Date

5.6K 84 2
                                    

Chapter 27

"Date na kasi tayo misis."

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang kagabi pang makulit na si Matteo. Namaywang ako sa harap niya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Alin ba sa BUSY AKO ang hindi mo maintindihan?"

Kapikon na yan. Kagabi pa nangungulit na mag-date daw kami. At maraming beses ko na rin sinagot pero never say die pa rin ang isang ito.

"Eeh! Dali na kasi. Ngayon nga lang ako nagyaya na mag-date tayo eh." Nakanguso niyang sabi.

Lalo namang tumaas ang kilay ko sa naging reaksiyon niya. Yung totoo? Anyare?

"Asan na yung dating boss ko?" May paghihinala sa boses na sabi ko.

Hindi ba kayo nagtataka? Ang laki ng pinagbago niya. Para siyang bumalik sa teenage year niya. Creepy. Hindi bilang isang binatilyo kundi isang dalagita. Para siyang babae.

"Huh?" Takang tugon niya sa sinabi ko.

"Your getting weirder. Bumalik ka na nga sa dating ikaw."

"Ano ba yung dating ako?"

"Yung dating ikaw laging nakakunot ang noo. Palaging nakasimangot na parang ganito." Ginaya ko pa yung facial expression niya.

Pero imbis na magalit siya sa akin eh natawa pa siya. As in hagalpak to the max. Nakakatakot na talaga siya.

"Your creepy. Lumayas ka na nga." Asik ko sa kanya.

"Ayoko nga. Pumayag ka na kasing mag-date tayo." Pangungulit niya ulit.

"Busy nga ako. Sipain na kita diyan eh."

"After office hour na lang. Please." Pinagsalikop niya pa yung dalawang kamay niya at nag-make face.

Natawa naman ako sa ginawa niya. Actually gusto ko na pumayag kaya lang hindi talaga puwede. Alam niyo naman ang mga magaganda always busy. Kaya alam niyo na.

"Hindi nga puwede."

"Sige na kasi. Pina-cancel ko na nga lahat ng appointment ko para mamayang gabi just for you tapos ikaw ayaw mo. Nakakatampo." Nakangusong sabi niya.

Napatampal naman ako sa noo ko. Naku po! Bakit siya ngumuso?! Kapag hindi ako nakapagtimpi hahalikan ko 'to!

"Huwag ka ngang ngumuso! Kapag ako nainis hahalikan kita!" Saad ko.

Nakita ko naman ang pag-ngisi niya. Shete! Ang ganda ko talaga. Ang honest ko pa! Tsk.

"So, magde-date na ba tayo?" Malawak ang pagkakangisi na sabi niya.

"Ewan ko sayo!" Inirapan ko siya at naglakad ulit papasok sa opisina ko.

"Sige na kasi misis!" Habol na sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Oo na! Sige na! Magde-date na tayo. Happy?" Suko na sabi ko.

Maganda naman ako at gusto ko naman na makipag-date sa kanya kaya go lang ng go! Parang globe lang yan.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Puwede ba! Huwag kang magreak na parang sinasagot na kita? Pumayag lang ako mag-date tayo." Para kasing aning yung itsura niya. Akala mo nanalo na sa lotto eh mas mayaman pa siya sa PCSO.

"Sabi ko nga. Pero YES! Oy Alicia, narinig mo yun huh. Pumayag siya na makipag-date sa akin after office hours kaya ilagay mo na yan sa sched niya at ipaalala mo sa kanya." Tuwang-tuwa na sabi niya at lumapit sa akin.

Seducing the Young MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon