"MNM"

85 22 2
                                    


"Madilim na Mundo"

Bawat oras na lumilipas
Bawat taong lumalagpas
Bawat halamang patay na naaagnas
Bawat sakit na dinadanas
Maaari bang mag-wakas?

Madilim na silid
Na halos walang ilaw na nakabukas
Tahimik na paligid
Na halos walang ingay na mababakas
Nananatiling mag-isa at hindi makatakas

Lungkot at takot
Ang sa aking bumalot
Nag-iisa at walang kasama
Sa aking mundong walang gustong sumama
Kaya naiwang umiiyak sa aking kama

Nakatingin sa kawalan
Iniisip ang pag-asang nawalan
Dahil sa mga kaibigang nang-iwan
Animo'y gusto ng mamatay ng tuluyan
Sapagkat sobra ng sakit ang nararanasan

Mag-isang patuloy na lumalaban
Sa "Madilim na Mundo" na aking tinatapakan
Nais sumuko ng walang buhay kong katawan
Ngunit mundong ito'y tila nais pa akong parusahan
Kaya hiling ko'y dumating na ang hinihintay na katapusan

Kung saan walang taong mang-iiwan
At walang taong masasaktan
Kung saan walang oras na masasayang
Na hindi dapat sinasayang
Higit sa lahat walang ako na pinabayaan

Pinabayaang mag-isang walang kasama
Kalungkutang ako lang ang dumadanas
Sakit na ako lang ang humaharap
Na nakakulong sa mundong ako lang ang naroroon
Kahit Pamilya at kaibigan ay hindi magkaroon

-Miuna Ke,














[PLAGIARISM IS A CRIME!!!]

[PLAGIARISM IS A CRIME!!!]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Madilim na Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon