Chapter Three
"Paalam" Eqi
"Paalam, mag-iingat kayo" paalam ko kay Eqi
Kakatapos lang ng klase namin at ang dalawa ay maiiwan daw muna at may gagawin
Iba talaga kung may jowa ka, babae ang nag-aantay sa mga lalaki ngayon
Ewan ko sa dalawag iyon, bakit kase hindi nila kami gayahin ni Eqi, walang iniintay pag-uwi edi sana makakauwi sila ngayon
Umilaw ang aking cellphone at isang mensahe ang natanggap ko sa isang tao na nakakainis
Liun:
Lyna, asan ka?me:
ano ba kailangan mo?Ang bagal talaga mag reply ng lalaking to, magtetext na nga ang bagal pa
me:
Huwag ka nga mag text kung mabagal ka mag reply!Liun:
Sorry naman, hindi ko hilig na icheck ang cellphone ko e, pero para sayo titignan ko na araw-araw. So asan ka nga?Nakakakilabot naman itong lalaki na ito kung ano-ano sinasabi
me:
pauwi na ako, naghihintay nalang ng masasakyan bakit ba?Liun:
ako na maghahatid sa iyo, hintayin mo akoNagulat ako sa sinabi niya at ang bilis pa niyang nag reply ha
Inintay ko siya, nakita ako ni Ryine at kumaway kami sa isa't-isa, biglang may bumisina kaya nagulat ako at si Liun pala iyon
Bumaba siya sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto, umikot siya at pinaandar na ang sasakyan
Tahimik kaming dalawa sa biyahe ng biglang binasag niya ito.
"Sino iyong kasama mong lalake kanina?" deretso niyang tanong
Nagtaka ako
"May nakita ka? wala naman akong kasama kanina na lalaki" sabi ko
Nagulat siya sa sinabi ko, at parang napipikon pa sa pagdepensa
"Iyong kumaway pala sino iyon" pagtatama niya
"Nakakatakot ka, akala ko may third eye ka at may nakita ka na di ko alam, si Ryine iyon bago naming kaibigan" sabi ko
"Kayo, o ikaw lang?" tanong niya muli
Nakakapikon itong lalaki na ito
"Kami nga, kulit nito" umirap ako
"Tatanungin ko mamaya si Eqi tungkol diyan, " Liun
Umirap nalang ako sa kanya
"Saan ba dito ang bahay niyo?" Liun
Sinabi ko sa kanya kung saan para hindi kami mawala
Pinagpatuloy niya ang pagdadrive at nang dumating kami sa bahay namin ay bumaba na ako at pumasok ng walang paalam
Narinig kung umandar ang sasakyan at lumayo na
Umirap muli ako at huminga ng malalim dahil ang bigat nito kanina noong nasa sasakyan pa ako
Pumasok ako sa aking kwarto at nagbihis na, binuksan ko ang account ko ng facebook at may nakita akong bago doon
*friend request- 5*
*notification-10*Binuksan ko ang friend request at nakita ko sina Liun, Ryine at iba pa na hindi ko kilala
Confirm ang pinindot ko sa dalawa habang iyong iba ay hinayaan na lang na ganoon
BINABASA MO ANG
The Forgotten Love (Demonteverde Series #1)
RomanceTaong nanloko sa'yo ng ilang beses o ang taong nakalimot sa'yo? Sino ang bibigyan mo ng pagkakataon?