Chapter 8

9.1K 163 2
                                    

And after the kissing incident ay hindi na muling nagkita sila ni Brett. Pero hindi pinalampas ng dalawang kapatid niya ang pang-aasar. She try to ignore those two, pero ang kukulit talaga.

Why are you two kissing?"

How was it?"

"Do you like him na?"

"Okay na ba kayo?"

Kung hindi pa talaga siya lumapit sa kanilang mommy ay hindi siya tatantanan ng dalawa. They are really trying to match her with Brett. "Tama na nga yan huwag na ninyong asarin si Andrea." But she saw her mom smiling with her two sisters. Halatang halata talaga na gusto nila ito para sa kanya.

Napagkasunduan nila na after the burial ay makapagbakasyon muna sila. They have all decided to go. Sa isang private resort sila nagpunta outside the city. Ang mga kapatid niya ang nag-ayos ng lahat. Meron daw silang kaibigan na nag-offer ng place.

And now that they are here in this little paradise. The perfect description of the place. White sand and blue waters. Nakahilera ang mga puno ng mga niyog sa harapan ng beach. Mayroon ding spa sa resort and some other activities such as bunjee jumping, rock climbing, zipline and of course ang favorite niya sa lahat ang infinity pool.

Meron din itong small virgin forest kung tawagin niya, na pwedeng i-explore. Sabi ng namamahala ng resort ay mayroong falls sa gitna ng kagubatan na pwedeng pagliguan. One of this day ay yayain niya ang kanyang pamilya na pumunta doon.

This place makes them closer than before. Marami na rin silang naging bonding at activities. Nakapamasyal na din sila sa ibang katabing island gamit ang isang yate courtesy of the owner. They had lunch there. Tapos sa gabi ay nagbonfire sila, and they reminisce stories about their dad.

But right now she was walking alone the shore. Sinamahan ng dalawang ate niya ang kanilang mommy na mag-spa. But she decline their offer nung niyaya siya.

She needed to think alone. Kaya ngayon gusto niyang makapag-isip. Dahil nakasalalay ang kalagayan ng kumpanya sa kanya. May mga dapat i-consider, mga tao na maapektuhan.

Maraming kasing nakadepende sa kanilang company. Maraming long term plans ang kanyang daddy para sa kanilang mga tauhan na nasa proseso pa o kaya naman ay hindi pa nasisimulan.

Kaya niya ba ang mag-sacrifice?

How about her feelings towards marriage?

Her freedom?

What if kung hindi magwork out.?

Ahh!!! Mabuti na lang the place makes her relax. Idinuduyan ng alon ang kanyang nararamdaman at pinapanatag ang kanyang kalooban. She envy the owner of this place. Gusto niya ang ganitong scenery, beautiful and serene.

Then suddenly she shivers when she feels someone staring behind her. Kaagad nagsipagtayuan ang maililiit na balahibo niya sa batok. Pero hindi takot ang kanyang naramdaman ngayon. Hindi naman basta makakapasok ang kung sinuman sa resort.

She knows him. Kaya naman dahan dahan siyang lumingon sa likuran. She wanted to hide what she feels at the moment when she turns around. Bakit kasi ang bilis ng tibok ng puso niya kapag kaharap ang lalaking ito. Hindi dapat siya ma-excite sa pagdating ni Brett.

"Kung minamalas ka nga naman oh! Anong ginagawa mo dito ha?!" Pagalit niyang tanong kay Brett.

In fairness sa ilang araw na hindi sila nagkita, hindi nag-iba ang kanyang nararamdaman. Mabilis pa rin ang tibok ng kanyang dibdib.

He still wearing his famous grin. And he was looking at her na parang hindi na siya makakawala pa. At sa mga oras na iyon parang gusto niyang tumakbo at magtago sa kanyang kwarto. Bigla naman kasing siyang na-conscious sa suot niyang two piece red bikini, kahit pa nga may manipis lang na damit ang tumatakip sa kanya.

She was used to this kind of clothing at alam naman niya na may kayawan siyang ipinagmamalaki.

Pero the way Brett looking at her right now, predator watching his prey.

"Hello to you too babe." Halata sa boses ang pang-aasar. "Someone told me to go here para naman may kasama ka." Nakangiting tugon uli ni Brett.

His smile makes every woman wanted to be his slave. Pero hindi siya papaapekto sa presensiya ng lalaki. Just because he was wearing a black board short and a white sando. And he really look hot right now. Kahit pa nga nakikita ang ganda ng pangangatawan ni Brett ngayon. Never siyang papaapekto!

Tinaasan niya ng kilay si Brett. "Well that someone, forget to inform you, hindi ko kailangan ng kasama so better go off this island!" Pagtataboy niya kay Brett.

Mukhang may idea na siya sa kung sino ang mga someone na sinabi nito. She doesn't want to talk to him and be with him. Moment niya ngayon tapos bigla na lang itong susulpot.

Naglakad na lang siya palayo. All she wanted is a peace of mind at makapag-isip ng maayos. Nakawawala ng sistema kung nasa tabi niya si Brett.

"Ay!..." Dahil sa gulat niya ay napakapit siya bigla sa mga braso ni Brett.

Hind pa man siya nakakalayo ay bigla na lang siya nitong hinawakan at iniharap. He really smell nice, lalaking lalaki talaga.

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Sa kanya ba o kay Brett yung naririnig niya?

"Sad to say babe, but i'm here to stay." She shivers the way he said it to her ears.

"Ayoko na kasama ka dito." Andrea replied.

Brett sighed. "I told you before, we are going to be married kaya sa ayaw at gusto mo makakasama mo ako."

Tiningnan niya ang mata ng lalaki, and it was a mistake. She was mesmerized with his dark and gorgeous eyes. She silently groaned. Nakakalambot talaga ng tuhod kung tumitig si Brett. Bigla naman siyang nahimasmasan at mabilis na kumawala sa pagkakahawak dito.

Ayaw niyang mahalata ni Brett na naapektuhan siyang masyado sa lalaki. Naiiba ang sistema niya sa katawan kapag laging lumalapit ito sa kanya.

"You are not invited by the owner of this resort. Tresspasser ka." Mayabang na sabi niya sa lalaki.

Bigla na lang siyang tinawanan ni Brett. Kumunot noo siya. Ano bang nakakatawa sa sinabi niya? Pwera na nga lang kung kilala niya ang may-ari o kung mismong....damn! Bakit hindi niya naisip...HE WAS THE OWNER..!!!!

My so called HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon