Dying to hold you

47 3 0
                                    


"Ano nangyari? Okay na ba ulit kami? Kung makapag utos kala mo pag mamay-ari niya ako," bulong ni Ella sa sarili.

"Oo, pagmamay-ari pa rin kita," pautal na sagot ni Jung. 

Nilalakasan ang loob halata naming hindi rin siya sigurado sa sinasabi niya. 

"At sino naman ang nagsabi sa'yo?" gulat na tanong ni Ella na napatingin sa binata.

"Ako, kasasabi ko lang..." seryosong sagot ni Jung na  takatingin  pa rin sa dalaga.

"Huh! You wish!" pairap na sagot ni Ella at tumingin sa labas ng bintana.

Hindi na ulit sila nag-usap, nagkunwaring tulog si Ella sa biyahe hanggang makarating sila kina Ella. 

Natuwa naman ang magulang ni Ella nang Makita ang anak at si Jung.

"Jung! Bumalik ka na pala rito sa Pilipinas?" nanginngiting tanong nang mama ni Ella.

"Opo Ma--tita," mahinang sagot ni Jung na tila nahihiya pa.

"Okay lang iho, you can call me Mama. Tatlong taon din naman na ako ang naging mama mo rito hindi ba?" nagpaparining na sabi ni Aling Liza habang nakatingin kay Ella.

"Ella, ihatid mo muna si Jung sa kuarto mo para makapag pahinga," biglang sabi ni  Mang Tony, ang ama ni Ella.

"Eh bakit naman po sa kuarto ko?" nakasimangot na tanong ni Ella sa ama.

"Eh kasi darating ang pamilya ni kuya Erol mo ggmitin nila ang kuarto niya, gagamitin din ng mga pinsan mo ang kuarto ni kuya Evo mo. Bukas pa may mababakante sa hotel," mahabang paliwanag ng ina ni Ella.

Wala naming magawa si Ella kung hindi ang sundin ang utos ng mga magulang.

"Halika na nga," nakasimangot na aya ni Ella kay Jung.

Pagpasok sa kuarto ni Ella, nakita kaagad ni Jung ang picture na naging dahilan ng away nila noon.

"Oh, titig ka sa picture ni Lee Joon," basag ni Ella sa katahimikan.

"That is not hyung, Ella. That is me," mahinang sagot ni Jung habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa litrato na nasa silid ng dalaga.

"Alam mo akala ko talaga si Lee Joon yan, nakahalo kasi 'yan sa mga posters n'ya noong bumili kami. Tapos ang guapo-guapo niya diyan," kwento ni Ella habang nakatitig sa litrato.

"Hindi mo ba napansin ang pagkakahawig namin?" muling tanong ni Jung na tumingin pa kay Ella.

"Napansin. Pero later na noong sinabi nila na sikat kang model sa Korea. Sino ba naman kasi ang makakapag-isip na pupunta rito ang isang kagaya mo. Saka isa pa, mahirap kayo minsan I-differenciate kasi halos magkakamukha kayo." Tumalikod na si Ella para ayusin sana ang gamit ni Jung.

Lumapit naman si Jung kay Ella at niyakap ang dalaga mula sa likod, nagulat man ang dalaga hindi na ito kumibo.

"Me-ahn-he-yo Ella, Saranghae," bulong ni Jung habang nakayap sa likod ni Ella. 

Pagkatapos ay hinugot nito ang isang malalim na hininga. 

Nakayuko naman si Ella na napakagat sa labing pang-ibaba. Halatang pinipigilan din ang sariling emosyon sa sitwasyon nila.

Siya namang may kumatok sa pinto ng kuarto ni Ella at bumungad si Aling Liza.

"Hali nga kayong dalawa rito, kayo ba ay nag-usap na? Hindi naman sa nakikialam ako pero kung ano man iyang problema n'yo ayusin n'yo na."

Nasayang na ang halos apat na taon n'yo, pahahabain n'yo pa ba? O siya, sumunod ka na Ella at hinahanap ka ng mga pinsan mo. Magpahinga ka muna Jung, ipatatawag na lang kita kay Ella kapag kakain na." si Aling Liza na tuluyan nang tumalikod sa dalawa.

Pinaharap naman ni Jung si Ella sa kaniya at hinalikan ang noo ng dalaga. Pagkatapos ay binitawan na ito.

Sumunod na rin si Ella kay Aling Liza para bumaba. Hawak pa nito ang dibdib.

Napapangiti naman ang dalaga. Kulang na lang ay tumili sa  kilig na nadarama.

Naiwan si Jung  sa kuarto ni Ella, nakaupo at titig na titig na poster niya na nandoon.

Nang mapansin nya ang scrap book ni Ella, binuksan niya ito at nakita niya ang sangkaterbang pictures na sa album na 'yon. Alam niyang siya ang mga 'yon dahil na rin sa petsa ng mga ito, nauna siya ng apat na taon sa modelling bago ang kuya niya. Magka mukhang, magka mukha kasi sila, madalas nga silang pagkamalang kambal.

Hurting Ms. Bully (Completed) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon