pagtatapos

787 10 2
                                    

Huli





Oo, yan ang naging sagot ko sa marami niyang tanong. Oo, dahil mahal kita. Oo, dahil ikaw lang talaga. Oo, hanggang huli na toh.

Pero ang pinaka hindi ko makakalimutang OO ng buhay ko ay ang tanong niyang hanggang ngayon ay naaalala at maaalala ko parin.

Napangiti ako dahil tuwang tuwa ang kambal na nakikipaglaro sa kanilang daddy, oo tama kayo. Sa nakalipas na anim na taon ay heto kami at parehong palaging puyat, pagod at masaya sa pag-aalaga sa aming munting mga anghel.

Pagkatapos niyang magpropose ay sinagot ko kaagad ng matamis na OO, maraming tao ang dumalo sa kasal namin. Lahat ng kapamilya namin, mga kaibigan at mga kaklase.

Simple lang ang kasal pero para saakin iyon ang pinakamagandang alaalang nagawa at nangyari.

Ang pag I do sa harap ng maraming tao ay nakakaiyak dahil sa sobra sobrang tuwa, hindi mo ito kayang sabihin sa salita lang. Yung tipong nararamdaman lang, yung hindi masabi o malaman ang tamang salita para dito.

“Hey, you're spacing out again. The kids are sleepy! Wanna sleep too?” nakangisi niyang sabi. Sinapak ko nga.

Oo, nakalimutan ko na ang lahat ng mga nangyari saakin, pero hindi ko na ito matatanggal sa pagkatao ko.

“Eh kung putulin ko yan! Gabi gabi ka nalang eh!” irap ko at binuhat na si baby Azella na babae. Sakanya naman si baby Minzo na lalaki.

Apat na taong gulang na sila at hindi naman mga tupakin, mga suplado at suplada nga lang.

Pumasok kami sa kwarto ng kambal kung saan konektado sa kwarto naming mag-asawa ang kwarto nila para kapag nagising at umiyak sila ay makakapunta kaagad kami. Naghiwalay na kaming bahay kila nanay at sa pamilya niya simula nang magpakasal na kami.

Bumibisita naman sila saamin pero paminsan minsan lang para mabisita ang mga bata.

Hinele ko na si baby Azella at mabilis naman itong nakatulog, hindi katulad ng dati na pahirapan pa bago sila matulog.

Inilapag ko na si baby sa crib niya na kukay pink, humarap ako kay Hanzo na nakikipag nose to nose pa kay baby Minzo.

“Huy! Kung ayaw mong matulog eh magalro pa kayo jan!” naiiritang lumabas ako ng kwarto at nahiga ako sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot at pagkatapos ng ilang minuto ay naramdaman kong may yumakap saakin galing sa labas ng kumot.

“Sorry na Mina ko, bakit ka galit kaagad?” tanong niya habang hinahalikan ako galing labas ng kumot.

“He! Ewan ko sayo! Nakakainis ka!” sabi ko at niyakap nalang ang unan.

Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay iba ang mga nararamdaman ko. Madali na akong magalit at paiba iba din ang mga nararamdaman ko. Tulad ng galit, saya at kung ano ano pang emosyon.

“Bakit ba ang arte arte mo nitong mga nakaraang araw? May sinasabi ka bang hindi ko alam?” may bahid ng pagdududa ang kanyang boses.

Oo may hinala na ako kung anong nangyayari saakin, ang kaso nga lang ay hindi pa ako sigurado dahil hinihintay ko yung susunod kong red tide. Bukas o sa susunod na araw ang nakasulat sa kalendaryo ko.

Kinabukasan ay nagising ako ng wala na sa tabi ko si Hanzo at tulog pa ang mga bata. Lumabas ako ng kwarto at tumungo ako sa kusina kung saan nakakaamoy ako ng napaka sarap na amoy kaya dali dali akong tumakbo papasok.

Nakita ko duon ang hubad na katawan ni Hanzo at naka short lang ng hanggang tuhod, tumikhim ako at nakita niyang nakatingin ako sa kanyang katawan at napapalunok.

“What do you want in breakfast? Coffee? Milk? Sandwich? Rice? Or just me?” nakangising sabi niya.

“Pwedeng ikaw?” lumapit ako sakanya at isinabit ang mga braso sa leeg niya. Tapos naman na siya sa pagluluto.

Nagulat pa ito sa ginawa ko. “Mamaya nalang, bibisita sila mommy at nanay dito. Ipapadala ko muna ang mga bata.” nakangising sabi niya at hinalikan ako.

Humiwalay kami at naupo na ako sa hapag habang sinasalinan niya ang plato ko ng maraming kanin at nang talong. Biglang napunta lahat ng laway ko sa may dila ko. Agad akong kumuha at tumakbo papuntang lababo kung saan may kabinet sa taas at kumuha ng toyo at sili duon.

Inilagay ko yun sa maliit na plato tsaka pinisa ang sili, naglalaway na ako kaya agad akong kumain. Napapangisi at napapailing nalang saakin si Hanzo.

Kinabukasan ay hindi parin ako nadatnan kaya agad na akong pumunta ng ospital para magpa check up. Oo sa dis-oras ng gabi. Hihingi din ako ng PT para may ebidensya narin.

Napangiti ako sa sinabi ng doktor, tama ang hinala ko. Binigyan niya ako ng PT at dito na ako nagtake.

Nakauwi ako at sumalubong saakin ang galit at kunot na kunot na nuo ni Hanzo. Pupungay pungay pa ang mga mata nito pero makikita mo parin dito ang galit.

Napangiti ako at binuksan ang ilaw ng bahay. Ngayon ang tamang oras para sabihin sakanya.

“Hanzo-----”

“Saan ka galing?” mariin niyang tanong at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

“Sa ospital?” nagaalinlangang sagot ko.

“At bakit? Anong ginawa mo dun?”

“Para kunin ang regalo ko sayo.” nakangusong sabi ko at yumuko nang mas lalo pang kumunot ang nuo niya at lumapit saakin.

“Sa dis oras ng gabi? Hindi ba pwedeng bukas nalang o ano?” napahikbi ako dahil mukhang galit siya. Pumungay ang mga mata niya at niyakap ako.

“Ayaw mo ng regalo ko? Kung ganun ay lalayas nalang kami!” sabi ko at kumalas sa yakap niya at nagmartsa papasok ng kwarto namin at magiimpake na sana ng yakapin niya ako mula likuran.

“Hindi naman sa ayaw ko sa regalo mo, ang akin lang naman baka mapahamak ka. Tsaka ano bang regalo mo saakin?” tanong niya at nilahad ang kanyang kamay sa harapan ko.

Nanginginig na kinuha ko sa maliit na body bag na dala ko yung PT, inilagay ko yung maliit na box kung saan nakalagay ang PT.

“Birthday mo bukas at advance gift ko yan sayo, mahal na mahal ka namin.” nung una nagtaka pa siya pero kalaunan nang busan niya yung box ay nanlaki ang kanyang nga mata at naluluhang tumingin saakin.

Agad niya akong siniil ng halik at nang humiwalay ay lumuhod ito sa harapan ko at itinapat ang kanyang mukha sa tiyan ko para halikan.

“Daddy will taker care of you and your mommy----”

“Mommy daddy?” tanong ng kukusot kusot sa kanyang mga mata na si baby Minzo at sa gabi niyang si baby Azella.

“Halika dito mga baby, magiging ate at kuya na kayo! At may baby na tayong aalagaan.” napatili si baby Azella at si baby Minzo ay napatalon sa tuwa at agad nilang kinapa ang tiyan ko at hinaplos haplos.

Binuhat ni Hanzo ang dalawa sa magkabilang braso tsaka ako hinalikan sa nuo.

“This family is the best gift I ever have!” hinalikan niya din sa nuo and kambal.

“Mahal na mahal kita Hanzo, pati ang mga anak natin!”

“Mahal na mahal din kita Mina ko, lalo na ang kamabal pati narin gg bagong dadagdag sa pamilya natin!”

Siguro ito na ang huli, pero para saakin hindi pa, tuloy pa ang laban namin bilang isang pamilya.

Ako nga pala ulit si Lamina Rimora Bendilla ang.......

The Promdi Girl!

Capturing His Promdi GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon