CHAPTER 2 - Oh, Lord!

864 8 0
                                    

"Crush ka daw ng pamangkin ko, Cleo!" sabi ni Ma'am Diana habang seryoso na nakatingin sa akin. Di ko alam irereact ko.



"Hala Ma'am, baka si Juni!" Sabay tulak ko sa kanya. Kasi, di mo mapagkakailang maganda si Juni. Sexy, Maputi, Matangos ang ilong at pixie cut ang buhok.


"Hindi! Yung mahabang buhok daw eh. Nakita mong nakapixie cut si Juni diba?" Oo nga pala...



"Kinukuha niya fb mo sa 'kin." Nanlaki naman yung mata ko.  I didn't expect na ganito ka awkward ang may magkacrush sayo. Pfft.


"Pero hindi ko binigay. Sabi ko bata ka pa." Tumango tango naman ako.


"Pero mukhang gustong gusto ka nga niya." dahil sa sinabi ni Ma'am Diana, tinulak tulak naman ako ni Juni. Bwiset to! Muntik pa akong mangudngud.



"Ma'am, magkwento ka naman sa pamangkin mo." sabay hagikgik ni Juni. Pero syempre nakikinig din ako hahaha. Parang first time ko makafeel na may nagkakagusto sakin eh haha!



"Dolphy ang tawag sa kanya sa bahay pero ang totoong name niya ay Kiano Carl Tanka." napangisi ako kasi ang layo ng Dolphy sa Kiano. Pffffft! 



"Dolphy ang nickname niya kasi ang Daddy ko na Lolo niya favorite na favorite si Dolphy. Alam mo na mga majojonda."  Tumango tango naman kaming dalawa ni Juni at natawa.



"Pero, Daddy has passed away when Dolphy's was 12 years old." nakikita ko namang naluluha si Ma'am Diana. Mukhang close na close sila ni Kiano.



"Siya kasi ang tumayong Daddy kay Dolphy kasi ang Daddy niya matagal hindi nagpakita sa kanila, 14 years old lang siya nung bumalik ang Daddy niya kaya hindi sila ganon kaclose. Lagi silang hindi magkasundo." 


Kawawa naman pala etong si Dolphy, hindi naramdaman maalagaan ng totoong Ama. 



"20 years old na siya, Graduate na din siya at nagwowork sa ahente ng sasakyan kasama ang Tito Brando niya, My brother." so bata pa din pala siya. Bakit mas mukhang bata si Tito niya haha! Ang bad ko, pero seryoso ha. Ang hot ng tito niya. Ayy!! ERASE ERASE!!!



"He just broke up with his ex-girlfriend 3 months ago." I raised  my left eyebrow kasi for sure, niloko niya si Gurl! Ganun naman mga lalaki eh, Hahaha! 



"Kung feeling niyo siya nagloko, well mali kayo." opps mali pala hehe! Lesson Learned: Wag maging judgemental! 



"Madami na siyang naging Girlfriend, pero all of her Exes ay niloko lang siya." nakakaawa naman pala siya. Buti ako wala pang naging boyfriend kaya di ko alam yung feeling, charot!

LOVE HURTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon