Chapter 2: friendly game

11 2 0
                                    

SAMANTHA ASHTIN POV

"Huyyyy hello tinayyyyyy kanina ka pa hinahanap ni coach asan ka na?" Matinis na boses ni Rachelle sa kabilang linya.

Nagising lang naman ako sa maingay at paulit ulit na tunog ng cellphone ko.

"Bakit ba?" Antok na tanong ko sa kabilang linya

"Anong bakit ba? The Leonards futsals are here already duhh?" Mataray nitong sagot. "And wait kagigising mo lang ba???" May Inis na tanong into

"Ehhh wait what? Leonards high?? Shettttt!!" Dali dali kong binato yung yung phone sa kama at dumiretso sa banyo.

Nakalimutan kong ngayon pala yung friendly game namin. Lagot ako kay coach pagnangyari.

Pagkatapos kong maligo i checked my phone at patay na nga ang tawag. Sanay na naman yung di ako yung pumapatay ng tawag.

Well si Rachelle lang naman yun. One of my bestfriend.

After all my rituals I immediately hurry to our schools oval. First seven pa naman ako ba't  ba kasi nakalimutan ko?

Pagdating ko sa oval nag uumpisa na nga ang laro. Nagwarm up lang ako at pinapasok din agad ni coach.

"Eyyy tinayyy i lab you!!!" Sigaw ng isip bata na si abby, sino pa ba?

Well time for 1 minute rest and water break na, yun talaga yung hinihintay ko ehh ang init kasi talaga ng sikat ng araw kahit 10 o'clock palang.  

" tinay catch" sabay hagis sakin ni Rachelle ng tubig. Ganun niya ako ka mahal bwahahaha

"Thank you"

"Guys faster it's already time, back to position" sigaw ng coach namin. 

Bilis nun ahhh.. Di ko pa nahahalikan picture ni Daniel may labs ko ehh sabi ko sa isip

"Coach si Sam muna yung forward kasi out muna ako" ika ikang lumapit si Helen samin.

Muntik ng kasing mag split kanina ayan sakit inabot niya. Buti nga di siya na atrasan ng forward ng kabilang team malaki pa naman katawan niya feeling ko nga pag ako nabunggo nun sigurado tumba ako with matching tambling at backflip pa  ^__^

"Ok you are in Miss Corpuz ikaw defend si Golez Forward"  turo ni coach samin ni Rachelle

The game went well pero ilang beses din akong natumba dahil ako talaga katapat nung malaking babae na mukhang lalake.

I was wondering baka nga lalake yun eh nagpapanggap lang kasi may muscle talaga siya whahahhaa.

"Huy Golez baka naman sa susunod gusto mong mas late pa?" Andito kasi kami sa malapit na 7/11 nagmerienda pagkatapos ng laro.

"Sorry po coach, ayaw kumain ni Weiwei kagabi ehh ayun dinala ko sa vet" sagot ko pagkatapos kumain ulit ng ice cream.

" for heavens sake naman anu? May game tayo ehh sasusunod nalang penalty mo lulubusin ko" si coach talaga yung taong di nakakalimut kaya be ready Sam... be ready. "Mahal mo talaga yang aso mong yun no?puro naman balahibo buti di ka nagkaka asthma dun? " nagsasalubong ang kilay na tugon ni coach.

"Coach mahal ko yun uy regalo ni mommy yun ehh, kaya ko nga naging alaga yun coach kasi maganda yung balahibo tsaka I'm healthy ehh kaya takot lang ni asthma" pagkatapos kong magsalita sumobo naman ako ng soipao.

"Ay Golez kain ng kain kala mo tumataba" komento sakin ni Coach tawanan ng team ang bwelta ni sir sakin sinubo ko muna yung last bite ng pizza bago ako magsalita.

" Ay coach aka Erwin, yang pagkapandak mo pinakialaman ko bah? Baka naman!!" Sabay labas ng dila ky coach.

Routine na talaga namin ang tuksuhan ng team kasama si coach. Kahit seryoso sa field syempre my time din sa tawanan.

" guys team Golez payatot ako ohh kayo saan na?" Sigaw ni abby ang isa ko pang barkada. 

"Ako team coach ako.. Baka bawasan niya pa takbo ko sa oval pag late ako." Natatawa namang dugtong ng isa pa naming team mate.

Nagtawanan nalang kami hanggang sa napagpasyahan na nga naming umuwi. Natalo man kami sa friendly game atleast worth it parin masyado kasi talaga silang malakas.

Pag uwi ko sa bahay sinalubong agad ako ng pinakamamahal kong aso si Weiwei. Hindi ko na siya masyadong pinansin kasi pagod ako at masakit na talaga katawan ko.

"Ohh anak di ka na kakain?"

"Ay ya, ikaw pala. Hindi na ya andami kong kinain kanina pagkatapos ng game eh. Kain ka nalang ya, si Weiwei din po" sagot ko ky yaya at pumanhik na sa kwarto.

Hindi pa ako nakakarating sa kwarto ng magsalita si yaya

"Sam yung ina mo tumawag di ka daw macontact kanina, sinabi kong may laro ka." Sabi ni yaya. " tawagan mo muna baka may importanteng sasabihin"

"Opo ya" sagot ko dito.

Pagdating sa kwarto naghilamos lang ako at naghugas ng importanteng bahagi ng katawan. Masama kasi yung pagbasa sa paa pagkatapos maglaro sabi ng future "doctora" kong barkada.

Pagkatapos kong gawin ang routine ko tinawagan ko muna si mommy. Nangangamusta lang naman siya at ibinalitang binilhan daw ako ni tito ng bagong cleats. At nagbasa ng wattpad sandali bago matulog.

Ps: cleats ang tawag sa sapatos na ginagamit maglaro ng football. Pag sa field yung may spike yung ginagamit tapos pagfutsal talaga yung walang spike yung ginagamit. Pwede ring studs yung tawag. NOW YOU KNOW

Mga ka TINAYYYYYY don't forget to vote and follow me😘

BTW mga ka tinayyy sino marunong gumawa ng cover.. I'll appreciate if you can make me one I'll give special credits at follow na din😘😁

My Mr. Football PlayerWhere stories live. Discover now