wala nga bang effort?

4.6K 74 0
                                    

At dahil kinikilig ako sa Forevermore at hinarana ko ang sarili ko kanina dahil marunong na ako mag-gitara kahit papano maga-update ako!!!

Chapter 29

"Selos his face! Pautot ng taong yun! Anong akala niya sa akin tanga? Huh! Ang ganda ko kaya!" Litanya ko habang papasok ako ng bahay namin.

Matapos sabihin ni Matteo kanina na nagseselos siya eh sinipa ko siya sa tuhod at nagmartsa papasok ng bahay namin. Kapal ng mukha niya.

"Teka! Bakit ba ako nagagalit? Wala naman siyang ginawa ah!" Tanong ko sa sarili ko na ikinahinto ko sa paglalakad.

"Gaga! Diba nga hindi ka niya tinext kanina kaya ka nagkakaganyan?" Kontra ko sa sarili ko.

"Hoy Summer, anong nangyari sayo? sinong kausap mo?"

Napatalon ako sa gulat nung marinig ko ang boses ni ate Col sa likuran ko.

"A-ate... hehe... bakit gising ka pa? Sila kuya?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Tulog na silang lahat. Ikaw? Bakit ngayon ka lang?"

"Ahh... may dinaanan pa kasi ako."

"Sus! Baka naman date? Nag-date kayo nung Matteo?" Kinikilig na tukso ni Ate Col.

Napailing naman ako nung marinig ko ang pangalan ni Matteo.

"Hindi? Eh sino pala ang ka-date mo?" Takang tanong ni ate.

"Si Rico yung bestfriend ni Matteo." Dahil maganda ako eh taas noong sabi ko.

"Ohmy!" Saad ni ate na nakalagay pa ang mga kamay sa bibig.

"Mag-bestfriend?" Gulat na saad niya.

Napatango naman ako at bumuntong-hininga.

"ang hirap niyan. Mahal mo o mahal ka? Ay teka! May mahal ka na ba sa dalawang iyon?"

Natawa naman ako sa mga pinagsasasabi ni ate. Clueless kasi siya.

"Ate, friendly date lang yung sa amin ni Rico."

"Friendly date na mauuwi sa true dating."

"No. Malabo iyan kasi ang lalaking iyon eh may gustong iba."

"Oh? Talaga? Ang galing. Mananalo na manok ko." Tuwang sabi ni ate.

Napakunot-noo naman ako.

"Manok? May manok ka pa bugod sa kuya kong araw-araw tumutuka sayo?" Saad ko na ikinamula ni ate Col.

Kasi naman po yung kuya kong talipandas eh adik sa labi ni ate. Madalas nga nahuhuli ko silang naghahalikan sa may kusina eh. Wehahaha.

"Sira! Iba ang kuya mo okay? Yung manok na sinasabi ko sayo eh yung gusto ko para sayo."

"Eh? Sino naman iyang manok mo ng maibenta na." Birong sabi ko.

"Adik. Si Matteo. Gusto ko siya para sayo kasi alam kong totoo ang nararamdaman niya para sa iyo. Mahal ka talaga ng isang iyon." Kinikilig na sabi ni ate.

Napairap naman ako sa sinabi niya. Matteo talaga? Eh papansin lang ang isang iyon.

"Ayaw mo maniwala? Puwes dapat maniwala ka. Hindi biro ang pinagdadaanan ni Matteo sa kamay ng mga kuya mo 'no. Ang lulupit talaga ng mga iyon." Kuwento ni ate na nakakuha ng atensiyon ko.

Paano namang naging malupit ang mga kuya ko kay Matteo eh mukha ngang walang effort ang isang iyon.

"Hindi naman. Wala nga akong effort na nararamdaman sa lalaking iyon." Paingos na sabi ko.

"Anong wala? Alam mo bang ginagawa siyang utusan ng mga kuya mo? Tuwing lunes hanggang biyernes andun siya sa botique ng pinsan mong si Nadine at siya ang tumatao doon. Tapos kapag sabado at linggo naman eh andun siya sa restaurant ng kuya Einjel." Kuwento niya.

Napanganga naman ako sa nalaman ko. Seryoso?

"Kung ayaw mo pa rin maniwala bakit hindi mo alamin sa sarili mo?" Saad niya at saka tumayo na.

"Tulog na tayo. Late na rin. Good night Summer." Paalam ni ate at nauna na sa taas.

------

Kinabukasan eh hindi ako pumasok sa opisina. Pin-canceled ko lahat ng mga appointments ko ngayong araw para malaman kung totoo nga ba yung nalaman ko kagabi.

Hindi ko nakatulog kakaisip tungkol doon. Kung totoo nga, siraulo siya. Paano ang company niya? Pababayaan niya lang para saan? Sa akin? Sweet sana kaya lang hindi tama.

Nung ihinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng botique ni Nadine eh huminga muna ako ng malalim saka bumaba at tinungo na ang pakay ko.

Unang bumungad sa akin pagdating ko sa may pinto eh ang daming tao. Puro babae. Eh ano pa bang aasahan ko eh women clothes ang binebenta ni Nadine dito.

Itinulak ko ang glass door at luminga-linga. Halos hindi na nagkandaugaga ang mga sales clerk sa pag-aasikaso ng mga customer ang agad na nakita ko. Tapos sa may cashier eh nagkakagulo na at hindi mo na malaman kung asan ang pila dahil magulo anh ayos nila.

Naglakad ako papunta roon at naki-isyoso.

"Ang guwapo mo talaga. Sigurado ka bang cashier ka lang dito? Gusto mo akin ka na lang? Hindi mo na kailangan pang mag-trabaho kapag naging akin ka." Narinig kong sabi ng malanding babae na nakapangalumbaba pa sa may cashier.

"Naku! Hindi na. May girlfriend ako at hindi ko iyon iiwan." Narinig ko namang sagot ng lalaking andun sa likod ng cashier.

Teka! Parang kilala ko kung sino iyon ah? Boses yun ni Matteo diba? So, totoo nga? Totoo pero may ibang agenda. Hindi para magpa-impress sa pamilya ko kundi para mambabae lang.

At dahil nasa maldita mode ako ngayon eh hinawi ko yung mga babaeng nagkakandarapa sa Matteo ko.

"Ouch! Pumila ka nga bitch!" Sigaw ng isa.

Tiningnan ko lang naman siya at nag-flip ng buhok at ipinagpatuloy ang paghawi sa iba pang mga babae.

"Misis!" Gulat na sabi ni Matteo nung makita niya ako.

Ngumiti naman ako sa kanya ng ubod ng tamis at lumapit sa kanya with poise and grace.

"Hi mister. Hindi mo naman sinabi na andito ka pala." Nakangiti pa ring sabi ko.

Nung makalapit na ako sa kanya eh hinigit ko ang batok niya at hinalikan siya sa lips.

"What?!" Narinig kong sabi ng isang maarteng tinig.

Binalewala  ko naman sila. Hindi rin naman tumanggi si Matteo sa halik ko at tinugon iyon.

Nung maghiwalay ang mag labi namin eh wala na yung mga babae doon at parang isang deserted na lugar na ang shop ni Nadine.

"Paano mo nalaman na andi---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinampal ko na siya.

"Huwag kang paasa kung hindi mo naman kayang panindigan." Saad ko.

Gulat at nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Maski ako nagulat at nagtataka sa sinabi ko. Hindi ko alam kung saang hugot ko kinuha yun. Basta bigla na lang siya nag-process sa utak ko at lumabas sa bibig ko. At dahil naguguluhan ako eh nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon at nagdrive palayo.

-----

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon