Mga alas dos na natapos yung inuman namin . Lasing na lasing si alwina to the point na sa ibang bahay nanaman sya nakauwi. Si Miyumi naman ay nag check.in nalng sa hotel kasama yung partner nya . Pwede naman silang di umuwi e. Di naman ganun ka strict parents nila. Unlike me papagalitan ako pag di ako umuwi. Actually kanina pako tinatawagan ng tatay ko at pinagmumura sa text. Di ko nalang muna sinasagot nakaka stress lang lalo. Pag katok ko sa bahay pinagbuksan ako ni mama sabay upo nila sa sala. Dederetso na sana ako sa kwarto nung pinatigil ako ni papa , after nun hinampas nya ako ng hanger. To the point na nawasak yung hanger. Take note sa daliri ko tumama yun kaya solid yung sakit mga pare ! Si mama nakatingin lang di naman nya ako kayang ipagtanggol . Simula dati di nya ako kayang ipagtanggol. To the point na nakwento ko sa kanyang muntik nakong pagsamantalahan ng tito ko . Pero wala syang ginawa . sinabi nya lang na umiwas ako. Pero hinahayaan nya na maiwan ako sa bahay nun pag summer. Sinabi nya pang wag ko lng sabihin sa iba lalo na kay papa kase magkakagulo daw . Masisira yung relationship ng pamilya.
Ang sakit sa part . Gusto ko mag voice out na " oy! Tong hayup na tito ko binabalakan akong gahasain . Ilayo nyoko dito please . Wag nyokong iwan sa bahay nito please ! "
Pero wala. Bawal . kelangan shut up lang. Kaya pag nakikita ko yung tito kong yun di ko kinakausap. Di ako nagmamano di ko pinapansin . Lantarang pang babastos ang ginagawa ko sa kanya kahit na matanda pa sya. Bakit ko nanaman rerespetuhin ang taong nangbabastos saken . Di nga nirespeto neto pagkababae ko . Pero pati sa way kong yun pinapagalitan ako ni mama na wag daw ganun ugali ko . Crap! Sa totoo lang gusto kong iumpog ulo ng tito ko sa pader sa galit ko sa kanya e. Kaya siguro ganto din ako . Dahil bata pa lang ako nakaranas nko ng ganun. Kaya yung safety and security na dapat pamilya ko ang magbigay di ko nararamdaman kaya sa labas ko nalang hinahanap yun . Unfortunately pag naramdaman ko na yun sa isang tao bigla silang nawawala or nang iiwan. Ang badtrip ng buhay diba?
YOU ARE READING
Walwal Is Life. When Your Life Is Fvcked Up!
RomancePara sa mga nadedepress , Na Sstress , at tumataas nanaman ang anxiety. Lavarn mga atih!