Starting walking away

5.7K 118 2
                                    

Chapter 18

Dedicated to KCTWENTYSIX.

♚♚♚

Kinabukasan pagpasok ko sa opisina ay may naabutan akong babae. Maganda siya pero MAS maganda pa rin ako. Sexy siya pero MAS sexy ako. Wala e. Lamang talaga ako kahit anong mangyari. Kahit saang aspeto maganda talaga ako.

"Good morning ma'am. Ano pong kailangan ninyo?" Magalang na sabi ko. Syempre. Mamaya boss ko rin pala ito tapos babastusin ko edi nalintikan na ang plano ko.

"Your boss's body." Malanding sabi niya.

Napa-arc naman ang kilay ko. Talande? Kati-kati? Dinapuan ba ng higad yung ibabang part ng katawan niya?

"Pardon ma'am?" Syempre hindi ako bingi. Gusto ko lang linawin. Hindi puwedeng pagnasahan niya rin ang katawan ng Matteo ko. Oh yes! Nang aking si Matteo! Kaya nga AKING diba? Kasi from the root word na AKIN! in english MINE!

"Bingi." Irap na sabi niya.

Aba! E kung sinasampal ko na kaya ito at pinapalapa sa tigre na alaga ng kapitbahay namin?

Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na sa lamesa niya. Bahala siyang mag-antay na maging orange ang uwak! Bakit kamo orange? May puting uwak na po.

Maya-maya pa'y nagulat ako nung biglang tumayo yung babae sa visitors couch at nagtatakbo palapit sa may elevator na kabubukas lang.

Bigla naman daw na-hurt si heart ko nung makita kong hinalikan ng talande na babae na iyon ang boss ko. Ang AKING si Matteo na siyang kalalabas lang sa elevator. Buwisit na babae ito.

"Oh please! Get a room you two! Not here!" Sigaw ko.

Naghiwalay naman yung mga labi nila at sinamaan ako ng tingin nung babae. Ang landi-landi! Ihulog ko siya nula rooftop e!

"Cancel all my meetings for today Ms. Samaniego." Cold na sabi ni Matteo KO sa akin at hinapit sa baywang yung babae at sabay na sila pumasok sa office ni Matteo KO! At eto pa ang nakakainis! Yung bruhang malandi na yun nag-smirk sa akin! Walang bitch ang puwedeng gumawa nun sa akin! Arrrggggg! Gusto kong baliin yung leeg ng malandi na yun! May araw din siya sa akin.

Napapadyak naman ako sa paa ko na parang bata nung mawala na sila ng tuluyan sa paningin ko. Buwisit! Sino ba ang babae na iyon sa buhay ng Matteo KO?

I'd cancel all his meetings for today what liked he said. At sa inis ko e pumasok sa isip ko na umuwi na rin. Ano pang silbi ko dito e wala naman na akong ipapaalala sa kanya.

Ay mali! Meron pa pala.

Tumayo ako sa upuan ko at inayos ang sarili at gamit ko at basta-basta na lang ako pumasok sa opisina ni Matteo KO. Naabutan ko yung babae na nakaupo sa gilid ng desk ni Matteo ko at si Matteo ko naman nakatingin sa babae habang nakangiti. Aba! At talagang iniinis din ako ng lalaking ito ah!

Napalingon sila sa akin pareho nung pabagsak kong isara yung pinto.

"Do you know how to knock?" Mataray na sabi sa akin nung babae.

"No. If i knew edi sana kumatok ako. And I think i was absent when my teacher tought that." Sarcastic na sabi ko.

Sasagot na dapat yung babae nung hawakan bigla ni Matteo KO yung kamay nung babae. What? Akin lang ang kamay na yun! Buwisit talaga!!!

"What do you need?" Tanong sa akin ni Matteo KO in a cold voice. Why?

"Uuwi na ako. Wala na rin naman akong gagawin dito. Just enjoy the rest of your day with her." Diretsong sabi ko at tumalikod na para lumabas  pero bago ako tuluyang lumabas e nilingon ko ulit sila.

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon