WOM 24

925 25 0
                                    

// SVEA //

Nagkumpulan kami sa isang patag at walang punong lugar, nasa harapan namin sina Erv, Kai at Thaki. Walang ngite sa labi ang tatlo habang iniinisa- isa kaming tinignan. Nasa 21 kaming nagkumpulan ngayon, nakasuot kami ng uniform na kulay gray. Sabi ng tatlo kanina, kami ang maglalagay ng protection sa buong lugar ng Artum. Kami ang mangangalaga sa lugar na may mga sibilyan "hahatiin ng tatlong pangkat ang grupong ito. Pangungunahan nina Erv at Kai ang mabubuong pangkat gayundin ako. Bawat grupo, bubuuin ito ng tigpi- pito at maghihiwalay tayo para matapos agad ang protection spell" hayag ni Thaki sa amin "Pipiliin ko ang magiging kapangkat ko" turan ni Erv saka tumingin sa amin "Corellon. Xildas. Biorn. Meira. Nuala. Svea sumama kayo sa akin. Sa bahaging silangan tayo magsisimula" tawag ng lalaki sa mga pangalan namin.

Tahimik kaming naglalakad papunta sa aming distinasyon, takot makagawa ng ingay sa gitna ng gubat. Hawak hawak ang mga sandata namin at alerto sa paligid "halt" paanas na utos ni Erv, malikot ang mga matang suminyas na magtago kami sa ibabaw ng puno. Napasinghap ako ng mamataan ang isang grupo ng ailill. Isa silang grupo ng mga crikor, halimaw na maituturing na cyclops pero may pambihirang talino at lakas. Kumpara sa mga cyclops, kaya nilang makipag-usap sa mga tao ng may sense at kaya nilang magnegotiate ngunit nauuwi sa hindi magandang kinalabasan dahil mainitin ang ulo ng mga crikor "tsk... Crikor" anas ni Meira na siyang kasama ko sa punong inakyatan ko.

Mukhang nagmi- meeting ang nasabing ailill. Mayroon kasing nakatayo sa harap ng pundok habang nag-uusap. Nacurious ako sa pinag-uusapan ng mga halimaw kaya nagpakawala ako ng isang spell at ipinadaloy sa hangin "mayroong tao sa gubat na ito, mas mainam na unahan sila at tapusin" naulinigan kong sabi ng leader ata nila "ang pagkakaalam ko ay galing sa Pouer Academy ang mga taong naririto. Mahihirapan tayong paslangin sila" turan naman ng isa na may sungay sa mga balikat "ang sabihin mo ay natatakot kang harapin ang mga iyon! Duwag." Pang-aalaska ng isa na binatukan ng kanilang pinuno "tumahimik ka! Basta, susulong tayo sa kota ng mga tao" hayag ng leader na sinang- ayun ng lahat.

Napasinghap at nabahala ako sa narinig, agad kong hinanap si Erv para maipaalam ang nalaman "ano ang ginawa mo kanina?" Usisa ni Meira na kasama ko pa pala "ginamit ko ang hangin para marinig ang pinag-usapan ng mga crikor" sagot ko "ano ang nalaman mo?" Sabat ni Xildas na bigla lang sumulpot sa tabi nila. Halos mahulng pa kami ni Meira dahil sa gulat "Susugurin nila tayo at papatayin" sagot ko na ikinasinghap ng dalawa "kailangan malaman iyan ni Erv" anunsyo ni Xildas saka nagpatiunang bumaba sa puno.

Nagkatinginan muna kami ni Meira bago bumaba sa puno. Nakita agad namin ang iba pati na si Erv "tsk... We need to stop them sa pag-atake sa ibang grupo. Corellon, magpadala ka ng mensahe sa iba, ang mga nalaman natin ang sabihin mo" utos ng lalaki kay Corellon na agad namang pumikit at ginawa ang inutos "Svea, nalaman mo ba kung saan sila aatake?" Baling ni Erv sa akin "sa grupo ng mga healer. Hilagang panig" sagot ko "tsk... Kay Lusine" anas ni Erv na narinig ko "nasabi ko na sa kanila, head" bigay alam ni Corellon matapos ang limang minutong pagkakapikit " good. Kailangan nating puntahan ang kota ni Sadie. I'm sure naghiwalay din ang mga crikor at sabay atakehin ang mga kasama natin. Very good Svea to take as a spy" anito na ikinapula ng mukha ko "walang anuman yun, head" nahihiyang sagot ko.

"On your guard. Xildas pakiramdaman mo ang paligid. Corellon, use your telepathy to gather information and send with us. Biorn be our warrior. Nuala, Meira and Svea make a shield" mando niya sa amin na tinanguan namin "yes sir" sabay naming sagot "Shield, activate now" utos ni Erv sa amin.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang kapangyarihan ko, nang mahanap ko ito ay hinawakan ko ito at hinanap naman ang presinsya ng mga kasama ko pati ang dalawa na kagaya ko ay gagawa rin ng shield. Mental understanding naming tatlo na ako ang first layer sa paggawa ng field, ito ay para hindi mabuwag ang bond naming onse.

World Of Magic 1: The Mask MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon