Chapter Five
Lumipas ang ilang araw at hindi talaga ako kinausap ni Liun, mas mabuti ngang ganoon at para malayo ako sa gulo
Kakatapos ang aming exam kaya wala kami masyadong ginagawa at ilang araw na lang ay summer na kaya walang magagawa dito sa skwelahan kundi magpa sign ng clearance
Nakatambay kaming magkakaibigan sa isang bench ngayon at nag kwekwentuhankasama ngayon nina Bria at Pyra ang jowa nila, which is barkada ni Liun at laking pasalamat ko at si Darwin ang kasama nila
Vincent, jowa ito ni Pyra. Ilang years niyang niligawan si Pyra dahil strict ang parents ni Pyra, kaya sinabi niya kay Vincent na magpapaalam muna siya.
Two years ang umabot sa ligawan nila bago sinagot ni Pyra si Vincent, open sila pero palagi pa rin silang kinakausap ng mga parents nila para mapagsabihan ng maayos
Lance, jowa ni Bria hindi gaya nina Vincent at Pyra months lang ang ligawan part nila. Marupok "daw" kase si Bria sabi ni Pyra. Palagi nila iyong pinag-aawayan
Ewan ko sa kanila, hinahayaan na lang namin ni Eqi iyong bangayan nilang dalawa
Sumandal ako sa balikat ni Darwin dahil pagod na pagod ako
Wala ako sa mood para maging masaya dahil nga pagod ako kaya ipinikit ko muna ang aking mga mata para makatulog ng kahit kaunti lamang
"Dar, tulog muna ako" sabi ko
Tumingin sa akin si Darwin at tumango
"Okay ka lang?" tanong niya
kitang kita sa mga mata niya ang alala kaya tumango ako
narinig ko pa silang tumatawa hanggang sa wala na akong narinig kahit ano
Papasok ako ngayon sa skwelahan ng may humarang sa akin na mga babae. Hindi ko sila kilala. Papasok ako bilang second year high school. Ngumiti sa akin ang babae at linagpasan ako. Tumingin ako sa likuran ko kung saan may natanaw akong lalake. Sumulyap siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti rin ako pabalik
Nakita ko iyong mga kaibigan ko at pumunta ako doon para makipag kwentuhan. Hindi ko makuha kung ano ang topic nila pero noong nakita ko ulit iyong lalake na ngumiti sa akin tumili sila. Nakakunot noo akong humarap sa kanila
"Bakit kayo tumili?" tanong ko sa kanila
Nagtuturuan pa sila kung sino ang magsasabi sa akin pero si Bria ang nagpresinta
"Si Eyi, hindi mo kilala?" tanong nila
Nagtataka kung sino iyon dahil wala akong ibang kilala dito na iyan ang pangalan
"Sino ba iyon?" tanong ko
Ngumiti sila sa akin
"Iyong lalakeng dumaan kanina dito, si Eyi Deither Demonteverde, may mga kapatid siya na sina Fidel James at bunsong babae na si Kathleen Alexis Demonteverde. Pinsan din siya nina Eqi Lariel at Liun Israel Demonteverde. Kaka transfer niya lang at balita matalino at hulaan mo ang daming nagkakagusto sa kanya agad. Akalain mo iyon iba talaga ang mga Demonteverde." sabi niya na may pasigaw sigaw pa
Umirap ako dahil sa kanyang sinabasabi
Bigla akong nagising dahil sa mas umiingay na kwentuhan nila
Iyong panaginip ko ang unang kita ko kay Eyi at aaminin ko malakas talaga ang kanyang tindig
Para siyang action star na gwapo at malalaki ang mga katawan. Mga babae ang humahabol sa kanya
Natatawa na lang ako dahil minsan nakikita ko kung gaano siya naiirita
Nakasandal pa ako kay Darwin at tuluyan akong nagising noong nakita ko si Liun sa aking harapan at may kasamang babae na katabi ni Eqi ngayon
![](https://img.wattpad.com/cover/177110574-288-k247875.jpg)
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love (Demonteverde Series #1)
RomantikTaong nanloko sa'yo ng ilang beses o ang taong nakalimot sa'yo? Sino ang bibigyan mo ng pagkakataon?