This chapter is dedicated to "Alcasera" ;) Enjoy! :D
"ANO?!" sigaw ko. Diba nga OA akong tao, eto naman kasi si yaya bigla-biglang tatawag at parang damang-dama nya ang kaba!
"Wala lang, hahaha. tinatakot lang kita princesa. Umuwi ka pagkatapos ng school mo ha! Bye ;*" Sabi ni yaya cherry sabay baba ng cellphone nya.
Kinabahan talaga dun, medyo taklesa rin kasi yan si yaya cherry. Pero mahal na mahal ko yan. Di ba nga parang sister ko na yan.
Habang naglalakad kami, nagsasalita ako (kakausapin ko sana si forever) "Forever?" walang sumasagot "Forever? Kausapin mo naman ako. Ano bang nangyari sayo?" Isa pang sabi ko. Pero wala paring sumasagot sakin. "Hoy. Forever?" Sigaw ko.
"Miss?" Kalabit sakin ng isang lalaki. "Wag kanang magsalita baka mapagkamalan kang baliw. Ang ganda mo pa naman." Sabi nung lalaking hindi ko naman kilala.
"Huhh?" sagot ko. "Wala ka naman kasing kausap miss e." Tipid nyang sagot sakin. "Ayy punyemas." Sabi ko sa sarili ko.
Wala na pala si forever, asan nayung babaitang yun? Ba,t kaya sya umalis?
Hanggang may nakita akong papel na nakadikit sa pinaka damit ko.
"Forever? Sorry kung hindi kita sinabihan. I really need to go, hindi ko na kaya. MagWiwidraw lang ako, sobrang sakit na e."
Natawa nalang ako sa nabasa ko. Eto talaga si forever, kaya siguro kanina pa tahimik yun e. kailangan na magwidraw. Hahaha!
Habang naglalakad naman ako palabas ng campus, may nakita akong babaeng nakaupo sa sahig at nakalaglag lahat ng gamit nya sa sahig. No choice kundi tulungan ko sya. "Miss okay kalang?" Tipid kong sabi sakanya.
"Ahh okay lang ako. Salamat nga pala" Sagot nya sakin. Sabay tanong ko na rin kuyng sino ang may gawa nito sakanya.
"Si Patrick, yung bully dito sa campus." Sabi nya, kilala ko si patrick. Isa syang bully dito sa campus namin. Kilala ko na yun naging classmate ko ba naman yun nung Grade8 ako e.
Buti nalang hindi na ako binubully nung mokong na yun. "Ahh sige eto na ang mga gamit mo. Ano nga pala ang pangalan mo?" Sabi ko sakanya. "Ahh, Charrise. Charisse ang pangalan ko. Ikaw?" Sagot nya.
"Ako pala si Sarah Cruz, bago kalang ba dito?" Sabi ko. "Oo bago lang ako dito, sya nga ang una kong nakilala dahil nagpakilala pa sya sakin at sabi nya bully daw sya dito sa school."
Hanggang sa humaba ng humaba ang usapan namin, may sumigaw na naman ng Forever sa likod ko.
"Forever?" Sigaw ni Jhoanna. "Ano tapos ka ng magwidraw?" Tanong ko sakanya. "Oo forever. Hahaha tara uwi na tayo." Sabi nya. nagbabye na ako kay charisse.
habang pauwi na kami, nagring nanaman ang cellphone ko. "KRINGGGG!!! KRINGGG!!". "Hello/" sabi ni yaya cherry. "Bakit ya? Nasunog ba ang bahay? nagiba ba ang kisame? Ano sabihin mo dali, Para makauwi na ako?" sabi ko.
"Ang OA mo prinsesa. May sasabihin kasi sayo ang daddy mo at mommy mo sayo, importante daw." Sagot ni yaya. "Ano daw yun?" Tipid kong sagot. "Basta daw umuwi ka nalang tsaka mo malalaman." Sagot ni yaya.
Sabay baba ng phone nya.
Ano bang meron, hindi pa naman birthday ko haa? Parang ang aga ng surprise nila. Ano ba talagang meron, may kapatid na ba ako? Bat parang kinakabahan ako sa sasabihin nila daddy at mommy.
Hanggang sa nakauwi na ako at si Forever, pagpasok ko. Nakita kong nakaupo silang lahat sa sofa namin. Yung parang... basta ang hirap iexplain. "Sarah may kailangan kang malaman.
"Sabi ni daddy. "Ano po yun?" Sagot ko. "Pupunta na kami ng states ng mama mo. Tuloy na ang plano namin." Sabi ni Daddy.
"Ahh sige po." Tipid kong sagot.
Naalala ko na nagplano nga pala sila last year na pupunta sila ng states na hindi ako kasama, may gagawin nga pala sila dun.
At ng umakyat na ako. naisip ko na kaming dalawa nalang ni yaya ang matitira sa bahay hanggang makatapos ako ng pagaaral. Isang taon payun, ano yun isang taon akong nganganga? Ayoko ko nun madami pa akong pangarap na gustong tuparin. pano na future ko.
At lalong-lalo pano na AKO?
Hindi ako makatulog nun. Bigla pang tumawag si Forever, "Forever?" sabi nya sakin. kunwari wala akong narinig at kunawari walang boses akong naririnig.
"Hello, hello, hello?" Sabi ko. sabay baba ng phone ko. ayoko kasi muna ng kausap lalo ng ngayon, gusto ko munang magisip.
Pano na talaga AKO? Mabubuhay pa ba ako kung wala na sila? Pano ako makakapagaral, wala na akong inspirasyon? (Ang OA ko talaga)
Hanggang sa natulog narin ako, andami ko kasing iniisip e. Kaya late nako nakatulog.
"Wake up Sarah." Sigaw nina Jhoanna at Rain. (Si rain nga pala ay bestfriend ko rin, kaso sa section 1 sya kaya hindi namin sya nakakasabay)
"(Yown) Mamaya na." Sagot ko. "Pero malelate tayo sa physical activities" sabi ni Forever.
Anong physical activities ang pinagsasabi nitong si forever? Wala naman akong sports haa? Baliw nanaman ba to?
"Papagalitan tayo! Tara na." Sabi ni Jhoanna. "AYYYY!" Sigaw ko. Naalala ko na, may pe pala kami ngayon. Volleyball pa! Papagalitan ako ni Ms. Diaz pag nalate nanaman ako.
Agad-agad akong kumilos. Ako nga si Bolt diba, hanggang sa inabot kami ng 30 mins. Finally nakaalis narin kami.
Habang nasa kotse kami ni Rain, (Mayaman to sina rain e) may kausap tong si Forever sa cp nya. "Okay lang yan, ako bahala sakanya. Sabihin mo, sige bye." Ayun lang ang narinig ko.
"Sinong kausap mo Forever?" Sabi ko sakanya. "Wala yun." Tipid nyang sagot.
Parang may something tong si forever na hindi ko alam? Ano bang pwede nyang itago sakin? Naging loyal naman ako sakanya ha? Ba't parang meron akong nadadamang mali sakanya?
Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa school.
"Hey girls? Nandito na tayo." Sabi ni rain. Pagbaba namin, may kumpol kumpol na tao sa may lobby. So pinuntahan namin. (Tsismosa kaya ako.)
Pagkapunta namin parang may lalaking nasa gitna, pagkatingin ko parang familiar yung mukha nya. "Si cedric bayun?" Sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko kasi talaga makakalimutan yung ginawa nya kay Jhoanna e. Bastos na bata! Ika nga.
"Cedric akin ka nalang" sabi nung isang girl. "Akin yun amisyosa ka!" Singit nung kasama nya.
Ano bang meron dito kay cedric na to? Pinagkakaguluhan pero ang sama naman ng ugali.
Habang papalakad kami sa room, "HALA!"
BINABASA MO ANG
Follow your dreams CANCELLED
Roman pour AdolescentsHindi na kaila sa tao ang madaming pangarap, meron lang talagang hindi pwedeng tuparin.