chapter 18: accident

316 4 0
                                    

Something came up. Umabot lang kami sa airport ng Paris tapos nagpabook din kami ng ticket pabalik sa Pilipinas. My mom and Wendell's mom is in critical condition because of car accident. Hindi pa nalaman kung ano ang dahilan kung bakit sumabog ang sasakyan na sinakyan ng dalawa habang magsashopping sana. Tumawag ang ama ni Wendell na si daddy Conrad at ibinalita ang nangyari sa dalawa. Kasama ni daddy Conrad  si daddy William ng tumawag sila at nasa loob ng ospital. They are crying while talking to us. Ngayon nga nasa ICU ang dalawa at salitan kami sa pagdalaw.

Nakarating kami sa Pilipinas ng madaling araw na at dumiritso kami sa ospital. Kaming lahat. Ni wala kaming tulog dahil sa pag-aalala maliban sa mga bata na pilit naming pinatulog sa byahe.

Nakaupo kami ngayon dito sa visitor's area at pinag-usapan ang nangyari. Sina daddy ay nasa loob ng ICU.

"Ayon sa mga imbistigador. Gas leak daw ang dahilan kaya sumabog ang kotse tapos nawalan daw ng break kaya hindi macontrol." Sabi ni Wendell. Hindi ako naniniwala. Paanong sumabog tapos nawalan ng break? Hindi yata magkatugma ang mga dahilan.

"I organize some private investigation. I can't buy that crap. Malakas ang kutob ko na may ginawa sa kotse kaya sumabog." Sabi ko. Bago pa ang kotse paano mawala ang break lalo na ang magka gas leak.

"Yeah that's right at huwag mong ipaalam sa mga pulis dahil baka sangkot sila sa krimen." Sabi naman ni Jane. Ang mga lalaki tahimik lang na nakinig sa amin. Ang mga bata naman ay kinunan ko ng kwarto para makapagpahinga at pinabantayan ko kay Francis. Di pwedeng ihiwalay sa amin baka sila at pag-iinitan ng mga criminal.

"Huwag kayong padalos-dalos baka gas leak nga ang dahilan." Si Wendell. Biglang tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi ako naniniwala sa baka na iyan dahil baka hindi! That's why we conduct some further investigation!" Sigaw ko sa kanya. Paanong gas leak talaga ang dahilan kung ang dalawang mahal namin sa buhay na ang sangkot?

"Oo nga naman Wendell at saka bago pa ang kotse imposible namang magka gas leak." Sabi naman ni Eleo.

"Exactly!" Wika ko.

"Okay calm down. We do what you want." Pagpakalma niya sa akin.

"How can I calm down when our mother is in there! Walang malay." Sabi ko sa pamamagitang ng iyak.

"Sssss. Okay. Don't freak to much. I know okay. Don't stress yourself. Mahahanap din natin ang may gawa nito." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Tahimik lang akong lumuluha sa mga balikat ni Wendell hanggang sa makatulog ako.

Paggising ko nasa kwarto na ako ng mga bata dito sa ospital. Wala na ang ibang mga bata tanging si Prince Duke at Princess na lang ang nandito. Siguro kinuha na sila nina Jade at iniuwi muna para makapagpahinga ng maayos. Nadamay din sila sa pagiging emotional namin this few hours. Itinuring na kasi nilang parang pangalawang ina ang mga ina namin ni Wendell. Wala na rin dito si Francis. Siguro umuwi na rin iyon.

"Hey, how are you feeling?" Tanong ni Wendell na lumapit sa akin at sinalat ang noo ko.

"I'm fine. Nakausap niyo na ba ang doctor?" Tanong ko sa kanya. Ang alam namin ay nasa loob lang ng ICU sina mommy pero di talaga namin alam ang totoo nilang kondisyon.

"Not yet. Hinintay kita na magising para sabay nating harapin ang doctor."

"Pero walang magbabantay sa mga bata. Baka may kikidnap sa kanila habang wala tayo."

"Don't think too much. I have a bodyguard outside. Sila na muna ang magbabantay sa mga bata habang kinakausap natin ang doctor." Guminhawa ako ng malalim. Maybe i'm just worried that's why i think to much.

Thank You For Breaking My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon