Missing

51 6 0
                                    

"Sit there, and I will ask them to fix your table inside my office," utos nito kay Ella. Inutusan siyang umupo muna sa sofa sa loob ng opisina nito.

Wala siyang magawa kung hindi ang panoorin lang ang mga naglalagay ng table niya sa opisina ni Jung. 

Ngingiti-ngiti si Jung, habang naiiyak na sa inis si Ella.

Kulang na lang mapunit ang panyo na hawak.

Nang matapos ayusin ang mesa niya. Sinabihan siya ni Jung na doon na siya magtrabaho simula sa araw na 'yon.

"Yes, sir," ang tanging naisagot lang nya.

Isang buwan lang ito Ella, pagtiisan mo muna. Bulong ni Ella sa sarili nya. 

Pakiramdam ni Ella ito na ang pinakamahabang araw niya sa mundo. Iyong makulong sa iisang kuarto kasama ang pinaka huling tao na gusto mong Makita.

Hindi siya nagsalita, itinutok lang niya ang sarili niya sa mga software na nasa harap niya.

Inisip niyang nasa Japan pa siya at nagtratrabahong mag-isa.

Hindi naman mapakali si Jung, paulit-ulit niyang tinititigan si Ella.

Halata sa bawat tingin niya ang paghanga pa rin sa dalaga. 

Hindi pa rin sya maka paniwalang si Ella ang nasa harap niya. Si Ella na palaging naka-jeans noon ngayon ay naka-skirt na ng hanggang tuhod, yung palaging naka rubber shoes noon naka high heels na ngayon.

Hindi na rin ito nagsasalamin, lumitaw na ang mahabang pilik mata nito na lalong nagpa buhay sa mga mata nya.

"Damn it Jung, Don't tell me you'd still fall for her," bulong niya sa sarili. Pilit niyang sinasaway ang sarili niya na tingnan ang dalaga.

Hindi na niya namalayan na uwian na pala. Nagulat na lang siya nang Makita niyang nag-aayos na ng gamit si Ella. Napatingin siya sa relo, past 6 na pala. Lampas na sa oras ng uwian.

Tumayo na si Ella at nagpaalam kay Jung.

"Good day sir, I'll go ahead," paalam nito at tuluyan nang lumabas ng silid.

Hindi kaagad nakasagot si Jung hanggang sa tuluyang makaalis si Ella.

Pagkalabas ni Ella ng opisina niya, walang lingon likod na sumakay ng elevator papunta sa tutuluyan niya.

Kanina pa niya pigil na pigil ang pag-iyak.

Pagdating doon sa kuarto niya saka niya ibinuhos lahat ng galit niya.

"Ang dami namang pwedeng paglaruan nang tadhana ba't ako pa?" tanong niya sa sarili.

Ramdam niya ulit yung sakit,

"Mas masakit pala 'yong Makita mo ulit siya pero parang hindi ka niya kilala," sabi nya sa sarili.

Samantala si Jung.


Naka upo pa rin siya sa swivelling chair niya sa opisina, tatlumpong  minuto na nakaraan mula nang lumabas si Ella

"Ang sakit pa rin pala? Akala ko okay na ako eh," bulong nito sa sarili, hindi na napigilan ang pag luha

"Mas masakit pala 'yong Makita mo ulit siya pero parang hindi ka na niya kilala, 'yong mas maganda 'yong ipinagbago niya nung wala ka na sa buhay niya," umiiyak na sabi nya sa sarili.

"Ella, ba't ka nagpakita ulit?" sigaw na niya. Mabuti na lang at sound proof ang opisina niya.

Umabot pa siya ng isang oras doon nang nakatitig lang sa mesa ni Ella.

"Bakit may lungkot sa mata mo, Ella, walang sinuman ang pwedeng manakit sa damdamin mo, ako lang Ella," bulong pa niya.

Ipaparamdam ko sa'yo 'yong sakit, Ella," galit na sabi nito sa sarili. 

Napapikit na lang siya nang maramdaman niyang aagos na ang luha niya.

Bumaba na rin siya sa kuarto niya pagkalipas ng ilang oras. Pagpasok niya sa loob ng kuarto niya nahiga siya sa kama at pumikit nang may marinig siya na parang umiiyak sa kabilang kuarto.

Hindi sound proof ang mga kuarto roon para malaman kung may ginagawang kalokohan ang mga empleyado. Bawal dito ang magdala ng karelasyon maliban kung asawa. Bawal din ang mag-inom sa loob o magp- party.

Naririnig ni Jung ang pag-iyak nang babae sa kabilang kuarto.

Humahagulgol na ito. Gusto sana niyang puntahan at kausapin pero naunahan siya ng hiya, sa tagal nang pag-iyak ng babae pati siya napaluha na rin. Nakakadala kasi ang pag-iyak nito. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan. Hanggang sa wala na siyang marinig, marahil nakatulog na. 

Hindi na rin niya namalayan na nakatulog na siya.

"Sana hindi na lang ulit tayo nagkita, akala ko okay na ako eh" bulong ni Ella sa sarili.

"Tama na Ella, maawa ka na sa sarili mo," bulong nya sa sarili.

Hindi na niya napigilan ang umiyak, hanggang sa humagulgol na siya nang tuluyan. Sa tagal nang pag-iyak niya hindi na niya namalayan na nakatulog na siya na si Jung pa rin ang dahilan nang pag-iyak niya.



Kinaumagahan.

Titig na titig si Ella sa mukha niya sa salamin. Napagpasyahan nya na hindi muna mag contact lens at isuot muna ang salamin niya para matakpan ang pamumugto ng mata gawa ng halos magdamag na pag-iyak.

Napagpasiyahan din niya na magsuot ng makulay na dress para mabuhay ang aura nya. Lalo tuloy lumabas ang ganda niya at maputi niyang balat.

Pumasok na siya sa opisina, maaga naman siya ng 10 minutes sa oras ng pagpasok.

Nabigla na lang siya nang madatnan niya si Jung na nasa opisina na ito at nagtratrabaho na. Napalabas tuloy siya ng wala sa oras at pinuntahan ang sekretarya nito

"Trina, ba't ang aga pumasok ng boss mo?" tanong ni Ella ditto.

"Aba! Malay ko, dati namn 10 pa 'yan papasok. Ngayon 8:30 pa lang nasa opisina na," gulat na kwento rin ni Trina kay Ella.

Naguguluhan man pumasok na rin si Ella sa opisina..

Napatingin naman si Jung sa kaniya noong pumasok siya.

"Good morning, Sir!"bati ni Ella dito. 

Parang wala naman itong narinig at ipinagpatuloy lang ang ginagawa sa computer.

JUNG's POV

"Bakit gano'n yung suot niya? Bakit parang mas lalo syang gumaganda araw-araw," bulong ng isip niya. 

"Jung, tigilan mo na 'yan. Sasaktan ka lang ulit niyan," bulong ulit ng isip niya.


"Is she trying to show off?" tanong nito sa sarili.

"Damn it Jung! Concentrate. Hindi 'yan ang dahilan kaya ka bumalik," sawata nya sa sarili.



ELLA'S POV


"Mula ngayon lulunurin ko lang ang sarili ko sa trabaho," kinakausap niya sarili niya.

"Hindi kita titignan. Promise," bulong ulit nito sa sarili.

====

Maghapon na wala ulit silang kibuan, pinili ni Ella na mag-concentrate sa gininagawa niya.

Na natapos naman niya kaagad. Kahit sya hindi rin makapaniwala na nagawa niya yun sa loob ng 2 araw lang. Ipina-submit na niya ito sa IT department.

Maya-maya may pumasok na lalake sa opisina ni Jung.

"Hi! Pare, I just want to meet yung bagong Analyst natin... ang galing eh, ang bilis," puri nito nang mapansin si Ella na papasok ng opisina.

"Oh! You have a new secretary? Or visitor? " naka ngiting sabi nito habang papalapit kay Ella. Inaabot ang kamay nito sa dalaga.

"Hi! Jonas Costales, just call me Jonas and I'm the head of IT department in this company.. and you are?" tanong nito kay Ella habang nakalahad ang kamay titig na titig sa muka ni Ella.

"Good Morning, Sir! My name is Ysabella Aurea and I am the new Software Analyst," bating paggalang ni Ella.

Nagulat si Jonas...


Hurting Ms. Bully (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon