Pinilit lang?

14 3 0
                                    

Hello!

Here's another poem na isinulat ko kasi naiinip ako sa byahe. XD

~

Pinilit nga lang bang talaga?
Matamis ang pag-ibig, sinta,
Kung puso nati'y nagkakaisa,
At nararamdaman ay walang duda.

Pintig ng puso'y nagtutugma,
Tiyak na siyang panimula,
Isang pambihirang storya,
at pangakong di mawawala.

Salamat sa masayang ala-ala,
sa mga halakhak at mga luha,
salita at gawa'ng mapagkalinga,
Ito'y pag-ibig na pambihira.

Ako'y hindi magpapabaya,
Huwag ka lamang mawala,
Kahit taliwas sa tama,
Patuloy akong magtatalaga.

Sa buhay ko'y nandito ka,
Dala mo'y kulay at saya,
Wala nang pag-aalinlangan pa,
Taas-noong mamahalin ka.

Hirap at sakit ay di na alintana,
Sapagkat ikaw'y aking kasama,
Lalawakan ang pang-unawa,
H'wag lamang tayong magkasira.

Pag-ibig ay napakaganda,
Saya ay hindi maipagkakaila,
Mahirap man ang magpalaya,
Mabuti kung wala nang pagpapahalaga.

Nababatid ko na ang pagluha,
Pagkat tayo'y di na magkakasama,
Ngunit sa pagkakataong nakita,
Ako na ang magpapaubaya.

Hindi na pipiliting manatili ka,
Pag-ibig natin ay nagbago na,
Ibibigay na sayo ang paglaya,
Dahil di mo ko pinilit na mahalin ka.

REFLECTIONWhere stories live. Discover now