Intro

1 0 0
                                    


"Ano doc okay na ba yung pulso ng bata?" - Sabi ng matandang babae na nakatayo sa pintuan ng ICU ng sikat na ospital sa Aklan habang hawak-hawak ang rosaryo sa kanang kamay nito at hawak naman sa kaliwa ang isang larawan na may bahid pa ng dugo. Makikita sa mukha nito ang bakas ng lungkot, alala at pighati.

"Okay na po siya nay. Pero under observation pa rin siya dahil malala ang trauma na nakamit niya. Kailangan pang bantayan siya dahil baka mayroon pa siyang internal bleeding at maging sanhi ng komplikasyon na maaaring mag pahamak sakanya." Sagot ng doktor sa matanda at bakas rin sa mata nito ang awa.

"Salamat doc. Hindi ko man gaanong maintindihan ang sinasabi mo pero sa sugat sa ulo at mga gasgas na natamo niya sa kanyang iba't-ibang parte ng katawan ay talagang malubha ang kanyang kalagayan. Kayo na po ang bahala sakanya doc. Gawin mo po ang lahat ng abot sa inyong makakaya. Iligtas niyo ang batang iyan. Marami pa siyang dapat gawin at kailangang gawin." Sabi ng matandang babae na halos mangiyakngiyak na.

"Sige nay. May pasyente pa po kasi ako ha. Makakalabas na rin siya sa ICU bukas ng umaga. Nasaan po ba ang mga magulang nitong bata? Kayo po ba ang lola niya? Pasagot nalang po ng mga impormasyon sa may nurse station para po sa..." Tanong ng doktor sa matandang babae. Napatigil ito ng mapansin niyang naluha ang matandang kausap nito.

Naiyak ang matanda sa sinabi ng doktor sa kanya. Tumingin lamang ito sa doktor at hawak parin ang kanina pa nitong hindi binibitawan na rosaryo at larawan.

































"Ayos ka lang po ba nay?" Tanong ng doktor habang inalalayan ang matanda na umupo muna sa mga bench na malapit sa kinatatayuan nila.

"Ayos lang po ako doc. Wag niyo akong alalahanin. Ang mahalaga po ay mailigtas po ang batang iyan." Sagot ng matanda na patuloy parin sa pag iyak.

"Eh bakit po kayo naiyak? Gagawin namin ang lahat ng abot sa aming makakaya upang mailigtas ang apo ninyo nay." Nakangiting sabi ng doktor upang palakasin ang loob ng matanda.

Hinawakan ng matandang babae ang kamay ng doktor ng mahigpit at tumigil ng kaunti sa pag-iyak at pilit ibinuka ang bibig upang makapagsalita ng mahinahon at mapigil ang pag iyak.










































































"Hindi ko kaanu-ano yang batang yang doc. Iniligtas ko lamang siya sa kamay ng kanyang mapang-api at walang pusong step-mother." Sabay hagulgol uli at makikitang awang-awa ang matanda sa bata at iniabot sa doktor ang larawan.



















































































































----> bitin po ba? Comment and star po and follow niyo po ako and support my wattpad world @nhieckiehli

Agaw na BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon