2 hours nang nasa training room si Alex. Isang oras pa bago matapos ang training. Medyo bored narin sya. Halos lahat kasi sa first part ng training ay alam na nya kaya naman hindi narin ito masyadong nakikinig sa trainor. Mas interesado sa mga magiging topic ng training sa mga susunod na mga linggo. Baka dun ay mawala na ang pagkabagot nya.
“Alex!” mahinang tawag ng isang lalaking nasa bandang likuran nya.
“Hmm?” sagot nito.
“Taga saan ka ba?”
“Hatid kita mamaya.” walang hiyang tanong ni Jake. Isa sa mga kasama nya sa training.
Nakilala sya nito dahil isa-isa nilang ipinakilala ang sarili sa unang araw ng training. Pero si Alex ay walang matandaan ni isa sa mga kaklase nya. Tahimik lang ito at hindi nakikipagusap sa mga katabi. Palibhasa ay karamihan sa mga kasana nya sa training ay di hamak na mas matanda sa kanya kaya wala rin syang interes sa mga ito. Halos puro lalaki din ang mga kaklase nya at iilan lang silang babae.
“Okay, that’s it for today.” sabi ng trainor.
“Finally.” sabay buntong hininga ni Alex.
Pagkalabas nya ng pinto ay nakaabang naman sa labas si Jake. Hindi sya tinantanan nito at sinundan sya habang naglalakd.
“Alex ano? Hatid na kita.” Pangungulit nito.
“I don’t wanna be harsh on you, but if you’ll still insist...”
“What?” tanong na sagot ni Jake.
“You’ll miss half of your life...” casual na pagkakasabi ni Alex pero iba ang pahiwatig ng mga mata nya. Parang biglang nanlisik
Dumiretso ng paglalakad si Alex at si Jake naman tila natigilan at hindi na nakasunod.
***Bakit kaya ganun katapang ang aura ng babaeng ito? Kaya nya nga ba talagang gawin na mamiss ni Jake ang kalahati ng buhay nito..? Hahaha! Uy! wag masyadong seryoso. Nakakamatay!
Walang dalang sasakyan si Alex, number coding kasi, at sa kamalas malasan naman ay natapat pa sa twice a week na training nya, Wednesday at Friday. Hulaan nyo kung anong number yun…. Hehehe.
Kaya naman naglakad na ito papunta kung saan may mga taxi na dumadaan. Pero ilang minuto na rin syang naghihintay at walang dumaan na taxi. Naglakad lkad pa ito ng kaunti. Kung tutuusin ay hindi pa naman gaanong gabi dahil 7:00 pm natapos ang training nya pero hindi ganun kadami ang mga taong dumadaan sa parteng iyon ng Makati Ave.
Darren’s POV
Buti nalang maagang napack-up ang shooting ngayon.
I parked my car sa tapat ng isang building sa Makati Ave, bumaba lang ako saglit para bumili ng pagkain sa isang fast food. Buti hindi ganoon karami ang tao kahit. May ibang nakakilala sakin pero saglit ko lang silang inentertain para magpakuha ng pictures and then umalis narin ako kaagad.
Pagpasok ko ng kotse, nagulat ako nang biglang… A familiar looking face ang nakatayo sa gilid ng sasakyan ko. Maya maya ay mabilis din itong naglakad at tumawid sa kabilang kalye.
I drove slowly and I’m getting near her. But she’s walking a little bit faster. Kailangan kong lumiko at iikot ang kotse para masundan ko ang dinadaanan nya.
BINABASA MO ANG
My Pretty Devil (ON HOLD)
RomanceSi Mr. Cold Guy Darren Wilson, sikat at tinitilian ng maraming fans... What if isang araw ay ma-meet nito ang babaeng bubuhay sa bored nyang puso... Pero hindi nya inaasahan ang magiging trato sa kanya nito.. Will Alexandra finally falls for him?