Unang Kabanata

2 0 0
                                    


Ako si Sunshine. Masayahin, hindi naman kagandahan, hindi rin naman ganoon katalino, hindi rin pinagpala sa talento pero palaban ako, matapang, at wais. Kailangan ko ang mga yan upang mabuhay. Kailangan kong lumaban araw-araw para mabuhay. Kailangan kong mag pursigi at matutong tumayo sa aking sarili dahil wala naman din akong maaasahan. Tanging dasal lamang ang aking kasangga at panlaban sa lahat ng balakid at pagsubok na dumating sa aking buhay. Tanging Siya lamang ang hindi ako iiwan at tanging Siya lamang ang aking takbuhan sa oras na kailangan ko ng kasama at kausap. Hindi naman sa malungkot ang aking buhay pero ito ang katotohanan. Ang katotohanang matagal ko ng tinanggap pero araw-araw ko parin dinaramdam. Hanggang kailan kaya ako makikipaglaban sa mga sitwasyon na ito para mabuhay at makamit ang mapayapang buhay na nais ko at matagal nang ipinagkakait sa akin. Samahan niyo akong subaybayan ang aking istoryang wala pang nakakaalam kung hindi kayo pa lamang...

















































































"Shaaaaaaaaaaaaan!!! Nasaan ka nanamang bata ka! Mag luto ka na ng tanghalian. Bwis*t naman. Anong oras na wala pang makakain. Sabi ko namang mag luto ka agad pagkauwi mo diba. Taena pagod na pagod na ako sa gawaing bahay dito yan na ngalang gagawin mo di mo pa magawa. Palamunin ka na nga pabigat ka pa." Buyawyaw ng babaeng nasa edad 50 na habang nakapameywang at nakatayo sa hagdan na naka tingin sa itaas kung saan nakaparoon si Sunshine.

"Andyan na po Ma. Nagbihis lang ako." Dali-daling itinago ni Sunshine sa ilalim ng sahig ng kabinet na sadyang binaklas ito at kinurtehan na kasing-sukat ng kwaderno upang hindi ito agad makita. Isiniksik niya ang isang kwaderno na tila pinag sama-sama at inipon mula pa sa mga luma nitong kwarderno. Nag madali na itong bumaba sa hagdan upang mag saing ng kanin at magluto ng ulam. Sa sobrang madali nito ay nahulog ang isang tsinelas nito sa hagdan na kung saan sakto naman na andoon ang babaeng nasa edad 50 na.

"Anak ng p*cha! At talagang binato mo pa ako ha. Sabihin mo lang kung ayaw mong magluto kasi di naman kita pinipilit. Kasi kung ako lang naman at ang ama mo eh kaya naming mag ulam ng sardinas. Ewan ko lang sayo eh ang arte-arte mo pa naman." Sigaw ng 50 anyos na babae kay Sunshine. Sabay palo nito sa braso ng bata noong lumapit ito upang kunin ang tsinelas na kanina ay mahulog sa sobrang pagmamadali.

"Hindi ko naman po sinasadya Ma. Nagmamadali lang kasi ako at anong oras na. Babalik pa ako sa paaralan dahil may quiz kami ng ala una." Naka yukong paliwanag nito sa 50 anyos na babae.

"Quiz quiz ka dyan. Edi sana umuwi ka ng maaga kung nagmamadali ka pala. Palibhasa kasi naglalakwatsa ka pa kung saan-saan eh. Akala mo naman anak-mayaman ka." Patuloy na sigaw ng 50 anyos na babae sa bata.

Dumiretso na ang bata sa kusina upang magluto ng tanghalian. Naka yuko parin ito at halos maiyak na pero pinipigil niya lamang na huwag itong mahulog dahil kailangan niyang maging matatag.

"Ang bagal-bagal mo namang kumilos dyan. Nagugutom na ako ha. Hindi mo alam kung gaano ako kapagod. Buong bahay nilinis ko tapos aartehan mo pa ko." Sigaw uli ng 50 anyos na babae.





















































Lumipas ang ilang minuto ay kumulo na ang kanin na sinaing ni Sunshine at patuloy larin siya sa pag piprito ng isdang ulam nila...

"12:30 na di ka parin tapos dyan? Anak ng teteng naman na bata to. Ang tamad-tamad mo naman ah. Pagod na pagod na ako ha. Alam mo bang..." Sigaw uli ng 50 anyos na babae. At napatigil ito sa kanyang sinasabi ng biglang may kumalampag at parang nadulas at may sumigaw.







Pati na rin si Sunshine ay napatigil sa pagluluto dahil sa narinig nitong sigaw. Dali-dali itong tumakbo kung saan tila galing ang sigaw at kalampag na narinig nito.



























































"Aray ko po juskoooooo wag muna ngayon."


"P*cha naman ang tanga-tanga mo naman nadulas ka pa talaga dyan." Sigaw ng 50 anyos na babae.

"Tae kasi. Ang dumi-dumi ng bahay. Ang alikabok ng sahig kaya kahit sino talaga magiging tanga, kahit ikaw pag madulas ka dyan tignan ko lang kung di ka rin maging tanga."

"Gag* ka. Wag mo kong isali sa katangahan mo. Inutil ka. Bobo." Buyawyaw nanaman ng 50 anyos na babae. "Oh bat ka nandito dagdag ka pa dito isa ka ring inutil. Baka di na makain yang niluto mo pag nasunog. Dagdag gastos nanaman. Magsasayang ka nanaman. Bwis*t ka talaga kahit kelan. Pareho talaga kayong palamunin." Sigaw nito kay Sunshine.



























Bumalik na agad si Sunshine sa kusina at ipinagpatuloy ang pagluluto nito. Hindi na nito napigilan ang luha at dali-dali na itong tumungo sa banyo upang ibuhos ang luha na kanina pa nito pinipigilan. Walang tigil ang pag-agod ng luha nito. Pilit man niyang pigilan halos umabot ng 5 minuto ang pag luha nito. At nang marinig nito ang boses ng babaeng 50 anyos na tila papalapit na at papasok na sa loob ng kusina ay agad itong nag punas ng luha at agad na lumabas sa banyo at nag handa na ng hapagkainan para sa kanilang tanghalian. Agad na rin nitong hinugasan ang mga kalderong ginamit sa pagluluto at ibang kubyertos upang mabawasan ang mga gawain pagkatapos nilang kumain. Upang kahit papaano ay magkaroon siya ng kakaunting oras upang makapag-aral ng kaunti para sa kanilang quiz mamayang hapon. Kailangan niya kasing maging highest o wag pumaba sa top 5 na highest score para hindi siya matangal sa pagiging top 1 sa klase. Para na rin ito sa kanyang mga magulang at para na rin makalibre sa matrikula at upang hindi maging pabigat sa kanilang bahay. Bahay niyang ituring ang kanilang tirahan dahil hindi niya ito maituring na tahanan sapagkat hindi naman sila buo at hindi ito napapagitnaan ng Panginoon at walang pagmamahalan at pag uunawaan sa loob nito.













































---> Tuloy-tuloy lamang ang pag support sa stories ko mas pag-iigihan ko ang aking mga updates. Don't forget to add this to your library, vote, and follow me @nhieckiehli para maging updated ka sa mga stories ko.

Agaw na BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon