kabanata 13

598 15 1
                                    

Gay!

Tapos na ang kalase at uwian na, napapatulala talaga ako sa tuwing maalala ko na uminom siya sa baso ko. Balewala yun sakanya dahil babae din siya, binabae.

Tapos yung part na haplusin niya ang kamay ko para lagyan ng ointment ay ang lumanay, babaeng babae nga ang galaw.

Yung mga tinginan niya sa prof naming lalaki, wahhhhhh hindi ko na kaya itohhhhh!

Napatigil ako sa paglalakad papuntang gate para maghintay ng jeep ng biglang may humigit saakin papunta sa parking lot ng school.

Nasa harapan ko ngayon si Hanzo na umiigting ang panga at ginugulo gulo ang kanyang buhok.

“Ano bang problema mo? Kanina mo pa ako iniiwasan ha?” pinalo nito ang kanyang sasakyan.

“Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan Hanzo! Alam ko na ang lahat, nararamdaman ko na kung ano ang nararamdaman mo! Ang hindi ko lang alam ay bakit kailangan mo pa akong gamitin!” nagsimula nang mangilid ang mga luha ko. Pumungay ang mga mata nito ng tumingin saakin, sabi na nga ba eh!

“Ano bang sinasabi mong ginagamit kita Mina?”

“Alam kong hindi ka playboy, dahil chismis lang yun. Alam ko Hanzo! Alam ko! Sa pag inom mo palang sa baso ko sa bahay nila Jack, sa paglagay mo palang ng ointment sa napaso kong kamay at braso at sa pag tingin mo palang sa mga prof natin! Wag mo na akong linlangin at magtapat ka saakin Hanzo!” tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko, di ko kaya toh! Ba't nahulog ako sakanya?

“Ano bang pinagsasasabi mo ha Mina? Hindi kita maintindihan, diretsuhin mo nga ako!” mariin nitong sabi at sumandal sa sasakyan niya.

“Alam ko na Hanzo!.........” kaya ko toh, kahit hindi ko kaya, “.......na kapuso kita, pareho tayo!” napatayo siya ng tuwid.

Sinasabi na nga ba! Tumuwid eh! Hindi niya kayang masabihan ng masama, na bakla siya. Kaya hindi ko sinabing bakla siya, para hindi masakit para sakanya.

“So anong sinasabi mo? Ha? Anong pinapalabas mo? Huh!” napangisi ito ng malapad.

“Hanzo tanggap naman kita eh, we can be friends, wala akong pag sasabihan nito! Tanggap kita, wala namang masama maging.....maging pusong mamon diba? Pusong babae?” natulala ito at may ngisi sa labi, kanina pa ako iyak ng iyak.

“Mahal kita Hanzo pero hindi kita kayang maging jowa kung pareho nating gusto ang mga lalaki!”

Hinila ako nito at hinarap sakanya, napasinghap ito ng makita ang mga luha ko, agad niya itong pinunasan.

“Hanzo naman eh! Wag mo na akong paasahing lalaki ka!” tinarayan ko ito pero patuloy parin ang pagluha ko, natigilan ito at nag igting ang kanyang panga.

“Are you saying that I'm gay?” naiinis niyang tanong saakin, ngumisi ako at inirapan siya.

Sinandal ako nito sa kanyang kotse at tinitigan ng mariin. Nakangisi ito at bago pa man ako makapalag ay hinalikan niya ako, matagal, gantle at higit sa lahat ay nakakawala ng ulirat ang halik niya.

Lumayo ito saakin at inilapit ang mukha sa kaliwang tenga ko, halos halikan na nito ang tenga ko.

“Hindi sana kita kayang halikan ng ganun kung bakla ako, magiingat ka kasi minsan sa mga sinasabi mo Mina, di mo lang namamalayan nahuhulog ka na sa inaakala mong bakla.” nakangising sabi nito habang ako naman ay tulala at inaalala ang paghalik niya saakin.

Ang first kiss koooooooo!!

Nakangisi lang ito saakin kaya binigwasan ko na! Ayun naka upo sa lupa at nakahawak sa pisnging sinuntok ko. Mabuti at may pagmamahal pa ako sakanya.

“Aww! Bakit mo ba ako sinapak? Masakit kaya!” hinimas himas nito ang kanyang pisngi.

“Eh ikaw kasi eh, huhu first kiss ko yun eh!” nagsimula na akong umiyak ng malakas, yung parang batang naagawan ng lolipop.

“Hey, uyy wag ka nang umiyak. Sorry na! Sinabihan mo ba naman akong bakla!” niyakap ako nito at pinapatahan ako.

“Ikaw kasi eh! Dapat sa tamang lalaki ko yun maibibigay eh!” napabitiw ito sa yakap at tiningnan ako ng masama.

“Ayaw mo ba saakin? Sabi mo mahal mo ako, bakit ngayon ayaw mo saakin?” nagtatampong lumayo ito saakin kaya agad akong naawa sakanya. Tumalikod ito.

“Sorry na! Alam mo namang masama ang unang pagkakita ko sayo, tsaka wala lang talagang preno ang bibig ko! Sarry nah!” hindi ko alam pero niyakapa ko ito galing sa likuran niya.

Natigilan ito at humarap saakin ng nakangising aso.

“So tayo na?”

“Ayaw ko!”

“Please!”

“No.”

“Mina ko!” malambing ang boses nito.

“A-ayaw ko.”

Magsasalita pa sana ako para makapag paalam na at makauwi ng hablutin nito ang beywang ko at hinalikan ako. Parang kanina lang pero may halong saya na ito.

“Hmmm......yes......or n-no?” tanong nito habang hinahalikan parin ako.

“H-hanzo....u-uuwi n--------”

“Oh please my Mina!” mas diniinan pa nito ang paghalik saakin sa pamamagitan ng paghawak niya sa batok ko.

“K-kasiiiii.......”

“Pretty please!!”

“O-oh oo sige na nga!” kumalas ako sa halik niya at baka umabot ito sa iba pa.

“YES!” niyakap ako nito ng napakahigpit, “I love you Mina! Thank you!” hinalikan nito ang pisngi ko.

“Oo na, kailangan ko nang umuwi, wala na yatang jeep.” aalis na sana ako ng yakapin ako nito sa likuran.

“Ihahatid ko nalang ang Mina ko!” napaharap ako dito ng namumula at tumango.

Oh my goshhhhhh! Kinikilig akoooooo! Sakanya man napunta ang first kiss ko ay maayos naman ang kinalabasan. Mukhang hindi kaagad ako nito makakatulog!

Capturing His Promdi GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon