Chapter IX

901 11 0
                                    

After noong araw ng game nila Derick napansin kong mas naging sweet siya sa akin. Parati niya akong sinasamahan. Pinanood pa nga niya ako sa game ko kanina. Para bang bumabawi siya.

Pero bakit biglang gano'n? Ang naiisip ko, ginagawa lang niya ang mga ito dahil nagui-guilty siya sa nangyari kahapon. Na ginagawa lang niya ang mga ito, para matakpan 'yong kahapon. I should be happy, right? Kasi, at least nage-effort siyang itama 'yong mali niya.

Masaya rin naman ako e. Sadyang nalulungkot lang ako dahil alam kong siya at siya pa rin hanggang ngayon. Pero ano ang ginagawa ko, still accepting him kahit alam kong masakit na.

"Mukhang malalim ang iniisip mo a?" Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

  'Yan, parang gan'yan. Napapadalas na rin 'yong paghawak niya sa kamay ko, though, it's not a bad thing. Nagiging touch na siya.

          "Hindi naman. I'm just trying to remember something." Kumunot 'yong noo niya.

          "Ano naman 'yon?"

           I shook my head. Wala naman talaga. That was just my alibi. Ayaw kong malaman niya kung ano ang naiisip ko.

          "Wala, wala. Tara, kain?" Pagwawala ko sa usapan. Tumayo ako pero naupo lang siya roon dahilan upang magkahiwalay 'yong mga kamay namin.

          "Mamaya na. Dito muna tayo."

          Wala na akong ibang nagawa kung 'di ang naupo ulit sa tabi niya. Bakit pa ako aangal? Siya na 'yong nag-suggest.

          Bigla na lang siyang humiga sa lap ko at kinuha 'yong kamay ko. Nagulat ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na ganito siya ka-PDA. Hindi ko nga alam na ganito pala siya, na he is so sweet.

          I don't understand bakit ayaw ni Gwen kay Derick. Nasa kanya na yata lahat ng hinihingi ng babae sa isang lalake. It's not that I don't want her for my cousin... Sadyang nagtataka lang ako dahil si Derick naman ang mas nauna kaysa kay Kent. She could've fallen in pove with Derick if she just gave him a chance.

          "Saturday bukas. Do you have plans?" he asked me while playing with my hands.

          "Wala naman."

          "Then let's go out." Bumangon siya at tumayo. He reached for my hand and pulled me up.

          "Okay." See that's Derick's effect on me. Walang tanung tanong ay papayag ako sa kung anong gusto niya. Pero ako pa ba ang magpapakipot? Siya na itong nag-aya.

          "Let's go eat. Baka gutom ka na." 'Di na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lang siyang hilain ako papunta sa canteen. Gutom na nga ako, kanina pa.

          Pinaupo niya lang ako sa isang table at siya na 'yong nag-order ng kakainin namin. He didn't even ask me what I wanted to eat. Siya na raw bahala.

          I scanned my surroundings. Ang iingay nila. Buti na lang 'di na nila kami masyadong pinagtitinginan ni Derick.

          Nakita ko si Kent na kumakain sa isang table. Pero, ba't siya mag-isa? Hindi niya yata kasama si Gwen? Parati naman silang sabay na kumakain ng lunch. Ngayon lang hindi. I tried to look for Gwen around pero wala naman siya.

          Aba! Himala yata at hindi sila magkasama?

         Tatayo na sana ako para puntahan si Kent saglit pero dumating na si Derick.

         "O, sa'n ka pupunta?" sabi niya habang nilalapag 'yong mga pagkain namin sa table.

          "Ha? Ewan ko nga rin e. Ba't nga ba ako tumayo?" sabi ko na lang at naupo ulit. See how I suck at giving excuses?

           Nevermind. Baka busy lang talaga si Gwen. Or baka may kailangan siyang gawin.

          "Ikaw talaga. Kain na nga lang tayo. Gutom lang siguro 'yan."

          Pagkatapos naming kumain ay inaya niya akong maglibot libot sa mga booths. Napadpad kami sa mga may laro.

          Meron 'yong Pop the Balloons. Wherein 'yong mga balloons ay nakadikit sa board at kailangan namin silang i-dart para pumutok. 'Yong prizes nila ay maliliit na stuff toy.

          "You want to play this game?" tanong sa akin Derick.

          Tiningnan ko 'yong mga balloon. Kaya ko naman pumutok ng mga 'yan, 'di ba?

          "Okay lang," sagot ko.

          Lumapit na kami ng husto sa booth na 'yon at nagbayad. Dalawa kaming maglalaro. Binigyan kami ng tig-lima kaming darts.

          "So, ang main prize po natin dito ay 'yong maliit na stuff toy. For you to be able to claim one, you'd have to pop five balloons."

          So dapat lahat ng darts namin may maputok.

          Pinauna ako ni Derick. Sa una kong tira, meron naman akong natamaan.

         "Yes!"

          "Nice!" puri ni Derick at tsaka kami nag-apir.

          I was able to pop another two balloons with my second and third darts. Pero sa pang-apat at panlima ko na, doon na ako sumablay.

          "Ano ba 'yan! Sayang," sabi ko.

          Nang si Derick na, walang kahirap hirap na nakaputok nga siya ng limang balloons. Ni hindi na nga yata niya ni-sight 'yong mga target niya e. Basta tapon lang siya nang tapon nung mga darts.

          Napapalakpak na lang ako dahil sa bilib sa kanya. How the hell did he do that? Sabagay at basketball player siya.

          Syempre at nakuha niya 'yong maliit na stuff toy. Habang ako, binigyan lang ng isang Nova para sa tatlong balloons na naputok ko.

          "Here, it's yours," sabi niya at tsaka inabot sa akin 'yong stuff toy.

          "Hala, seryoso ka?" alanganin kong tanong at tsaka tinanggap 'yong stuff toy.

          "Sure. I'm not really into that kind of stuff, anyway." He shrugged.

          Sunod naming nilapitan 'yong iba pang booth na may iba't ibang games. May balak pa yata si Derick na subukan lahat. Sinubukan din namin 'yong booth kung saan may mga lata na ginawang pyramid at kailangan mo 'yong patumbahin gamit ang dalawang bola ng tennis.

          Magsisimula na sanang bumato si Derick nang bigla mag-ring 'yong phone niya. Kinuha niya 'yon mula sa bulsa niya bago sinagot.

          "Wait lang ha?" sabi niya at medyo lumayo na kaunti. "Oh, Aero! Napatawag ka?"

          Pinanood ko na lang siya habang nanatili lang ako sa pwesto ko. Busy siya sa pakikipag-usap sa telepono pero nagawa pa rin niyang paglaruan 'yong tennis ball na hawak niya. Tinatapon tapon pataas at tsaka sasaluhin din lang.

          Bukas pa iyong paglabas namin, first day out namin. Pero pakiramdam ko ngayon na 'yon. Hindi lang niya alam kung gaano na niya ako napapasaya ngayon. Sa school pa lang 'to ah? Paano na lang kaya bukas?

Shattered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon