I am wondering why today mag isa lang ako sa classroom namin. It's already 7:35 in the morning e kung tutuusin ay late ako but ni isa sa mga classmates ko wala padin dito. Hindi kaya wala kaming pasok?
Pero impossible din, bestfriend won't hesitate to inform me incase and speaking of bestfriend, hindi naman nalelate yun. Bakit wala pa siya. Nasaan ba kasi sila. Anong oras na.
Kinuha ko yung bag ko at hinanap ko yung phone ko para i text siya.
Pero bakit umagang umaga palang ay lahat na ng kamalasan ng lahat ng bagay sa mundo ay napunta lahat ata sa akin sa puntong ito at hindi ko mahanap hanap yung phone ko! Nahalughog ko na lahat ng bulsa nito pero ewan ko kung nasaan yung phone ko. Naiiwan ko na naman siguro. Wahhhh!!
“WHAT THE HELLLLL!!!” malakas kung sigaw na ewan ko na nga baka narinig na din sa kabilang classroom.
Bakit ba kasi sa lahat ng bagay yun pa ang naiwan ko. Huhuhuhu -___________-
Ngayon pa!
Ok! Ok! compose yourself bawal mawala ang poise, that is important to carry wherever you go. Nevermind that phone. All i have to do now is to find a way para malaman kung nasaan sila. Sa laki ng building na to? Alangan naman na isa isahin kong ichecheck mga room diba? Wahhhh! This predicament is ridiculous.
It's already 8:15 in my watch and what I am doing right now is just roaming around in this room. Parang tangang palakad lakad na nag iisip pero kahit gaano ang pilit kong mag isip ay wala padin.
"BEST FRIEND!"
"Ahhhyyy!! Anak ng kabayong pangit!" Halos mapatalon ako sa gulat. sino ba naman kasing ponsio pilato na nagbukas ng pintuan ng room na 'to at nagsisigaw na aking ikinagulat. Makasigaw naman parang nasusunog na ang building na 'to!
"Saan ka galing? Bakit di ka nagrereply sa mga text ko sa'yo at mga tawag ko ha? Sobra mo akong pinag alala. Iniba ni Sir terrorista ang room natin dahil malayo daw masyado ang department niya sa building natin. Alam mo bang nagbigay siya ng 100 item short quiz kanina? Best friend, ano bang ginawa mo at hindi ka pumasok. Wag mong sabihin sakin na nag stalk ka na naman sa crush mo sa kabilang section." At nasisigaw pa ang loko. Iyan na naman ang paborito niyang linya e. Ang ipamukha sa akin na nag i stalk ako. At ayon, nag quiz sila!! What the hell, bakit ba ako minamalas sa araw na 'to. -______-
Hindi ako sumagot sa halip ay umupo nalang ako sa isang upuan malapit sa akin. Paano na naman ba ito. Problema na naman ang pinasok ko :(
hampasin ko nga tong taong to. Nakakinis lang di man lang niya ako hinanap. Or nag iwan man lang ng note para at least alam ko kung nasaan sila.
“aray!! Ano ba ako na nga tong concern na concern sayo tas ako pa hahampasin mo?” pasigaw padin ang loko. Pero ngayon ay medyo nag ease na ang concern look niya. Ngingisi ngisi na siya ngayon.
Si Chris Ian Peredo nga pala, ang lalaking best friend ko. We're in this state of relationship since 1st year college. Madami nga nagsasabi na parang hindi daw kami mag best friend, parang KAMI daw, pero wala, mag best friend lang talaga kami. Hindi ko din naman pinangarap e.
Ewan ko ba kung paano kami naging mag best friend nito eh anlayo ng agwat ng katalinuhan niya sa akin. Magkaibang magkaiba kami. Though, we are both student leaders, I can still say na in some ways, i am better than him.
Matalino siya, as in siya ang valedictorian nila mula elementary nila hanggang high school, running for magna cum laude pa siya ngayong college kami. Ngayong college lang kami nagkaklase nito pero daig pa namin yung magkapatid na magkakilala na since birth. :)
BINABASA MO ANG
Boy Best Friend o Best Boy Friend? (on-hold)
Teen Fictionsarap magkaroon ng bestfriend. yun yung may kakulitan ka, may kasama ka sa lahat ng pagkakataon mapasaya man o matalungkot, yung parang magkapatid na kayo sa sobrang kaclose'an niyo.. pero paano pag dumating yung point na ma realize din.. inlove ka...