Chapter 1

358 6 0
                                    

"So, let's go?" tanong ni Oliver samin. Tumango naman si Kiya.

"Wait... Uhm, Kiya... this is Owy, my brother." -Oliver

"Hi Kiya! I'm Owy Posadas! Nice to meet you Kiya." sabi ni Owy kay Kiya,  "Wow Kuya! You're right! She's pretty!" bulong ni Owy kay Oliver. NARINIG KO EH! PAKI NIYO BA?!  =_______=

"Hi.  ^______^" bati ni Kiya kay Owy.

"Tara na?" aya ko sa kanila.

"Gora na!" sigaw ni Owy.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ully.

"Sa Mall lang Kuya. Sama ka?" tanong ko.

"Ah. Hindi na. Busy ako eh! Sige, ingat na lang kayo." sabi niya samin.

"Babye Kuya!" paalam ni Owy.

"Apat lang kayo sa grupo?" biglang tanong ni Kiya. Ngayon ko lang kasi talag siya sinama sa practice namin. At si Oliver lang at ako ang kilala niya sa Chicser.

Kung nagtataka kayo na kung paano niya nakilala si Oliver, dahil yun sa twitter. Nung minsan kasing gumala siya sa bahay, kinalikot niya yung phone ko, specifically, yung Twitter ko. Sakto namang nag-tweet si Oliver, kaya ayun! Tinignan niya yung profile ni Oliver. Hanggang FB hindi niya pinalampas.

"Anim kaming lahat. You didn't know?" tanong ni Oliver.

"Ah. Hindi eh. Ikaw nga lang tsaka si Ranz ang kilala ko sa Chicser eh." sabi ni Kiya kay Oliver.

"Really? Hahaha! Paano mo ko nakilala?" tanong ni Oliver kay Kiya.

 *****

"Pst!" napatingin ako sa gilid ko.

"Bakit?" tanong ko kay Owy.

"Bagay si Kuya tsaka yung best frined mo." sabi sakin ni Owy. Nahuhuli kasi kami mag-lakad.

"Tch! Hindi kaya." sagot ko kay Owy.

"Bagay kaya! Pustahan tayo, darating ang araw na mahuhulog ang loob ni Kuya dyan. Tapos, MAGIGING SILA. Oh dba!" sabay akbay sakin ni Owy.

Magiging sila? Hah! Hindi ako papayag! Pero... ano bang laban ko? Hindi nga ko makaamin sa kanya eh. Tsaka, may mangyayari naman kaya kung aamin ako? Ayokong mahiwalay sa kanya. Ayokong mawala yung FRIENDSHIP namin na pinagkaingat-ingatan ko.

 "Hindi rin! Tch! Ano ba naman 'yang mga sinasabi mo Owy!" sabay batok ko kay Owy.

"Aray naman! Kailangan talaga nambabatok pa?! May gusto ka siguro sa best friend mo." sabi ni Owy.

"WALA AH!" napalakas ang sigaw ko.

"Maka-sigaw naman Ranz!" biglang sabi ni Kiya.

"Eh si Owy kasi eh!" sabi ko habang tinuturo ko si Owy.

"Bakit ako? Eh sinabi ko lang naman na baka may gusto ka kay—" tinakpan ko yung bibig ni Owy para hindi niya matuloy yung sasabihin niya. Lintek! Mabibisto pa ko ng di oras!  =________=

"Kay? Kanino Owy? Sabihin mo bilis!" pangungulit ni Kiya kay Owy.

"Ahh... Ehh... Hindi ba nagsasabi si Ranz ng ganun sayo?" tanong ni Owy.

I LOVE YOU BEST FRIEND (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon