Chapter 11 : Halloween Party (Part 2)

40 0 0
                                    

I went out also sa way kung saan siya lumabas. As much as possible, I tried to keep myself out of sight para hindi siya makahalata na may sumusunod sa kanya.

I saw Ms. President talking now to a somebody outside. A tall guy in black suit na halatang formal na formal at may mga tauhan pa ito sa likuran niya.

Wala nang masyadong tao sa labas. Kaya walang nakakakita sa usapang iyun maliban sa akin na ngayon ay nagtatago sa likod ng isang sasakyan.

Nakita kung umalis muli sila ay pumunta sa bandang side ng gymnasium. I have a feeling of fear right now and I am in a hard time thinking of what will happen if incase sumunod pa ako. What if..

Well, this is for the answers of all the questions in my mind. Maybe this time, it will be answered. Anong silbing criminology ang tinake kung course if duwag ako.

Sumunod ako sa kinaruroonan nila, i hid myself in a plant na medyo matangkad at sigurado akong hindi na ako makikita dito. I saw them there again talking. Pero may isang closed truck, and I think ito na yung mga drinks later. Mas dumami na ngayon ang mga tauhan ng company nung wine siguro.

Wala akong marinig. Sobrang hina naman ng usapan nila. At isa pa, ang ipinagtataka ko talaga ay kung legal pa itong ginagawa ni Ms. President, bakit hindi niya kinoconsult sa amin, sa akin na vice president. Noo.. There is something wrong talaga with this.

Kung pwede lang lumapit na lang para i confront ito kay Ms. President at ganun lang sana kadali sa ngayon bago pa maipasok ang mga naturang inumin ay ginawa ko na.

What should I do right now? This can't be done. I should do something.

Bahagyang binuksan ng mga lalaki ang likod ng truck pero natigilan ito ng muling magsalita si Ms. President.

Hindi ko talaga marinig ito. Sobrang hina naman.

Bahagya akong tumagilid at mas itinago ang sarili at inalis ang tingin sa kanila dahil tumingin silang lahat sa akin. Ewan ko kung nakita nila ako. Sana naman hindi.

Ibinaling ko muli at tingin ko sa kanila at nakita ko ang papalapit na dalawang lalake sa aking kinatatayuan. Nakita nila talaga ako at mukhang ako'y huhuliin nila.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko na ngayon. Lalaban ba ako o tatakbo nalang. Muli ko silang tinignan at nakita kong malapit na silang makarating sa kinaroroonan ko. Pumikit ako ng mariin at aking kinuyom ang aking mga kamao.

Didilat na sana ako ng may humatak sa akin mula sa likuran ko at tinakpan nito ang aking bibig. Magpupumiglas sana ako at lalaban pero nagsalita ito ng mahina at agad ko namang nabosesan. Si Chris. Nandito siya o sinundadn niya ako?

Umupo kami sa madilim na parte ng pinagtataguan ko kanina at nakita namin ang dalawang lalaking palapit. Alam kung madilim dito kaya impossibleng makita nila kami.

Luminga linga pa ang dalawa at halatang hinahanap kami at inaaninag. Hindi nila kami nakita at tumalikod ang dalawa at sumenyas silang walang tao.

Tinignan ko sa mata ang kasama ko na ngayon ay naliligo na sa pawis. Tumingin din ito at nakuha ko agad ang gusto nitong mangyari.

Tumayo kaming dalawa at sinugod ang sa ngayon ay papalayong dalawang lalaki.

"Yaaaahhhhhh!" Sigaw ko nalang habang iwinasiwas ang kamay ko and I kicked this man now trying to grab my hand.

"Oppps, sorry." Bulalas ko ng marealize kong naka high heels pala ako.

"Ms. Vice president! What are you doing. You too Mr. Chris!" Sigaw sa amin ni Ms. president na mukhang gulat sa nasisilayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boy Best Friend o Best Boy Friend? (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon