Ang eskwela

6 0 0
                                    

Kinaumagahan pumasok ako sa school ng kulang sa tulog.   Halos di ako nakatulog kagabi . iniisip ko yung mga nangyare , mula sa inuman hanggan dito sa bahay.  Hindi na ako nag agahan . Naligo nalang ako agad pag gising at nag ayos ng sarili.  Sanay na ako sa ganto sa school ang agahan at sa inuman ang hapunan.  Ayokong makihalubilo sa mga tao dito sa bahay . Ramdam ko din naman na ayaw nila sa akin so ako na mag aadjust . Pagkarating ko sa school nakita nakita kong nagtuturo na si Sir Drew . Late nanaman ako .Sanay na sya e kaya tinignan nya lang ako sabay pinagpatuloy ang pagtuturo . Andun na sila alwina at miyumi nakaupo at sobrang fresh.  Nanghingi nalang ako sa biscuit na kinakain ni miyumi dahil sa totoo lang kumukulo na ang tyan ko sa gutom.  Nakaupo ako sa tabi ng bintana. Nakaabag sa pag daan ng lrt.  Nakatitig sa kumakantang matanda.  At sa mga tinderong sigawan ng sigawan.  Ganto ang eskwela namin.  Anong magagawa namin pang publikong kolehiyo ito . Kaya kahit maingay sa paligid nito nagtatyaga kami. Nakakabilib lang ang mga guro na nakikipag sabayan sa tunog ng lrt sa tuwing dumadaan ito . Sa white board na kulay itim sa dami ng nagdaang pentel na di nabura ng maayos.  Sa mga alikabok ng chalk sa baba ng pisara dahil di nalilinis maigi.  Labas lang naman ang nililinis ng janitor dito e . Pag labas naman ng aming silid halimuyak ng mapanghinge na cr ang maamoy.  E walang tubig dun anong pang bubuhos namin . Ang sarap magalit sa mga estudyante pero di mo dn sila masisi dahil sa kakulangan ng gamit . Kawalan ng tubig at di sapat na panglinis . Dahil ang budget? Di ko alam kung nasaan.  Walang makapag sabi kung kinain ng mayor , nilamon ng administration o talagang kapos sa budget na binibigay.  Bat nga ba kame bibigyan ng pansin mahirap lang kame. 

Walwal Is Life.  When Your Life Is Fvcked Up! Where stories live. Discover now