Natalia ! Sigaw nila alwina at miyumi . Di ko namalayang tapos na ang klase . Umalis na din sa silid si sir Drew. "Peram notes mo sa psychology" binigay ko ang notebook ko sa kanila saka tumingin uli sa labas . Ewan ko sa mga to bat nang hihiram pa e may kopya din nmn sila . Ang paliwanag lang nila mas kumpleto daw yung kopya ko kesa sa kanila . Mabilis kase ako mag sulat. Sabay ng pag sasalita ng prof ay sinusulat ko ang mga lecture . Di ko iniintindi ang sinasabi nya ang source lang ng knowledge ko ay ang notes na binigay nya . Habang sinusulat ko to naiintindihan ko onti onti. Bigla akong tinanong ni alwina kung di ba ako mag rereview. "Para san ? " tanong ko . "Bobo mo midterm natin kay sir Rolan" di ko naman iniintindi yang mga test . Kaya di ako nag rereview. Umiling lang ako para sabihing hindi . "Sus nagreview kana sa bahay nyo e ." sabat naman ni miyumi . Madalas eto ang alam nila . Nagrereview ako sa bahay kahit halos buong araw nila akong kasama. Akala nila patago akong nag rereview dahil di pa nila ako nakikitang nagreview ng todo sa eskwela. Pero pumapasa ako sa mga test. Di naman ako grade conscious kaya di ko target yung mataas na grade . Ayoko na todo yung pagrereview ko tapos wala naman pala yun sa tanong. Dinadaan ko nalang sa analysis at madalas diskarte . Tumingin ako sa paligid. Lahat sila ay puspusan ang pagbabasa ng kopya. May nagtatanungan may iba self review. Etong dalawa pinipilit ipasok sa utak nila yung binabasa kahit mamaya mangongopya lang din naman sa akin. Nagpapanggap pa. Natulog nalang ako ng makaramdam ako ng antok. Sobrang napuyat ako kagabi .
YOU ARE READING
Walwal Is Life. When Your Life Is Fvcked Up!
RomancePara sa mga nadedepress , Na Sstress , at tumataas nanaman ang anxiety. Lavarn mga atih!