Chapter 10

56 1 0
                                    

Chapter Ten

"Ang sabi ko Oo. Oo ang sagot ko sa tanong mo noon" ani ko ulit

Nagtataka pa rin siya at nagsalita

"Hindi kita maintindihan. Sabihin mo na lang ng buo" ani niya

Napailing iling ako at napangiti sa kanyang inaakto

"Sinasagot na kita Liun" ani ko

Nabigla siya sa aking sinabi at niyakap ako ng mahigpit.

"Yes" ani niya sa akin

Sa sobrang saya niya ay tumalon-talon pa siya at binuhat ako. Napangiti ako dahil ito lang pala ang makapagbibigay saya sa kanya

Naging masaya kami sa araw na iyon ni Liun. Mas may karapatan akong magalit sa kanya tuwing nahuhuli ko siyang nambababae. Alam ko naman na iyon dahil una sa lahat gwapo siya at alam kong babaero siya pero nagagalit parin ako dahil akala ko kontento siya sa akin

"Ra, sorry na" pagmamakaawa niya sa akin

Ra iyong nickname niya sa akin dahil daw mahilig ako sa rambotan which is true naman

Humihingi siya ng paumanhin sa akin dahil nahuli ko siyang may katext na iba. Iyong feeling niya single siya kung makaharot. 1 month palang kami mag two two months na.

"Ba naman eh diba sabi ko sa iyo may trust issue ako. Bakit hindi mo sa akin sabihin na ganito man lang. Ra may nagtetext sa akin anong gagawin ko? o diba? madali lang pero imbes na sabihin sa akin nilandi mo pa" mejo kalmang sabi ko sa kanya

Ba. as Banana, banana is one of his favorite fruit kaya ayon iyong nickname niya.

"Pag sinabi ko naman sa iyo baka mas lalo ka namang magalit kaya mas minabuti ko na lang na huwag" aniya

Ako'y nagtitimpi na at gusto kong sumabog dahil sa galit

"Paano mo malalaman na magagalit agad ako kung hindi mo man lang sinubukang sabihin. Kung sinabi mo ng mas maaga edi sana hindi na lumaki pa ito. "

Kanina kase habang kumakain kami eh ano may nagtetext at tumatawag sa kanya pero hindi naman sinasagot ito ni Liun. Kaninang pumunta siya sa cr nakita kong umilaw iyon kaya hindi ko napigilang tignan at nakita ko ang isang message doon.

Isabela:
Hi baby, wanna hang out tonight?

Iyan ang text kaya naman hindi ko na napigilang magalit dahil sa nabasa. Take note one month palang kami ni Liun at may ganito ng nangyayari. Parang hindi ata mauubusan si Liun ng babae. Nakakainis

Ang sabi naman niya kaibigan niya raw ito dati at baby daw talaga tawag niya kay Liun and what? Sino maniniwala doon? Hindi ako tanga no. Hindi sobra, may pagkatanga lang pero hindi to the point na niloloko ka na nga nagpapakatanga ka pa. Hindi ako ganoon.

"Sorry na, hindi na mauulit" sabi niya at niyakap ako

Niyakap ko rin siya.

"Sabi mo a" bilin ko sa kanya. Agad siyang tumango at hinalikan ang aking noo

"Sige hindi kita pinagbabawalang makitext sa babae ha. Pero huwag kang maglihim at lagi mong sasabihin kung may nangungulit sayo para magawan natin ng paraan iyan, oks?" sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya

"Oks" ani niya at ngumiti. Nagtawanan kami dahil sa aming pinag gagawa.

Nagyayakapan pa rin kami ng biglang inalis ni Liun ang yakap niya sa akin

"Lyna, date tayo" ani niya bigla sa akin

Wait ha. Kung babawi ulit ito huwag na. Andami dami pa naming ginagawa. Naglilinis kase kami dito sa bakuran dahil weekend naman at tsaka medyo gabi na rin.

"Liun naman medyo gabi na bukas na lang" sabi ko

"Lyna, saglit lang ito okay? Kakain lang tayo sa labas pagkatapos ihahatid kita dito sa bahay niyo mismo" ani niya muli

Dahil kakain lag naman kami sa labas eh napapayag ako ni Liun. Kasalukuyan kaming nasa restaurant malapit sa amin para mabilis niya akong maihatid sa bahay. Ang inorder ko ay spaghetti at ang kanya naman ay carbonara.

Habang naghihintay kami ng pagkain busy si Liun sa kanyang cellphone kaya nagtaka naman ako.

"Liun, anong ginagawa mo sa phone mo?" tanong ko

Pagkabaling ni Liun sa akin ngumiti lang siya at pinakita ito sa akin

Nakita kong mukha ko iyon ngayon mismo at nakita ko ring ginawa niya iyong wallpaper. Ngumiti ulit siya sa akin

"Akala ko iba na naman" sabi ko kunwari nagtatampo at nag pout

Masaya kami ni Liun habang kumakain dahil sa mga kwento niya.

"Naaalala ko pa noong pumunta ako sa cr ng girls at nagkunwaring multo at andaming natakot. Halos may madapa na sa sobrang takot ng mga babae" kuwento niya sa akin

Hindi ko mapigilang matawa at the same time maawa sa mga babae dahil sila ang napagtripan nito dahil sa dare. Para ngang hindi sila kumukuha ng pagkadoctor dahil sa mga katarantaduhang ginagawa nilang magbabarkada.

Tawanan kami ng tawanan hanggang maumay kami kakatawa. Napag-usapan naming umuwi na dahil medyo gumagabi na.

Andito na kami sa bahay ng napansin ko na parang may iniisip si Liun.

"Anong iniisip mo?" tanong ko dahil parang ang lalim ng iniisip nito.

Bumaling siya sa akin at ngumiti ng pilit.

"Wala" aniya at lumabas na ng kotse at pinagbuksan ako. Ngumiti ako pabalik sa kanya kahit alam kong hindi siya okay

"Liun, alam mo naman na andito lang ako lagi sa iyo diba? ano man ang problema mo andito ako lagi. We are partner remember? kaya magsabi ka lang sasamahan kita" ani ko sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya

Hinalikan niya ang aking noo at hinarap ako.

"Ly, ano man ang mangyari hindi kita iiwan. Ano man ang nagawa kong mali sana matanggap mo ako dahil lagi kitang mamahalin Lyna. Isa ka sa mga babaeng importante sa buhay ko at alam mo iyon kaya pumasok ka na Ly. Wala akong iniisip na problema, oks?" aniya kaya tumango na lang ako sa kanya dahil alam ko naman na pagdating ng panahon at pag ready na siyang mag open up sa akin ng mga problema niya gagawin niya para gumaan ang pakiramdam niya at pakiramdam ko. I am always there for him. My ears are ready to listen.

Pumasok na ako sa bahay. Nakahiga na ako sa kama ko ng handa na akong matulog umilaw ang cellphone ko kaya binuksan ko ito.

Liun:
Babe, ra I love you, always remember that. mwaphs good night!.

Iyan ang text ni Liun. For the first time niya akong tinawag na babe at hindi ko inakalang may ganitong side si Liun na sweet siya. At akala ko ang pangit pakinggan o basahin ang babe pero parang sa kanya ang ganda pakinggan o basahin. Nakakangiti

Me:
Babe huh? Ba, I love you too. mwaphs good night din.!

Humiga na ako at matutulog habang may ngiti sa'king labi.

The Forgotten Love (Demonteverde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon