WOM 27

924 27 0
                                    

// RUKA //

Malapit na ang oras ng assemble, may pakiramdam ako na magiging mahirap ang kakaharapin sa mission na ito. Sana nga lang ay magawa naming matakasan ang anumang problema. Nilingon ko si Lelus na tahimik lang na nakatingin sa kawalan, makikitang walang buhay ang kanyang abong mga mata habang nakatingin sa kalangitan. Ang ganda talaga ng kanyang buhok, itim na itim na mahahalintulad sa kalangitang panggabi. Inililipad ito ng panghapong hangin "Ruka, may maganda bang maidudulot ang ating mission ngayon?" mahinang tanong ni Lelus gamit ang walang siglang boses. Natigilan ako sa kanyang tanong ngunit kagaya't ding ngumite ako para mapanatag siya "hindi man kasing ganda rito ang nangyari ay maganda naman ang bukas nang ating mission" sagot ko "ganoon ba? "wala pa ring ganang tanong niya. Malungkot kong tinanaw ang kalangitan at pinagmasdan ang mga bundok na nagpapaligsahan, nakita ko na naman ang kanyang malulungkot na mga mata. Sa lahat ng ayaw ko sa kasama ko ngayon ay ang kalungkutan nito. Nakikita ko ang kalungkutan sakanyang mga mata na siyang pinakaiiwasan ko.

"Pupunta tayo sa Cattea para mag- imbistiga. Hahanapin natin ang mga ailill na pumasok at nagblend sa mga tao roon." Hayag ng aming master slash group leader na si Tiarnan "s- sa C- Cattea?" hindi makapaniwang tanong ni Vera saka marahang umatras na parang tankot na takot "ayos ka lang, Vera?" pansin ni Reneeka na nag- aalala "m-master, bakit po roon?" pautal- utal na usisa ni Vera sa group leader. Tumingin sa kanya si master Tiarnan bago sumagot "may problema ba, Vera?" tanong ni Tiarnan "wala naman, lead. Ano lang. Natatakot lang ako"mahinag sagot ni Vera saka yumuko "huwag kang mag-aalala. Andito kami" pang- aasure ni Svea na agad naming sinang- ayonan naming.

.........................................................................................................



// VERA //



Bakit doon? Bakit sa Cattea? Ayaw ko nang bumalik roon.

"Vera, may problema ba sa lugar na iyon?" Nag-aalalang tanong ni Svea sa akin "W-wala. May naalala lang ako roon" sagot ko. Bakit doon pa? lumingon ako kay S na tahimik lang naglalakad kasabay ko. Siya ang kalapit kong silid kaysa sa iba "S, natatakot ako" pabulong kong turan na ikinalingon ng nito, kumislap ang kalungkutan sa kanyang mga mata "Sabihin mo sa akin ang kinakatukatan, Vera. Nais kong malaman ang kinatakutan mo para matulunagn kita" untag niya "gusto mo talagang malaman?" malungkot kong tanong. Tango lang ang tugon na may determinado "sa kwarto ko sasabihin" turan ko saka nagngunang pumasok sa kwarto ko.



// ANGELUS //



Umaga na, oras na para umalis "Ana, handa ka na ba?" bungad agad ni Renneka sa akin na nakangite "oo, nakakangamba lang. Mukhang haharap tayo sa isang problemang walang matibay na detalye" seryoso kong sagot "Sa tingin ko, doon natin makikilala ang mga nakamaskarang kaibigan natin" nakangiting untag niya na ikinalingon ko sa kanya "sa tingin mo?" tanong ko "oo" masayang sagot niya "Gagamit tayo ng portal papunta sa Cattea. Doon maghiwa- hiwalay tao para mag- imbistiga "utos ni master Tiarnan "Let's go" dugtong nito saka nagbukas ng portal. Tiarnan McCool, 1st rank magic caster. Nangunguna sa spells at casting gayundin ang paggawa ng mga magic. Teleportation din ang favourite niyang abilidad pero marami siyang alam ability.

Nangunang pumasok ang aming guro sa portal, saka kami. Agad bumungad sa amin ang isang lugar na salat sa lahat ng bagay, old buildings and rough road ang kaharap namin. Tuyot at salat sa sariwang puno't hangin na ikinagulat namin. Pumasok kami sa entrada na may bulok at sirang arko, malapit pa itong mahulog kung hindi lang nakatukod ang isang tabla roon "A- anong klaseng lugar ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Reneeka sa nakita. Napatingin kami sa isang panig ng daan ng mapansin ang nakapundok na tao roon, parang may pinagkakaguluhan ang mga naroon "Hindi pa rin pala nagbabago ang mga tao rito" usal ni Vera, hindi man lang tumingin sa nagkakagulong grupo. Mula nga pala siya rito "Vera, may alam ka bang inn dito na pwede nating matutuluyan?" tanong ni master Tiarnan "Opo, may kilala ako rito na nagmamay- ari ng paupahan"tugon ni Vera in serious tune "good, doon tayo tutuloy" sagot ng guro at tinungo ang tinutukoy ni Vera.

World Of Magic 1: The Mask MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon