Primus IV (RENEEKA)

1.5K 38 2
                                    

Note: Oisin read as Usheen, it means fawn or young.

_____________🖋️

// RENEEKA //

Napalunok ako nang laway sa mga nasaksihan, ang dalawang babaeng kasama at naging kaibigan ko ay nakakatakot kapag nasa labanan. Wala silang awa at walang inhibition na pumatay. Para pa ngang tuwang tuwa sila kapag nakikitang hopeless na ang kanilang kalaban " Ren, tell me. Are they that two who's with us?" Tanong ni Angelus na nakahiga sa kama, nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa kumot " h- Hindi ko na alam, Ana" nanginginig kong sagot habang nakatingin sa hologram. Ngayon ko nakikita ang kaibahan ko sa kanila. They are strong and powerful " ngayon ko lang napagtanto. Hindi talaga natin sila kilala " naiusal ni Angelus" Tanging pangalan at sigh lang nila ang alam natin" turan nito na nakatitig sa kawalan. Nakatitig rin ako sa kawalan habang inaalala ang laban ng dalawa kanina, napabuntong hininga ako sa kawalan ng salita" tama ka" tanging pagsang- ayon lang ang magawa ko sa oras na ito.

" magpahinga ka na " Anito na ikinalingon ko " pero---" pagtutol ko " ayos na ako." untag ni Angelus habang nakangite, mababakasan ang pag- alala sa akin ngunit itinatago sa mga ngite na ikinawalan ko ng imik " huwag ka ng mag- alala, kaya ko na ang sarili ko" paninigurado nito na ikinangite ko " alam ko namang maayos ka na. Sige, magpapahinga muna ako" paalam ko na tinanguan lang nang babae. Kailangan ko nga ng pahinga. My body were trembling because of fear I've felt when I seen Lelus and Ruka's strength. My guard were crumble and weakened through thinking that I'm so weak than those two who can fight in fiercely and gracefully at the same time. They even finished their fight without blood stain and left their opponent almost lifeless.

Lumabas na ako sa kwarto ng klinic, dala-dala sa kaisipan ang agam- agam ukol sa katauhan nang dalawang kaibigan na pasahanggang ngayon ay talinghaga parin sa akin. Napasandal ako sa pinto at pagod na napapikit. Umalis ako sa harap ng pinto saka lumayo, bitbit sa damdamin ang pag- asam na manalo para sa primus.

" it seem you're to preoccupied. Can't share it to me?" Agad nabalik sa huwisyo ang diwa ko saka nilingon ang nilalang na nasa aking harapan. Agad kong nailayo ang mukha ko ng mapansing malapit lang ito sa akin " Ano ang ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sa babae, tumawa lang ng bahagya ang dalaga saka lumapit sa akin " nagulat ka ba sa ginawa nang dalawang iyon? Nakakatakot diba? Nakakapangamba" anito, pabulong  ang boses nito. Lumapit siya sa akin na ikinagulat ko, wala sa isip na napaatras na napansin ng dalaga. Umikot siya sa likod ko at yumakap saka bumulong sa tenga ko " they are monsters. You shouldn't be making them your friends. What if they are tired of protecting you? They will kill you for reducing their problem. Be admit or not, they are different from you. They have no mercy for those who are weak as you are." anito na ikinawalan ko ng imik. Tama. Paano kong ayaw pala nila sa akin?

" you should despite them. Unahan mo sila bago ka pa nila maunahan" bulong ulit nito habang nakayakap sa akin. Umalingawngaw sa utak ko ang mga salita nito, lahat ng iyon ay nasa aking isipan.

" kailangan mo ring layuan si Angelus " anang babae na ikinagulat ko" bakit pati siya?" Balikwas kong tanong sa kanya saka lumayo sa yakap nang babae. Naguguluhan ako sa kanyang mga sinabi ngunit hindi ko tanggap ang huli niyang mungkahi " kaibigan ko si Angelus mula pa pagkabata. Kaya, bakit pati siya?" Tanong ko ulit " hindi mo ba naiisip? Sa tagal na ninyong magkasama, alam na niya ang lahat sa iyo. E ikaw? Alam mo ba ang lahat sa kanya? Baka patalikod ka rin niyang tirahin? Ikaw din" anito na ikinapipilan ko. Tama nga siya. Hindi ko rin lubosang kilala si Angelus " malakas din siya. Ano nalang ang iisipin niya sa iyo? Hindi mo siya kayang sabayan, kahit ang basic attacks ay talo ka" patuloy pa ng babae na ikinayuko ko. Bakit ngayon ko lang naisip iyon? Lahat nang sinabi niya, ay ngayon ko lang naisip.

Hindi ko alam pero ang boses nang babae ay nakatanim na sa aking isipan, parang plakang paulit- ulit na bumubulong sa tenga ko para ipaalala sa akin kung ano ako sa mundong ito. Isang mahinang nilalang na pilit pinuprotektahan ng ilang tao upang mabuhay. Bakit napakahina ko?

_________________🖋️

Napangite siya habang nakatanaw sa dalagang nahulog sa kanyang kapangyarihan. Reneeka is strong, no doubt. But even the woman does not know anything about that matter.

Dumaan siya sa ibang daan, kung saan matatagpuan ang harden ng paaralan. Umupo siya sa upuang gawa sa kahoy at tumunghay sa kalangitan "I should not waste the chance. I will finish what I should have done. For the sake of you." Bulong niya sa sarili saka ngumite kasunod ang pagtulo nang luha sa kanyang pisnge.

_______________🖋️

" Reneeka, ayos ka lang?" Usisa ni Angelus sa  kaibigang walang imik. Kanina pa ito tahimik habang nanunuod sa naglalaban " ah? May sinasabi ka, Angelus? " gulat na tanong ni Reneeka na ikinatahimik ni Angelus, Hindi niya alam kung ano ang problema ng kaibigan.

Samantala, tahimik lamang na nakikinig sina Ruka at Lelus. Nakatutok ang tingin nila sa stage " Ren kung may problema, huwag kang mangingiming magsabi sa akin " paalala ni Angelus sa kaibigan na napangite " I will. For now, while I don't have a problem hindi muna ako mangungulsulta sa iyo" sagot nito na nakangite. Tahimik naman sa isang tabi si Teriana, nag- alalang nakatitig kay Reneeka. Ramdam niya sa aura nito na hindi stable ang katawan ng babae. Nagpakawala ng buntung hininga si Teriana saka pinagmasdan ang kaibigang walang imik sa tabi "You should not keep your feelings, Reneeka." Bulong niya sa sarili.

______________🖋️

Nag- aalalang nakatingin sa kaibigan si Angelus, nakatayo siya habang pinagmamasdan si Reneeka. Alam niyang may bumabagabag kay Reneeka pero hindi alam kung paano tutulungan ang kaibigan.

Reneeka is currently fighting in a gamma student. They are same sync but the gamma student is in a good side, he knows how to combine wind and sound and make a deadly weapon. On the other hand, Reneeka had difficulty attack. Her attacks were weak. Puro sablay ang mga atake niya at hindi gumagana ang ibang teknik.

" ano ang masasabi mo, Lelus?" Baling ni Ruka sa kaibigang tahimik lamang sa kanyang upuan, walang ekspresyon ang mukha habang nakatitig sa stage " She's naive, isn't she?" Balik nitong tanong na hindi magawang sagutin ni Ruka, alam niyang may pinaparating si Lelus sa kanyang sinabi " I guess" naituran lamang niya na nangingite saka tumingin sa isang parte ng upuan kung saan nakaupo ang salarin " should we make a move?" Aniya na inilingan lang ni Lelus. Nagtaka si Ruka sa sagot ng babae saka ngumise ng mapang- asar " shocking! It's the first time you say no to my suggestion." sabi niya. Lelus shrugged her shoulders saka nagpatuloy sa panunuod.

Natalo sa laban si Reneeka na isinugod sa klinik dahil sa natamong pinsala mula sa mga atake ng kalaban. Agad sumunod si Angelus sa kaibigan na mababakasan ang pag- alala sa babae.

Si Teriana ang sumunod, kalaban niya ang isang lalaking nagmula sa gamma. Mababakasan sa kanyang maamong mukha ang hirap at pagod sa pakikipagsabayan sa atake ng kalaban.

Sa isang panig, matamang nanunuod sina Lelus at Ruka, kapwa tahimik sa kanilang upuan" what is it in your pretty little head, ms. puppeteer? Picking some doll in this kind of place?" bulong ni Ruka sa sarili habang nakatitig sa naglalaban " sisiguruhin kong mahihirapan ka sa kanya. Isa ka lang din namang manika" Aniya saka lihim na napangite, umiikot sa isipan niya ang kanyang mga plano para sa kanilang bisita.

In the other hand, nakatayo sa isang sulok ang isang grupo ng kalalakihan. Tahimik at matamang pinanuod ang labanan sa stage " Whoah! Ang dami palang magagandang chicks sa lower gate" paanas na komento ng isang lalaki, makikita sa kanyang mukha ang pagkamangha at pagkasabik " manahimik ka, Oisin. Maririnig ka nila" sita ng isa sa mga lalaki " che! Wala kang magagawa kung ano ang gagawin ko. Buhay ko ito noh" sagot ni Oisin na ikinapikon ng lalaking sumuway sa kanya " talagang---" naputol ang dapat sanang pag- aaway ng dalawa ng sipatin sila ng isang lalaking matalim ang mga tingin. Agad natahimik ang dalawang lalaking pasaway at umayos ng tayo, naghiwalay din sina Oisin at ang lalaking kabangayan niya para iwas gulo. Ilang labanan pa ang pinanuod ng grupo bago naisipang umalis. Walang nakapansin sa kanila maliban sa gurong nagpapapasok sa grupo.

::::::::::::::::::::

Done!

Sorry sa mga typos. I'm not good at QWERTY's keyboard. Pagtsagaan niyo na.

Your writer,

Dyl

World Of Magic 1: The Mask MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon