WOM 19

1K 30 3
                                    

// LELUS //




Dumilat ako ng mga mata at tinitigan ang aking repleksyon, makikita sa salamin ang isang dalagang nagtataglay ng magkaibang kulay na mga mata at mala- moñica'ng mukha. Nakalantad ang porselanang katawan na may tatak na kadenang nakapulupot sa katawan, nakatarak sa kanang puso ang dulo nito habang nakagapos sa kaliwang binti ang puno nito. Ibang iba sa aking katawan na siyang napaparada sa lahat.

Isinuot ko ang sleeveless shirt na kulay asul at maikling short bilang uniform ngayon, ito ang araw ng pagsasanay kasama ang nakuhang ailill sa mundo ng Burkelia. Tinali ko ang aking buhok gamit ang isang laso na pula at tinirintas sa dulo, kapagkuwan ay pinagmasdan ang aking kabuuan.

"Lelus! Tapos kana? Tara na!" Tawag ni Ruka mula sa labas ng c.r. Walang boses na lumabas ako at sinipat ang kaibigan. Gaya ko ay nakasuot din siya ng P.E uniform, may dalang bag na nasa likod nito at tubigan "Ganda naman" komento niya sa akin saka ngumite, inirapan ko naman ang babae saka nagpatiunang lumabas ng kwarto.

Marami- rami ng estudyante pagdating namin sa flatform, andito na rin ang mga taga-highest gate na nakaupo sa isang entablado. Nagkakasayahan ang grupo habang walang pakialam sa mga kababahiang nagpapantasya sa kanila. Nilingon ko si Ruka nang may maalala kapagkuwan ay siniko ito "kamusta ang pagkikita?" Usisa ko na ikinagulat niya, agad naman siyang ngumite ng may matanto "ayos lang. Nagkausap na kami" tugon niya na nangingiti. Hindi na ako nagkomento, hinayaan ang kanyang nais.

Isang duwelo ang magaganap, tanging ang ailill lamang ang maglalaban. Agad namutawi ang isang ngite sa aking labi, nababakas ang nakakalokong ngite. Unang tinawag si Oselia, kaklase namin sa omega. Isang cranatua ang silfri nito, mababang uri. Kalaban naman ni Oselia si Dani na katulad niya ay isa ding cranatua ang nakuhang ailill. Agad naglaban ang dalawang halimaw sa loob ng arena, pawang nagpapakita ng gilas sa lahat. Naglabas ng isang kakaibang atake ang ailill ni Dani na ikinatalo naman ng halimaw ni Oselia. Nanalo sa laban ang una na agad nagmayabang sa lahat.

Halos Cranatua ang nakuha ng kanilang mga kaklase, iilan lamang ang oren at wala pa akong nakitang simus sa laban. Napatakip kami ng tainga nang sumigaw ang isang silfri na kawangis ng isang ibon, nakakabingi ito at nakakasakit ng tenga na umaabot sa aking ulo ang sigaw nito. Isang oren ang halimaw na ito, hawak ng isang gamma. Halatang hindi gamay ng may- ari ang halimaw dahil hindi niya alam kung pano ito patitigilin, unti- unti nang kinukuha ang aking ulirat sa ingay nito "make it stop! Make it stop!" Sigaw ni Calhoun na bumagsak sa kanyang pwesto. Gaya ng lalaki ay nakaluhod din ang ibang estudyante sa ingay "h-hindi k-ko p-po a-alam" naiiyak na turan nagmamay- ari sa nagwawalang halimaw "aaahh! Ang sakit! Hindi ko na kaya!" Sigaw na nasasaktan ni Reneeka bago natumba, nawalan ito ng huwisyo dahil sa sigaw ng halimaw " c-ca-call y- your s-silfri! Call its name!" Sigaw naman ni Shanna na nakahawak sa ulo at nakapikit. Napapalibutan ito ng usok na mukhang harang para sa sigaw ng halimaw. Agad sinunod ng may-ari ang sinuwestiyon ni Shanna na umayon naman, natahimik ang halimaw at nawala. Lahat ay bagsak at lugmok sa kinupupwestuhan, lahat ay nanghina kasama na ako.

Itinigil sandali ang paglalaban, nais makabawi ang lahat sa nangyari bago makatanggap ulit ng kakaibang kapangyarihan mula sa mga pasaway na ailill. Agad tinawag si Angelus na walang emosyon ang mukha, hindi ko malaman kung ano ang iniisip nito. Kalaban ng babae si Gari na isang gamma at nakakuha ng halimaw na nabibilang sa Simus, isang alakdan na may kalahating tao ang likod. Agad nangamba si Reneeka na nagawang makabawi ilang minuto ang lumipas bago nagsimula ang duwelo, alumpihit siya sa kanyang upuan habang nakatingin sa kaibigan.

Malakas ang kutob kong hindi basta- basta ang ailill ng babaeng naging kaibigan ko, katulad ng hindi basta basta ang nararamdaman kong lakas sa awra nito. Angelus is like an open blank book na hindi malaman kung may tinatagong sekreto o talagang blangko lamang, alam kung may itinatago ang dalaga na nagmula pa'y ikinukubli nito. Napaunat ako ng upo ng kumumpas ng kamay si Angelus, isang anino ang namuo sa tabi ng dalaga at nabuo bilang isang malaking asong lobo na may dalawang ulo "Naburos?!" Gulat kong bulalas sa nakita at hindi makapaniwalang nakatitig sa nilalang. Ang halimaw na nasa harap namin ay nagmula sa abaddon, masasabing simus ang antas nito ngunit nagpapahiwatig na aangat pa ito. May kapatid ang halimaw na ito, si Cerberus. Kapwa asong lobo na may dalawang ulo.

"Nakakahindik ang kanyang awra" nakasiksik na wika ni Teriana habang nanginginig sa kanyang upuan, ramdam ko ang kanyang takot ngunit hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa halimaw "Isa sa mga hell guard" usal naman ni Vera na matamang nakatitig sa halimaw, hindi rin makapaniwalang may alaga palang ganyan si Angelus "at nasa mataas na antas sa abaddon" wika naman ni Svea na nagbabasa ng libro. Libro ng mga halimaw sa abaddon ang binabasa nito ngayon.

Napasinghap ako ng sa isang iglap ay tapos na ang laban, kaawa- awang kalaban ang namataan naming lahat sa mabilis na pagkilos ng halimaw ni Angelus. Walang awang winakwak at kinain ang laman ng halimaw habang pinugutan ang ulo nito. Wala nang ibang aasahan kung ang ganyang nilalang ang haharap sa iyo, kilala bilang bayolente ang halimaw na mahilig kumain ng kapwa halimaw nito. Nakakapagtaka nalamang na magkahiwalay ang magkapatid na halimaw.

Sunod na tinawag ay si Reneeka, halatang kabado at diskumpyado sa laban ngunit likas na makulit ang silfri nito. Lumitaw sa lahat ang isang dalagitang mukhang nasa edad 16, kulay kayumanggi ang kulot nitong buhok na parang si goldilocks. Nakadress nang berde na may ribbons sa bewang at sa laylayan nito, nakadoll shoes ang dalaga na kulay balat at may hawak na higanteng harp "malakas din pero nagtatago sa antas na oren. Bakit kaya?" Takang pansin ni Ruka na kinibitan ko lang. Lumitaw ang kalaban ni Reneeka na isang gamma, agad nitong tinawag ang ailill na nasa oren ngunit mahina kumpara sa una.

Unang umatake ang kalaban ni Reneeka, gumamit ng tinik ang silfri nito na isang babaeng bulaklak na agad namang iniwasan ng silfri ni Reneeka at nagpakawala ng isang tugtugin mula sa harp. Malamyos ngunit dilikado ang tugtog nito na ikinahina ng katunggali, walang nagawa kundi ang bumagsak sa sahig "sinasabi ko na nga ba" turan agad ni Ruka na may matanto "hayaan mo. Hindi naman nahalata " nakangiteng turan ko. Agad sumang- ayon ang kaibigan at nagpatuloy sa panunood.

Natapos ang aktibidades ng lower gate, kakaunti lang talaga ang nasa oren at iilan lamang ang nakakuha ng simus. Ang aking ailill ay nabibilang sa oren, tahimik ito at suwail paminsan-minsan. Kay Ruka naman ay nabibilang din sa oren, isang magulong kausap na silfri. Napatingin ako sa pwesto ng mga highest gate, matamang nakatitig sa amin ang anim na nilalang na nakaupo sa pwesto nito. Nabaling sa kanang panig ang aking pansin, nakita ko ang lalaking tahimik ngunit matamang nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin at sumunod sa mga kaibigan. Napakasakit naman ang aking tadhana, komplekadong damdamin.





::::::::::::::::::::::::::::::::

Hindi ko masyadong dinitalyo para naman may suspense! Alamin ang kanilang itinatago. Alamin ang mga karakter na walang pangalan. Sino sila? Ano ang papel nila sa kwento?

Subaybayan. Alamin at tukuyin kung ano ang mangyayari.

Your writer,
Dyl

World Of Magic 1: The Mask MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon