chapter 16: London Scenery

290 3 0
                                    


Pagkatapos naming kumain ay lumabas din kami para magliwaliw. Naglakad lakad muna kami pero hiwalay na kami kasama ko si Wendell at ang mga bata pero ang iba ay hindi ko alam kung saan na napunta. Sana naman hindi sila masyadong lumayo.

Sa harap nitong palace ay may fountain at statue na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Kadalasan naman talaga sa lugar dito ay may mga fountain na ginagawang wishing well.

"Mommy do you have a coin?" Pagkalabit ni Princess sa akin.

"Aanhin mo baby?"

"I'm gonna throw it in a wishing well and make a wish." Simpleng sagot niya. Lumapit nga siya doon sa wishing well. Inihulog ang coin saka pumikit. Bumalik naman siya agad sa tabi namin.

"What do you wish for, baby?" Tanong ng kanyang ama.

"I wish that we could all live happily ever after!" Masigla niyang sabi na bumusangot rin dahil sa sinabi ni Duke.

"Cinderella ikaw ba yan?" Pambubuska ng kanyang kapatid.

"Makaluma ka Princess wala kang originality." Dagdag pa ni Prince na ikinabusangot lalo ng kanyang mukha.

"Daddddyyyy ohhhh!"

Natawa naman kami sa kanya na kanyang ikinaiyak.

"Please don't cry baby. Ofcourse we will live happily ever after." Pag-aalo ng kanyang ama.

"Huwag niyo ngang awayin ang Prinsesa natin." Si Wendell na hinahagod pa ang likod ni Princess.

"Kayo Duke at Prince di kayo magwiwish? My coins pa ako dito."

"No thanks. I don't have a wish." Ani Duke.

"Balik na lang tayo sa kwarto mommy. Inaantok na ako." Ani naman ni Prince. Di ko sila napilit na humiling doon sa wishing well.

"But mommy i have enough sleep already. Di pa ako inaantok!" Nako paano ba 'to!

Tiningnan ko si Wendell kung ano ang magiging disesyon niya pero umiiling. Ibig sabihin di niya rin alam!

"Baby, inaantok na kasi si kuya mo. Magplay na lang tayo sa loob. Okay?" Tumango naman siya pero nakabusangot.

Bumalik naman kami sa loob buti na lang may katulong na na nakabantay sa pagbabalik namin para igiya kami sa pabalik sa aming kwarto.

Natulog naman ang dalawa agad pero si Princess at Wendell ay nanood ng disney princess habang ako nakahiga at pinagmamasdan silang dalawa.

"And they live happily ever after! They end! Someday I will have my own prince and we have our happy ever after too!" Bakas sa mukha niya ang saya. Napabusangot naman agad ang mukha ng kanyang ama.

"No baby. I don't want you to have a prince I want you to have a knight and shining armor who will look after you forever."

"But dad I want a prince!" Pagmamaktol ni Princess. Ano ba ang kaibahan ng dalawa?

"Yes baby. Someday you will have a prince and a knight in shining armor." Sabi ko sa kanya para mawala ang busangot sa kanyang mukha.

"Prince is a knight in shining armor too. Don't you think so?" Tanong ko sa kanya na kanyang ikinasigla.

"Yes mommy. And I will have that kind of guy soon!" Di na lang umimik ang kanyang ama. Halatang di sang-ayon sa pinagsasabi ng kanyang anak.

Thank You For Breaking My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon