Bitcher than Bitches

5.6K 120 2
                                    

Chapter 17

DEDICATED TO LADY_AKEMI21 & YHOJ09 SALAMAT SA VOTE.

♔♔♔

"Oh my! Andiyan na yung malanding secretary ni sir!"

Nasa entrance pa lang ako ng building e ayan na agad ang naririnig ko.

Yes. Back to work na kaming dalawa. Kahapon nauwi na rin kami dahil monday na rin ngayon. It's time to face everything!

"Siya ba yun? Mukha ngang manggagamit." Ayan na naman yung usapan nila. Ang aga-aga chismis na naman ang inaatupag ng mga ito.

For goodness! It's only monday! Monday!!! First day of the week! Pero binabadtrip na nila ako.

Kating-kati na ako na hilahin ang mga dila ng mga taong ito pero dahil maganda ako hindi ko na lang sila papansinin. Dahil ang mga magaganda na gaya ko hindi dapat pinapansin ang mga pangit na may makakating dila.

Nasa elevator na ako at nag-aantay na bumukas iyon nung may nagpapanting ng tenga ko.

"Siya yung secretary ng big boss? Tss. Ang pangit naman pala niya! Hindi sila bagay! Hindi naman kagandahan pero ang lakas ng loob akitin ang amo nating lahat." Pabulong lang iyon pero rinig na rinig ko iyon dahil malinaw ang pandinig ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ko yung nagsalita.

"So, sino sa tingin mo ang bagay sa big boss? Ikaw?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tsk. Walang pinagkaiba. Iisang hulmahan lang naman ang paa at mukha niya tapos kung malait niya ako wagas. Ngumiti ako sa kanya ng nakakainsulto nung maibalik ko na yung paningin ko sa pagmumukha niya o mas magandang sabihin na sa paa niya.

"don't talk to much bitch! Especially when i'm around. Kasi kung ang depinisyon mo ng salitang 'MAGANDA' e yang pagmumukha mo na kasing hulma ng paa mo e naglolokohan na tayo niyan." Tinaas ko ang kilay ko hanggang sa kung saan ito makakaabot at tiningnan yung babae ng nakakaloko.

"Well, siguro dahil nga sanay ka sa mga kauri mo kaya mo nasasabi yan. Sorry for being so gorgeous for you to be so insecure. Pero hindi ko papapangitin ang sarili ko gaya ng pagkakapangit mo para lang bumaba sa level mo. As of the topic you all guys buzzing out since i've entered this building, MIND YOUR OWN F*CKING BUSINESS! E ano ngayon kung naghalikan kami ng boss ko? Gusto niyo rin matikman at maranasan? Well, sorry girls, it's exclusively mine. Only MINE!" dugtong ko at talagang in-emphasize ko pa yung last word ko saka taas noong naglakad papasok sa elevator.

Naiwan naman yung mga crickets na nakatanga sa akin habang pasara yung elevator. Ano sila ngayon? If they were bitches, i'm bitcher than them.

----

"Bakit mo naman ginanun yung empleyado ko?" Yan ang kaagad na bungad sa akin ni Matteo nung magkita kami after lunch. Ngayon lang kasi siya pumasok.

Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.

"Answer me Steffy!" Matigas na sabi niya.

Itinigil ko naman ang pagta-type ko at hinarap siya.

"What?!" Iritang sabi ko.

"Bakit mo ginawa yun sa empleyado ko? Baka nakakalimutan mo Steffy na empleyado ka lang rin dito." Galit na sabi niya.

Nag-init naman bigla yung ulo ko sa sinabi niya.

"Sorry huh! Sorry dahil pinagtanggol ko ang sarili ko. Hindi naman kasi ako nainform na bawal pa lang hindi um-agree sa kung ano mang panlalait na sabihin sayo ng mga kasamahan mo sa trabaho." Sarcasm was all over my voice.

Tawagin mo na akong bitch at kung ano pa man pero hindi ko matatanggap kung tatawagin mo akong pangit. Mababaw lang siya pero para sa akin napaka-importante nun. Maganda ako kaya bakit ko ikakahiya yun? Bakit ko itatanggi yun?

Napabuntong-hininga naman siya at tiningnan ako ng mariin.

"Ayoko ng maulit ang insidente na yun Ms. Samaniego." Saad niya saka pumasok sa loob ng opisina niya.

Pabagsak naman akong naupo sa swivel chair ko at saka iniubob ang ulo ko sa desk ko.

Kringgggggggggggggg!

Napaangat ang ulo ko nung mag-ring yung phone ko. Wala sa sariling kinuha ko yun at sinagot iyon na hindi man lang nag-abalang tiningnan kung sino iyon.

"Wey?"

"Where the hell are you Summer?!" Ani ng isang baritonong tinig sa kabilang linya. Halatang nagpipigil iyon ng galit.

Inilayo ko naman sa tenga ko yung phone ko at tiningnan ang caller I.D.

Shit! Si kuya Einjel!

Ibinalik ko yung phone sa tenga ko at puro mura ang narinig ko.

"Where the f*ck are you?! Answer me or else i'll kill you!" Takot. Oo. Nakakatakot magalit si kuya. Siya yung tipo na kapag galit nagiging demonyo.

"K-kuya... a-ano... a-a-ahhhmmmm..." pakingshete! Nakakatakot si kuya. What to do? Iisa lang naman ang kinakatakutan ko e. Si kuya Einjel lang naman.

"I'm waiting Summer!" Mababakas sa tono ni kuya ang galit. Ano ba ang ikinagagalit niya?

"I'll be home." Mabilis na sagot ko without thinking. Nanginginig na kasi ako. Hello? Kuya Einjel na itey oh!

Agad-agad kong pinatay yung phone ko at inayos ang sarili at gamit ko. At saka walang paalam-paalam kay Matteo na umalis ako. I'm still mad at him.

---

Ang waley! Lady_Akemi21, heto na yung update na hinihingi mo! Kailangan ko ng violent reaction mo. Wehahahaha!

VOTE. COMMENT. PLEASE!

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon