Chapter Three

2 2 0
                                    

"Anong balak mo pare? Mahal mo na ba talaga?"

"Baka naman.. nakikita mo lang sa kanya si Kate kaya iniisip mo na mahal mo"

Sinosoportahan ba ako ng mga ito o tinatakot?

"Sigurado na ako! Moved on na ako kay Kate kaya pede ba? Wag natin siya isali dito. Its about me and Ella. Ano? Tutulungan nyo ba ako?" I said na kunwari ay galit pero seryoso lang.

"Tutulong ako" Carlo

"Same here!" Vince

"Aba! Ako din!" Louie

Tutulong naman pala e! Dami pang seremonyas!

"So, anong plano?" Sabi ni Vince habang kinakain yung pagkain na ako ang bumili.

"Hindi ko pa alam" Sagot ko sabay kuha nung piattos.

"Ang tanong.. may gusto ba sayo si Ella?" Tanong naman ni Carlo.

"Sa tingin ko, wala" Bigla namang nagsalita si Troy na kanina pang hindi nagsasalita.

"Pano mo naman nasabi Troy?" Tanong ni Louie sa kanya.

Tumayo siya at cool na sumandal sa pader.

"I saw her last week with unknown guy. She looked so happy" He said.

Bigla naman akong napaisip. Last week? Ang alam ko ay halos 24/7 kaming magkausap sa text at chat pati viber. Pero bat wala siyang nasabi sakin na may kasama siyang lalaki?

Psh! Hindi nga nya pala ako boyfriend para ipaalam sakin lahat ng gagawin niya or even kung sino ang kasama niya.

"Lets stop this plan. Baka mamaya may boyfriend na pala siya tapos aasa or manggugulo pa ako" I said.

*****

"Kuya sige na. Samahan mo na ako na sa Lipa. Hindi kasi papayag si Mommy kapag wala akong kasama"

Kanina pa ako kinukulit ni Ella. Nagpapasama siya sa Lipa para bumili nung damit na kailangan niya. Hindi ako pumayag kasi medyo nilalayuan ko muna siya kahit hindi pa ako sigurado na may boyfriend na nga siya.

"Marami talaga akong gagawin. Kung gusto mo, ill call Vince or Troy para samahan ka" Sabi ko habang tinatapos yung tinatype ko.

"But.. but, i want YOU!"

Itutuloy..

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon