Chapter II

1.1K 16 0
                                    


          Napatingin siya sa akin. 'Yong mukha niya ay punong-puno ng pagtataka pero mas nangibabaw ang gulat sa ekspresyon niya. Marahil ay 'di niya inaasahan 'yong sinabi ko.

          Pati rin naman ako ay nagugulat sa sarili ko. Hindi ko dapat sinasabi 'tong mga 'to sa kanya. Pero wala na, e. Nasimulan ko na. Hindi ko na pwede pang bawiin pa. Might as well finish what I started.

          "Pwede bang ako na lang?" Hindi ko na napigilan, a tear fell from my eye. There's no turning back now. Alam kong masasaktan lang ako rito, but I don't care. I'm risking everything just to tell him what I feel.

          "No, Dyn." Tumayo siya at tiningnan ako nang diretso sa mata.

          Ouch.

          Alam ko namang wala rin akong pag-asa sa kanya. Sa una pa lang alam ko na. Pero ba't parang ang sakit pa rin? Didn't I prepare myself enough? Pero akala ko I already prepared myself for the rejection he would give me. Hindi pa pala. Masakit.

          "No. Alam mo namang mahal ko si Gwen, 'di ba? Ba't mo pa hinayaan ang sarili mong mahulog sa akin? Dyn, I love Gwen, at alam kong nakikita mo iyon. Hindi ko kayang gamitin ka parang lang makalimutan siya. No, I won't do that." Napahilamos siya sa mukha niya.

          Nagpalakad-lakad siya sa harap ko at parang problemado siya. Gano'n na lang ba 'yong  epekto ng pag-amin ko sa kanya? I wanted to say sorry. Pero kasalanan ko bang mahulog sa kanya? I have no control over my feelings. Hindi ko namang madiktahan ang puso ko. Wala, e. Kusa itong tumibok para sa kanya.

          He kept on chanting, "this is not good, this is not good." And I don't know, kasi dahil doon, nasundan 'yong luha ko kanina nang ilan pa. Sobrang sakit pala talaga 'pag ang taong gusto mo, ayaw sa 'yo.

          Tumayo ako at hinawakan ko 'yong braso niya na nagpatigil sa kanya sa paglakad.

          "Bakit naman hindi pwede? Tell me Derick, bakit?" I know, nagmumukha na akong desperada rito. I should've stopped the first time he said no. Tama na 'yong hanggang doon.

          Sobrang martyr ko na yata at tinanong ko pa iyon. Siguro gustung gusto kong sinasaktan 'tong sarili ko. Baka kasi sakaling magising pa 'yong puso ko. Baka sakaling tumigil na ito sa pagtibok para sa kanya kung nasaktan na ito ng sobra. Pero bakit mukhang hindi nman yata? Mas lalo lamang itong umaasa.

          Tinanggal niya 'yong pagkakahawak ko sa kanya at nagbuntong-hininga. Maybe, I really have gone crazy. Nilagay niya ang kamay niya sa noo niya at minasahe ito.

          "Ayokong gamitin ka, Dyn. Ayokong manggamit ng iba, lalo na 'pag ikaw. Mali iyon. Hindi dapat gano'n."

          Isa pa ito sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko siya—he has a kind heart. Mabait siya. But not kind enough to think he also has to take care of his heart. Hindi naman niya pwedeng hayaan na lang itong masaktan sa tuwing nakikita niya ang taong mahal niya na may kasamang iba.

          "At itong nararamdaman ko, itong nararamdaman ko para kay Gwen, Dyn, ayokong mabago. Ayokong mag-iba."

          He has to save his heart. But I don't think he can do that. Kasi wala na sa kanya ang puso niya. Binigay na niya 'to sa iba. That's why I'm here. I'm willing to offer him my heart. I won't hurt him.

          "I'm sorry, Dyn."

          I should stop, right? Dapat ay tumigil na ako. He doesn't want my help. He doesn't want to be saved. Fine by me. But a sorry can't and won't change anything. Hindi 'yan mababago ang nararamdaman ko para sa kanya. Just 'cause he rejected me doesn't mean I'll stop. Hindi ako titigil. Tanga na kung tanga pero ipagpapatuloy ko pa rin.

          Pinunasan ko 'yong luha ko and tried to compose myself. Hindi pa ako susuko.

          "Okay. Ayaw mong mabago 'yang nararamdaman mo para kay Gwen? Sorry, Derick, pero ayaw ko rin kasing mabago 'tong nararamdaman ko para sa 'yo. I won't stop until you become happy. I'm sorry if I'm being too persistent but I just don't want to see you in pain anymore."

          I've gone this far. I may be desperate but I won't back down just 'cause he said so. Gagawin ko ang lahat para sumaya siya dahil ayaw kong nakikita siyang nasasaktan.

          Pagkatapos kong bitawan 'yong mga salitang 'yon, iniwan ko na siya. Hindi pa naman ako ganun ka-masokista para mag-stay pa roon sa tabi niya. I'll give him time to think. Baka sakaling magbago pa iyong isip niya. I'm willing to give him a second chance. Kahit ilan pa.

          Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya. Pero naiintindihan ko siya. We're both hurting. Kung pumayag lang siya, pwede nang matigil 'tong sakit na 'to. If he only gives his self a chance to move on...

          Dumaan muna ako sa CR para ayusin ang sarili ko, ayokong makita nilang kagagaling ko lang sa pag-iyak. Baka kung ano na naman ang sabihin sa akin. Ayaw ko ring usisahin pa ako ni K. Paniguradong hindi 'yon titigil sa katatanong sa akin kapag nakita niyang namumugto ang mga mata ko.

          Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa classroom. Derick was already there. Naka-upo at nakakunot ang noo. He's still probably thinking about what I said. Sana lang ay maunawaan niya kung ano 'yong gusto kong iparating. Kung bakit ko 'to ginagawa.

          Nang pagpasok ko agad naman akong nilapitan ni K. "Saan ka pa ba pumunta at ang tagal-tagal mo? Sabi mo sa CR ka lang. Sumakit ba tiyan mo o ano?"

          Napailing na lang ako sa mga tanong niya. I'm glad she didn't notice my eyes 'cause explaining to her would be difficult.

          "Diyan lang," sagot ko na lang at mabuti na lang talaga at hindi na siya nangulit pa.

          Napatingin ako kay Derick at nakitang nakatingin din siya sa akin. Nginitian ko na lang siya bago pa man ako bumalik sa upuan ko.

          I won't give up on you, Derick. Nasasaktan ka nang dahil kay Gwen. Tutulungan kita para matigil 'yan. I'll help you, even if it means using me. That's okay. I'll do anything for you 'cause I love you. Sana lang ay tanggapin mo 'yon.

Shattered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon