*** “Hay naku naman! Ngayon lang natapos...8pm na.” Iritadong sabi ni Darren. Palibhasa nagmamadali itong umalis dahil… Alam na! Plano nito na puntahan si Alex sa lugar kung saan nya ito muling nakita. Pero huli na sya at alam nyang nakauwi na ito.
Darren’s POV:
“Why not? Pwede ko naman syang puntahan sa bahay nila.” Tama, ang ganda ng naisip kong yun. Takte naman, bakit hindi ko manlang kasi nahingi ang number nya. Kasi naman the last time na nagkita kami, natakot na ko sa mga titig nya. I think uminit ang ulo nya sa ginawa ko. Damn! Hindi parin ako makagetover sa kiss na yun. Well siguro naman ngayon ay okay na sya at hindi na galit.
Bumyahe na ko papuntang Paranaque, ang problema ko ngayon ay kung pano ako makakapasok sa subdivision. Pano kung tanungin ako ng guard? Ay bahala na nga! I’ll cross the bridge when I get there. “I’ll see you babe when I get there..” Hahaha.. I feel like singing.
Pagdating sa subdivision, tinanong ako agad ng guard kung sino ang pupuntahan ko. Palibhasa ay walang sticker ang sasakyan ko at alam nilang hindi ako taga duon.
“Hey kuya Good evening.”
“I’m a friend of Alexandra, dun lang sya sa ikalawang street nakatira. Sorry I lost my contact of her.”
“Ay sir diba kayo po yung artista si Darren Wilson?” sabay ngiti sakin. Anak ng! mukang nababakla pa yata sakin ah.
“Yes kuya ako nga!”
“Sige sir pirma nalang po muna kayo sa log book, tapos pa-autograph narin po.” naisingit talaga ang pagpapaautograph. Haay.
“Yes this is it.” This is it. Tandang tanda ko pa yung daan kasi isang diretso lang naman at nasa pangalawang kanto lang.
DING! DONG! DING! DONG!
“Yes sir ano pong kailangan nila?” may isang babaeng lumabas.
“Oh hi! Good evening po. I know this is kinda late pero nandyan po ba si Alexandra?”
“Naku sir baka mali po kayo ng address na napuntahan, wala po kasing nakatirang Alexandra dito.” Ano daw? Nabingi yata akong bigla.
“Are you sure manang, kasi ang alam ko po dito sya nakatira, actually dito ko po sya hinatid kagabi."
"Naku sir wala po talagang Alexandra na katira dito. Pasensya na po."
"Hay nung isang araw Mildred ang hinahanap, ngayon naman Alexandra..." Napapailing si manang habang naririnig kong may ibinubulong..
"Cge manang salamat nalang." Sabay alis ko na nakakunot ang nuo. How can it be na hindi sya duon nakatira? Nakita ko naman nagdoorbell sya at pinabguksan pa sya ng gate.
"Naloko na! That pretty devil. Naisahan yata ako dun ah." Now what pano ko na naman sya makikita.
Well ano pa nga bang magagawa ko? Damn that girl! Nagpahatid sa hindi naman pala nya bahay. Mukang gusto akong pagtaguan. Ngayon nya makikilala kung sino si Darren Wilson, humanda kang babae ka. Hay!!! Ano ba Darren easy ka lang, mukang frustrated ka na ah.
6 pm palang nakaabang na ko malapit sa building kung saan ko sya nuon nakita. I just wanna make sure na maabutan ko sya. Good thing wala akong shooting ngayon at maagang natapos ang iba ko pang mga appointments.
Alex's POV
"Here we go again mukang pahirapan na naman sa paguwi." Ano na naman kaya ang mangyayari sakin nito after what happened last time.
"Hi pretty!" What f*ck is he doing here? Oh mygad... Eto na naman tong gwapong asungot na to. Hay!
"You again?" Pagtataray ko.
"Yes of course... Did you miss me?" What the... Kapal din neto eh.
"Why should i?" Asar na ko dito. Ang hangin na kasi eh.
"Remember the other night?" As he reminds me.
"Ikaw may kasalanan ka pa sakin..." Sabay lapit ng mukha nya. As in sobrang lapit na parang mahahalikan nya na ko pero agad din nyang inilayo. Sabay ngising nakakaloko.
"What the hell are you talking about?" Ano kayang kasalan ang sinasabi nya...? Oh mygad! Hindi kaya nalaman na nya yung ginawa ko?
Hinintay ko muna syang makapasok sa loob ng sasakyan. At siniguradong paalis na ito. Pero nakita kong lumilingon pa ito kaya naman pinindot ko ang doorbell sa labas ng gate.
Ding! dong!
Agad namang may nagbukas ng gate.
Nakita kong mabagal ang pagpapatakbo nya ng sasakyan. Lintek! Bat ba ayaw pa nyang bilisan. Mukang sinisigurado pa nya na makapasok na ko sa loob ng gate.
"Good evening po maam ano pong kailangan nila?"
"Hi good evening po. Itatanong ko lang po kung dito po ba nakatira si Mildred?"
Sino nga ba si Mildred? Eh syempre gawa gawa ko lang naman yun.
"Naku miss wala pong nakatirang Mildred dito eh." Ehehe.. Alam ko namang wala eh.
"Ay okay sige di bale na po. Thank you." Sabay nagmamadali na kong umalis. That time alam kong nakalayo na sya at hindi ko na natanaw ang kotse nya.
Ang totoo nasa pangatlong kanto pa ang bahay ko. Pero ayoko lang na malaman nya kung saan talaga ako nakatira. Hahaha. Mukang naisahan ko sya.
"Hey! Give me your phone." Aba parang holdupper lang ang peg.
"What? At bakit ko naman ibibigay sayo?" Sabay kunot ng nuo ko.
"I have no plans na nakawin ang phone mo. Hihiramin ko lang."
"So wala kang load? Kung makikigamit ka sana magsabi ka ng maayos." Pahihiramin naman kita eh. Pasalamat ka gwapo ka! Hmp!
"Will you lend me your phone or you want me to kiss you in public?!" Pabulong nyang sinabi habang sobrang lapit na ng mukha nya sa pisngi ko. Sh*t naman pwede bang kiligin ng konte. Hehehe. Subukan nya lang gawin ang masamang balak nya, hahalik sya sa lupa.
"Oh ayan!" Ewan ko ba, mukang tanga lang inabot ko naman ung phone ko.
Nakita kong nagdial sya ng number gamit ang phone ko... Maya maya naman ay kinuha nya ang cellphone nya bulsa ng kanyang jacket. What the... Tinawagan nya ang cellphone nya gamit ang cellphone ko?
"Here you go pretty Alex... And don't you dare change your number 'cause I will still find ways." Wow ha! Infareness... Parang naiinis ako at the same time kinikilig.
What the... Mga tao nagtitinginan.
"Uy diba si Darren yun?"
"Wahh! Oo nga si Darren nga!"
Nakita kong medyo nadistruct ang Darren na ito dahil sa mga papalapit na girls.
"Taxi!" Sabay pasok ko kaagad sa loob.
"Manong tara na po pakibilisan. Better living paranaque lang po." Sabay alis ng taxi.
Darren's POV
Nadistruct ako sa mga girls na papalapit. Gusto kong magtago sa damit ko pero damn it's too late. Ayoko ko namang masira sa mga fans at baka isiping napakasama ng ugali ko. Hindi naman ako ganun.
"Hey! Wait...!" Langya natakasan na naman ako ng babaeng yun.
BINABASA MO ANG
My Pretty Devil (ON HOLD)
RomanceSi Mr. Cold Guy Darren Wilson, sikat at tinitilian ng maraming fans... What if isang araw ay ma-meet nito ang babaeng bubuhay sa bored nyang puso... Pero hindi nya inaasahan ang magiging trato sa kanya nito.. Will Alexandra finally falls for him?