kabanata 12

645 15 0
                                    

Model

Nakaupo siya ngayon sa harapan ko, kaming dalawa lang dito sa grandstand ng field.

“Ba't ka nanaman kasi namimilit, tantanan mo na ako France!” in-excuse niya ako sa Dean na malaki ang utang sakanya kaya walang problema kahit na anong oras pa kami magtagal.

“Bakit ba kasi ayaw mo? Nakakainis ka naman eh!” inikot pa nito ang kanyang mga mata, oo bading siya.

Kaming dalawa lang nakaka alam except sa mga katrabaho niya.

“Ayaw ko na kasing bumalik sa pagmomodel na yan! Alam mo namang makakasagabal yan saakin. Lalo na sa pag aaral ko.” matigas at may riin ko siyang tiningnan.

“Kung ganun tuwing sabado at linggo nalang.”

“Ayaw ko!”

“Sige na!”

“Kung ganun ay ang mga magulang mo nalang ang sasabihan ko-------”

“Hep, hep, hep. Wag na wag mo yang gagawin! Magkano ba?” napipilitang tanong ko.

“10k sa una palang, pag nagustuhan ka na ay 20k, pag palagi ka nalang nirerekumenda ay 25k at kapag nakapagkontrata na ay sila na ang magdedepende sa bayad mo!” namilog ang mga mata ko.

“Kailan ako magsisimula?”

“Pwede ngayong sabado o linggo, sasabihan nalang kita kung alin sa dalawa at kung anong oras. O sige na, tapos na ang isang oras kong panliligaw sayo! Tingin ko ay tapos na ang third period mo! Ihahatid na kita.” tumango ako.

Pumunta na kami sa room at nang malapit na kami sa room at tanaw ko na sila Mark, Jack at Hanzo sa may pintuan.

Biglang inilagay ni France ang kanyang mga kamay sa beywang ko kaya napatingin ako sakanya, “Ano bang ginagawa mo France? Nakakahiya!” pabulong at mariin kong sabi sakanya.

“Wag kang mag-alala, malalaman lang natin kung sino sa tatlong yan ang tunay na nagugustuhan ka na!” nakalapit na kami at wala pang prof.

Nang harapan na kami ng tatlo ay haharap sana ako kay France para magpaalam, pero takte lang! Hinalikan niya yung pisngi ko. Namula ako dahil sa kahihiyan hindi dahil sa kilig, bading kaya toh.

Napatingin ako sa tatlo at bakas ang gulat sa kanila maliban kay Hanzo na namumula ang tainga at nakakuyom ang mga kamay.

“Sa tingin ko ay alam ko na kung sino ang papagselosin natin dito!” bulong nito habang niyayakap ako.

“Gaga ka talaga!” pabulong ko din, nakatingin ng nakanganga ang mga tao sa classroom dahil sa nakita, gwapo kaya si France at famous pa. Kaso nga lang bading garsi siya.

“Bye Lami ko! Ingat ka dito palagi mahal na mahal kita!” kumakaway itong umalis.

Napailing nalang ako. Kumaway nalang din akong pabalik sakanya at nang hindi ko na siya muling makita ay humarap na ako para pumasok sa school, pero megahd dapat pala hindi nalang ako humarap.

Napakalapit na ng mukha ni Hanzo sa mukha ko, halos maamoy ko na ang mabango niyang hininga. Sobrang naghuramentado na ang puso ko kaya agad akong lumayo sakanya dahil baka marinig niya ito. Nakakatakot kaya! Nakakahiya pa!

“Ano bang meron sainyo ng lalaking yun?” inis nitong ginulo ang buhok at lumayo ng kaunti saakin.

“Uhh...........” bading kaya yun, tsaka wala akong maisip na sasabihin sakanya, “........wala! Wala pa ba si ma'am?” gusto kong walain ang topic.

“Medyo malilate si ma'am, sagutin mo nga ako!” tumaas ng kaonte ang boses niya.

“A-ano kasi........k-kasi s-siya yung kaibigan ko! Oo kaibigan ko.” umigting ang panga nito sa narinig.

“Boyfriend dati at kaibigan ngayon, hayy hindi mo ba nahahalata ang nararamdaman ko ha?” iritadong tumingin ito sa may pinto kung saan may nakiki ososyo at agad na nagsi alisan.

“A-ano........ano ba kasing nararamdaman mo?” kinakabahan na ako, baka nararamdaman niyang bading din si France, oh no! Kung ganun pag nafifeel niya nga ay?

BADING DIN SIYA?

Gulat ko siyang tiningnan, oh my gosh. Ginagamit niya lang siguro ako para mapagtakpan ang kabadingan, kaya pala usap-usapan lang na playboy siya. Wala naman kasi akong nalaman na may kinama siya or naki make out. Maraming may gusto siya ang may ayaw.

Tumakbo ako papasok sa room at humalukipkip sa upuan ko. Tulala ako sa board, paano kung ganun nga? Pwede namang magkaibigan lang kami eh! Wag lang maging mag jowa!

“Hoy Lie ano bang nangyari?” ani ni Jack.

“Ba't ka tumakbo bigla at tulala ka jan?” sabi naman ni Mark.

Pumasok si Hanzo na naiinis kaya dali dali akong inalis ang tingin sakanya, nakakababa ng tingin yun. Gagamitin niya lang pala ako!

Nakita ko itong nakatayo sa harapan ko, naiinis ako sakanya! Na fall ako sa isang bading yak! Di ko keriiii!

“Kinakausap pa kita Mina! Ano na? Ha?” naiinis itong tumingin saakin.

Tumingin lang ako sakanya ng blangko, hindi ko pa tanggap pero matatanggap ko din yan, katulad ng pagtanggap ko kay France.

Pumasok na si ma'am at bwisit na bwisit si Hanzo na pumunta sa upuan niya at ako naman ay tulala hanggang sa mag uwian na.

Capturing His Promdi GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon