Chapter 11
Summer na kaya ngayon ay nandito kami sa mall para bumili ng swimsuit dahil napag-isipan ng aking mga kaibigan na mag boracay
Sinundo ako nina Liun kasama si Eqi para raw hindi sayang sa gas.
Sina mama ay uuwi next next week kaya okay lang na gumala ako dahil summer naman. Napag-usapan naming magkakaibigan na magkita-kita na lang kami sa mall. Hindi ko lang alam kung isasama ba nila ang barkada ni Liun dito sa mall.
Si Darwin hindi makakasama dahil daw may gagawin. Hindi ko na tinanong kung ano iyong gagawin niya dahil baka importante kaya intindi namin siya.
"Andito na sila" ani ni Eqi sa amin
Mag-isa tuloy si Eqi dahil sinama nga nila ang kanilang jowa which is barkada ni Liun kaya hindi siya maboboryo.
Bukas. Flight namin papuntang Boracay at 2nd monthsary namin ni Liun. March 2, 2020 nang sagutin ko siya. ngayon May 2 na at balak ko sana siyang bigyan ng regalo pero hindi ko alam kung dapat pa ba kase nasa kanya naman na lahat. Bahala na. Huwag na lang
Pinapapipili ko si Liun ngayon kung anong swimsuit ang pwede sa'kin pero hanggang sa ngayon wala pa siyang napipili
Nang nakapili na si Liun umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin kaya nagtaka ako. Pumila ako para mabayaran na ang aking binili pero pagkarating ko roon ay may nakaharang na ice cream sa mukha ko. Tinanggal ko iyon at nakitang si Liun ang nagbigay. Corny naman.
Napagdecide'n kong pumunta na kina Eqi dahil wala naman na akong bibilhin
Tapos na pumili si Eqi pero ang dalawa hindi pa. Pumunta na rin si Eqi sa cashier para magbayad pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
Ang mga lalake ay magkakasama na. Pinasama ko na rin si Liun para naman hindi siya mabored dito.
Nag-uusap kami ni Eqi nang bigla niyang banggitin ang pangalan ni Eyi.
"Im sorry, Lyna" ani niya
Nagtaka ako
"Bakit?" tanong ko
"Nasabi ko kase sa kanya na pupunta tayong Boracay kaya ayon gusto niya raw sumama at isasama niya si Grace" paliwanag ni Eqi
Tinapik ko ang balikat niya at nginitian ko siya para maipakitang okay lang kahit hindi naman.
Hindi sa kadahilanang hindi pa ako nakakaget over sa kanya kaya ayaw ko siyang sumama. Dahil lang ang awkward lang na kasama siya but that is okay, nauna kaming naging magkaibigan bago naging magpartner I think I can handle it.
At isa pa nandoon si Liun so I think hindi ko naman siya mapapansin lagi. Right Lyna. That is right.
A memory came to my mind thinking what might happen tomorrow
"Lyna, Lyna" may humahabol sa akin at hindi ko siya pinapansin
Deretso pa rin ako sa paglalakad. Bigla niyang hinigit ang braso ko at sumigaw sa harap ko
"Lyna!" iyong pangalan ko ang sinigaw niya sa harap ko " can we be friends?" tanong niya kahit hinihingal pa siya
"okay" ani ko " But I'm sorry nagmamadali ako" paliwanag ko
Tumango siya
"Okay lang, text kita ha?" aniya at umalis na
Natulala ako for 30 seconds tapos pumunta na sa dapat puntahan
"Lynaaaaaaaaa!!!" sigaw ni Eqi sa akin na ikinagulat ko
Tinignan ko siya ng masama
"Ano ba?" ani ko medyo nairita
Tinignan din ako ni Eqi ng masama
"Aba! galit ka pa. Duh tapos na mamili ang dalawang bruha at kanina ka pa namin tinatawag at tulala ka diyan for 30 seconds. Bruha ka, tayo na at kakain na tayo" aniya at nauna ng naglakad
Nagpunta kami sa restuarant na dapat naming puntahan dahil nandoon na ang mga lalake. Pagdating namin doon nakaupo sila sa pinareserve nina Eqi at Liun. Habang hinihintay ang pagkain ay nagkwentuhan kami at nagplano na sa outing namin bukas.
"Dapat may mga games tayo ha?" ani ni Bria
Tumingin ang mga lalake sa kanya.
"Ano namang klaseng laro?" tanong ni Lance na jowa ni Bria
Ngumisi si Bria na parang may balak na masayang gawin pero hindi na niya sinabi iyon. Gusto niya raw na sa mismo Boracay na niya sabihin at para raw masurprise kami
Surprise. Surprise.
Dumating na ang aming pagkain. Napansin kong mabilis kumain si Liun na para siyang nagmamadali.
"May lakad ka ba?" tanong ko sa kanya dahil sa sobrang bilis niyang kumain sasabihin mong parang may humahabol sa kanya
Tumingin siya.
"Ha? wala" aniya naman
Pinapansin ko si Liun habang kumakain dahil ang weird ng mga kilos niya. Kanina kaseng kasama ko siya okay pa naman siya. Ano may topak? Parang babae naman itong si Liun
Tumayo na si Liun pagkatapos kumain at nagpaalam na mag-ccr daw siya. Pinayagan na namin malay mo naman totoo at sadyang pagod lang kaya ganoon ang kinikilos ni bakla.
Kumain muna kami pagkalabas ni Liun sa restaurant dahil medyo marami ang pagkain na naorder at kailangan namin siyang ubusin kase sayang naman kapag hindi siya inubos. Duh, ang pagkain hindi pinupulot kaya lagi naming sinasabi na kailangan itong ubusin
Pagkatapos ay lumabas na kami sa restaurant. Nag cr iyong mga lalaki kaya hinihintay namin sila. Tinext ko si Liun at tinanong kung asan siya pero hindi siya nagreply.
Dumating na ang mga lalaki at tinanong kung asan na si Liun. Nagkibit balikat ako dahil hindi naman siya nagreply. Sinubukan nina Eqi na tawagan siya pero hindi siya sumasagot. Hinintay ulit namin siya at siya ay aking natanaw. Palapit sa amin
Nakahinga ako ng maluwag dahil akalaka ko ano na ang nangyari.
"Saan ka ba galing? Ba't hindi ka sumasagot sa tawag? Bakit hindi ka nagrereply?" tanong ko sabay-sabay
Nginitian ako ni Liun na ikinuot ng noo ko
"Ano?" tanong ko medyo iritado na
Yinakap niya ako
"May nakita lang na kakilala, napasarap ang kwentuhan kaya matagal. At dahil hindi ko nasasagot ang mga tawag ay nakasilent at nasa bulsa ko kaya hindi ko namalayan" paliwanag niya
Humingi siya ng tawad dahil daw pinag-alala niya kami. Napag-isipan na naming umuwi dahil pagod na kami kakagala. Pagkarating sa bahay ako ay nagbihis at handa na sanang matulog pero narinig kong may nagtext sa phone ko
Tinignan kong sino ang nagtext at nakitang si Liun iyon. Napangiti ako sa text niya. Hindi na ako nag reply at humiga na dahil sigurado akong maganda ang tulog ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/177110574-288-k247875.jpg)
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love (Demonteverde Series #1)
RomanceTaong nanloko sa'yo ng ilang beses o ang taong nakalimot sa'yo? Sino ang bibigyan mo ng pagkakataon?