"Hala! Joke la-ang kuya. Magagawa ko ba 'yon sa dami ng mata ninyo sa eskwelahan na 'yon, sa tingin mo makakapam-bully pa ako? Ako? Itong bait ko na ito?" tumatawang sabi ni Ella habang itinuturo nito ang sarili niya.
"OO," walang kagatol-gatol na sagot ni Erol sa kapatid.
Hindi nakakibo si Ella sa sagot nang kuya niya, nagkunwaring naiiyak na tumingin sa kuya niya. Ayaw naman siyang tignan nito. Tumatawa lang.
Wala naman siyang magagawa, kilalang-kilala siya ng mga ito pagdating sa kalokohan. Minsan nga iniinis na siya ng mga pinsan niya na siya raw talaga ang nag-iisang lalake sa pamilya ng mga Aurea.
Maganda naman si Ella, ilang beses na ba itong naging queen of the night sa mga JS Promenade sa school. Siyempre dalawa, alangan tatlo, 'di ba?
Dahil lamang sa kapipilit ng kanilang ina at mga kaibigan na mag-ayos siya kahit tuwing may okasyon lang. At siyempre bago pa man siya maka-hindi ay wala na siyang magagawa, dahil nakabili na ng gown ang kaniyang ina, nakapag-rent na rin ng mag-aayos sa kaniya.
Siyempre, effort 'yon ng pamilya niya. Kaya kahit masama sa loob ng dalaga... gorabells ang lola.
Mabuti na lamang at natapos na ang kabanata ng buhay high school niya.
Araw ng Huwebes sa St. Anthonys University, marami pa rin ang nagpapa-enroll kahit huling araw na ng enrollment. Siguro ay mga estudyanteng kagagaling rin lang sa bakasyon o kaya naman ay mga nanggaling pa sa malayong probinsiya.
Nasanay na si Ella, dahil dito rin naman sa paaralan na ito siya nagtapos ng high school. Alam na niya ang kalakaran dito. Mas marami talaga ang tao kapag patapos na ang enrollment. Karamihan pa sa mga late enrollees ay mga foreigners.
Agad na pumunta si Ella sa Liberal Arts Department para hanapin si Leny.
Nagkita namn sila at agad-agad na pumila para ipila ang form na matagal na nilang napirmahan, nauuna si Leny sa pila. Kinuha na ng student assistant ang form ni Ella at binigyan na siya ng classcard nang nakangiti. Hindi naman ito pinansin ni Ella at tuluyan nang tinanggap at itinago na sa bag ang form na iniabot ng student assistant. Pareho silang block section ni Ella total naman ay first year pa lang naman sila sa kolehiyo, mas Mabuti nga sigurong block section muna sila para hindi sila manibago. At least magkasama pa rin silng magkaibigan sa buong klase.
Napagkasunduan ng dalawang magkaibigan na mag-lunch na sa canteen ng school nang maisipan ni Leny na bulatlatin ang classcard nila. Kaagad nitong pinasadahan nang tingin ang hawak na papel at sumimangot.
"Ang aga ng first subject natin 7:30," sabi ni Leny.
Binuksan din ni Ella bag niya at kinuha ang form niya at classcards nang manlaki ang mga mata niya sa nabasa.
"Bakit ganito ang classcard ko?" nagtatakang tanong nito.
"Patingin?" nagtatakang kinuha ni Leny yang hawak na classcard ni Ella.
Nagulat din ito sa nakita.
Nagtinginan naman muna ang dalawa pagkatapos ay sabay na tumayo na parang iisa ang iniisip.
Halos takbuhin pabalik ng magkaibigan ang pinagkuhahan nila ng classcard.
Laking gulat nila nang Makita ang naka paskil sa pinto ng Liberal Arts.
BINABASA MO ANG
Hurting Ms. Bully (Completed) Editing
RomanceLee Jung was a Korean Actor who decided to leave showbusiness and left everything behind. He decided to study in the Philippines and meet the Filipina bully girl, Ella. The romance story of two people, separated by pain. A man who came back for ve...