikling shorts at sando, mukhang wala pang suot na bra at hindi pares ang suot niyang tsinelas. "Marie? Mamaya pa shift mo ah?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin, yung ngiting sobrang pilit.
"Ah haha! Alam mo kasi wala akong magawa sa bahay," Sabi niya, maingat siyang naglakad papunta sa akin, pabalik balik ang tingin mula sa pinto balik naman ulit sa akin. "Tsaka malapit lang naman 'tong 7-11 sa bahay ko, kaya uwi ka nalang muna Naomi, ako na bahala dito." Sabi niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Anong nangyari sa kanya? Yung mahaba niyang buhok na usually naka ponytail, ngayon naka buhaghag at kita ko pa ang parang ginupitan na part. Wala naman siyang pasa na senyales ng abuso, o kahit mag aabuso sa kanya kasi ang alam ko isang bahay sang talaga ang pagitan ng convenience store na to at nang bahay niya, at wala siyang kasama o boyfriend, sa pagkaka-alam ko lang.
YOU ARE READING
FortiBella: OROMAWA
Science-FictionYou see, in this world. Humans are given 'three things to live'. Physical body, Spirit, and Mind. Normal people are given these three important things. But there are also people who are gifted. Gifted with enhanced physical body, enhanced spirit, or...