Sorry for the long update. Eto na ang bagong tula ko. ❤️ sana magustuhan nio.
~~
Napakarami ng aking katanungan
Ngunit nasaan ang kasagutan?
Nangibabaw ang kalungkutan
Nawala na nga ang kasiyahan.Ang buhay ay puno ng kaguluhan,
Pagkat nakatago ang kagalakan.
Mga salita ay pawang kasinungalingan,
Katotohana'y tuluyang tinakpan.Nakakaaliw ang kasikatan,
ngunit gintong aral ay nakalimutan.
Kay saya nang may karunungan,
subalit laganap ang kapusukan.Nakakatuwa ang mga kapurihan,
Ngunit mapanira kung minsan.
Masaya ang pakikipagkaibigan,
ngunit nasaan sa t'wing may kahirapan?Ang problema ay isang karagatan
Malawak at tila walang katapusan
Kakat'wang dami ng salita'y naglabasan
Nasan ang sinasabing pagtutulungan?Ika nga, "Lahat ay may dahilan"
Negatibong pananaw ay iwasan.
H'wag sanang idaan sa iyakan.
Bakit di ka muna gumawa ng paraan?