chapter 19: awakening

306 2 2
                                    


"They are gone." Mahina kong sabi sa kanila ni daddy. Labis ang pagsisisi ko dahil sinigawan ko si Zayne in public. Di ko naman sinasadya, nadala lang ako sa labis na stress. Umalis lang ako saglit para kausapin ang doctor ngunit pagbalik ko wala na sila sa kwarto. Nilibot ko ang buong ospital. Umuwi ako sa bahay nagbabakasakaling nandoon lang sila nagpahinga ngunit wala. Tinawagan ko ang aming mga kaibigan ngunit ni isa ay walang sumagot.

"What do you mean?" Tanong ni daddy William.

"Nilayasan na naman ata ako ng mag-iina ko." Walang buhay kong sabi.

"Baka nandoon lang sa bahay nagpapahinga." Wika naman ni daddy.

"I don't think so dad. Pinuntahan ko na ang bahay ngunit wala sila doon. Tinawagan ko rin sina Mark pati na ang ibang kaibigan namin ngunit di sumasagot."

"Nawawala ba ang mga gamit nila?"

"No. Walang nawawala ni isa. Hindi nga yata sila umuwi sa bahay eh."

"Baka nandoon lang sa mga kaibigan mo. Nagbabawas ng stress."

"I hope so dad."

"Kinausap ko na ang doctor na naka assign sa mommy mo. Stable na daw sila wika niya."

"Oo nga conrad bago ba ang doctor na iyon? Ngayon ko lang yata iyon dito nakita." Nagtataka ako sa sinabi ni daddy William. May bagong doctor sina mommy.

"Bago ang doctor nina mommy?"

"Hindi. Siya lang daw muna ang mag-aasikaso dahil may lakad daw ang dating doctor ng mommy mo." Ani daddy.

"Sabagay magaling na doctor naman iyong si Mr. Liery baka may nangangailangan ng tulong niya." Sabi naman ni daddy William.

"Saan daw pupunta?" Tanong ko. Nakapagtataka kasing hindi man lang nagpaalam ng personal. Dapat ipapaalam muna ang kanyang pagkawala at kung sino ang kanyang ihahabilin.

"Makakatiwala ba tayo sa doctor na ipinalit sa kanya?" I'm curious though.

"Magaling ang doctor na iyon. Nagawa niya ngang i stable ang kalagayan ng mommy mo. Sa katunayan nga ay magigising na daw sila one of this days." Si daddy. Hindi sa hindi ko gusto na gagaling sina mommy. Pero sabi ng dati niyang doctor maaaring mamatay sina mommy dahil hindi nagreresponse ang gamot nito. Posible kayang tama si Zayne?

"Pwede ko bang makausap ang bagong doctor dad?" Gusto ko siyang makausap. Itatanong ko sa kanya ang mga bumabagabag sa isip ko ngayon.

"Sure, kaya lang di ko alam kong saan ang opisina niya eh."

"Baka nasa opisina rin ni Dr. Liery." Ani daddy William.

"Pupuntahan ko dad." Tinakbo ko ang opisina ni Dr. Liery. Hindi na ako kumatok at binuksan ang pinto. Nakita ko ang doctor na kausap si Samantha. Bakit magkausap ang dalawa?

"Samantha? Anong ginagawa mo dito?"

"Oh hi Wendell dear! Surprise!" Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa lips. Inilayo ko siya agad sa akin.

"Oh come on Wends. You use to kiss me all the time since we were together." Nang-uuyam niyang wika.

Good thing wala si Zayne dito dahil baka nakalbo na ang babaeng ito.

"Samantha have an appointment to me mr. Calder that's why she's here in my office." Sabi ni Dr. Liery.

"Ganoon ba doc. Babalik na lang ako mamaya kapag wala ka ng bisita." Lumabas ako agad at sinarado ang pinto.

Thank You For Breaking My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon